Chapter 13- Party

508 9 9
                                    

Lorrien's POV

“One of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else.”

Naghari pa rin ang kagustuhan kong makita siya. Pinagtitinginan ako ng mga tao ng pumasok ako sa party. Alam kong ngayong gabi maaari pa akong masaktan. Pero siguro nga kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. Kapag nakita ko kaya siyang masaya kasama si Janine, susuko na tong puso ko?

 Namatay ang ilaw sa buong hall habang nanitiling nakabukas ang spotlight sa may hagdanan. Nagsimulang tumugtog ang isang lalaki ng piano.

 Too many billion people

Running around the planet

What is the chance in heaven

That you'd find your way to me?

Nakita kong pababa sa hagdanan si Efreem, pinigilan ko ang sarili ko na tumakbo papalapit sa kanya. Gustong gusto ko siyang yakapin. Tinitigan ko kung paano niya dalhin ang sarili niya, ang mga ngiti at ang mga nagbago sa kanya. Pinilit kong magmasid sa malayo...

Masaya ka na ba talaga?

Tumulo ang mga luha sa mata ko.

Tell me what is this sweet sensation?

It's a miracle that's happened

Though I search for an explanation

Only one thing it could be -

Pinangarap kong makasal sa kanya pero ngayon alam kong hanggang pangarap na lang ako. Dahil may pumalit na sa pwesto ko.

That I was born for you

It was written in the stars

Yes, I was born for you

And the choice was never ours

It's as if the powers of the universe

Conspired to make you mine

And til the day I die,

I bless the day that I was born for you

Bumababa rin si Janine sa hagdan at sinalubong siya ni Efreem. Nagyakap sila sa harap ng maraming tao, parang sinasaksak ang puso ko.

Ako dapat ang kayakap niya...

Ako dapat ang pinakasalan niya...

Ang sakit sakit,...

" Ladies and Gentlemen, Mr & Mrs. Efreem Dela Vega "

Nagpalakpakan ang mga tao, tumalikod ako para umalis. Bakit ba kasi pumunta pa ako dito? Nagulat ako ng bumukas ang ilaw at nakatingin silang lahat sa akin. Huminga ang ng malalim sabay harap kina Janine at Efreem. Pinilit kong ngumiti pero tumulo ang mga luha ko.

Bakit kailangan maging ganito kasakit?

Kung alam ko lang na ganito pala kasakit sa harapan. Yung lahat sila masaya pero ikaw gusto mong magluksa. Tuluyan na akong tumalikod habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. Lahat sila nakatingin sa akin, tatakbo na sana ako palayo ng may tumawag sa pangalan ko..

" Lorrien" tawag sa akin ni Efreem. Humarap ako sa kanya habang umiiling. Nakakainis dahil patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Tuluyan na akong naglakad palayo, nagulat ako ng matapatan ako ng spotlight.

" Lorrien" may tumawag ulit sa akin pero alam kong hindi na si Efreem. Tatakbo na sana ako palayo ng hawakan niya ako sa braso, humarap ako sa kanya.

Nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na may dalang bulaklak at microphone. Umiling lang ako sa kanya senyales para pakawalan na niya ako. Masyado ng nakakahiya ng mga nangyari, ayoko ng dagdagan pa.

" Bakit ka nandito Migs?" tanong ko sa kanya. 

" Kasi alam kong kailangan mo ko" sabi niya sabay abot ng bulaklak sa akin.

" Sometimes all it takes is someone who'll be there, ready to catch you." sabi niya sabay luhod sa harapan ko

" Please Migs ayoko ko ng pahiyain pa yng sarili ko" bulong ko sabay pinipilit siyang tumayo.

" Trust me, just say yes" sabi niya sabay ngiti

"Lorrien Madrigal ayaw kong makita kang nasasaktan. Naalala mo sabi ko sayo na magkikita pa tayo muli at sa muli nating pagkikita ay hindi na ako aalis sa tabi mo. Hindi kita iiwanan at hindi kita sasaktan"

Tumingin ako sa paligid mukha nabigla sila sa nangyayare. Napako ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam ang dapat maramdaman ngayon.

" Be my Girl Lorrien. " sabi sakin Migs habang nakatingin sa mga mata ko

Nabigla ako sa sinabi niya, pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Gusto kong mawala ang sakit dito sa puso ko. Niyakap ko siya ng mahigpit..

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon