Chapter 34

345 7 1
                                    

Lorrien's POV

( Now Playing: Kung Wala Ka )

Pinakamasayang araw ng buhay ko ay noong hindi nga siya ang laman ng isip ko pero siya naman ang nasa tabi ko.

Naalala ko na naman ang araw na tuluyan siyang lumayo, ang araw na tuluyan siyang umalis sa buhay ko. Sa maling kilos ko nawala na lang siya ng biglaan, sa konting di pagkakainitindihan nawala na siya ng tuluyan. Naramdaman ko na naman ang sakit ng maiwan.

#Flashbacks#

Tatlong araw na simula ng huli naming pag-uusap,bakit ang sakit? Wala akong kinakausap nagkulong lang ako sa condo ko. Gusto kong mapag-isa, kapag nalaman niya siguro na nasasaktan ako ng sobra sa pagkawala niya babalik yun. Hindi ako matitiis ni Aldrine mahal mahal ako noon.

^BLAG^

Nakarinig ako ng malakas na tunog pero wala akong lakas para tumayo. Ilang araw na din akong hindi kumakain. Wala akong gana. Ang alam ko lang miss na miss ko na siya. Babalikan naman niya ako diba?

" Ano Lorrien iiyak ka na lang diyan? Magmumukmok, maduduwag ka na lang hahayaan mo na lang mawala na siya ng tuluyan sa buhay mo? My Ghad ang tanga mo" sigaw sa akin ni Gelin. Naiyak ako lalo sa mga sinabi niya. Napahagulgol ako lalo parang pakiramdam ko kailangan ko ng ilabas to kasi sasabog na yung dibdib ko kung hindi.

" Napagod na siya sa akin Gelin huhu iniwan niya na rin ako" sabi ko sabay yakap sa kanya.

" Ano wag kang umiyak diyan? Gusto mo bang mawala na lang siya sa buhay mo at hindi na makita kahit kelan. Lorrien makinig ka sa akin aalis na si Aldrine ngayon. Wag kang umiyak lang diyan puntahan mo siya at sabihin mo ang nararamdaman ng puso mo. Hindi yung ganito, wag kang duwag kahit ngayon lang mag-effort ka naman" sabi niya sa akin. Tama ba ang narinig ko aalis siya? Bakit, hindi pwede.

" A-aalis siya?" tanong ko sa kanya at tumago lang siya. Tumayo ako at tumakbo palabas hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko. Hindi ako papayag.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa airport. grabe bakit ngayon pa natrapik ang daming araw sa isang linggo bakit ngayon pa. Napapikit ako para magdasal na sana maabutan ko pa siya. Kailangan ko siyang pigilan.

Pagpasok ko sa airport ay lumapit ako sa babaeng na nasa information desk at tinanong ko kung nakaalis na yung flight ni Aldrine.

" Sorry po maam pero nakaalis na po. Isang oras na po ang nakakalipas" sagot sa akin ng babae. Naramdaman ko ang pagod at sakit kaya napaupo na lang ako sa may sahig at nag-iiyak.

Hindi ko na inisip ang taong nasa paligid ko. Hindi nila ako maiintindihan, kaya pinagpatuloy ko lang ang pag-iiyak ko dun.

" Shhh Lorrien tahan na" sabi ni Gelin. Niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi sapat para mapawi ang lahat ng sakit.

" Kung kinausap ko sana siya at nagmakaawa ako na wag niya akong iwan. Kung sinabi ko lang yung tunay kong nararamdaman sana hindi nagkaganito" sagot ko sa kanya.

" Shh tama na baka hindi pa panahon, lahat ng bagay may kanya kanyang panahon kung kayo talaga babalik siya sa pilipinas. Babalik siya sa tabi mo"sagot niya sa akin.

Nag-iiyak lang ako dun pero walang kahit anino ni Aldrine na nagpakita. Natiis niya akong iwan?

#End Of Flashback#

Napabuntong hininga ako at pinunasan ko ang mga luha na umaagos sa mga mata ko. Umiiyak na naman pala ako, pinilit kong ngumiti dahil alam ko namang kung nandito siya sa tabi ko ayaw niyang makitang umiiyak ako. Totoo pala yung sabi nila na....

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon