Chapter 38

348 8 4
                                    

Author's Note:

 Hello Readers!

Kamusta naman kayo? Try niyong magcomment tsaka irecommend tong story ko para maging masaya ako. Sige sige salamat.

Lorrien's POV

" Nagsisisi ako na wala ako sa tabi mo, kung ako ang kasama mo hindi ka sana mahuhulog sa iba. Pero kahit kelan hindi ko pinagsisihan na iniwanan kita, kasi kung hindi ko ginawa yun baka hindi kana namin  makasama pa" sabi niya sa akin.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka at takot sa puso ko.

Nagbuntong hininga siya at sinabing " Siguro ito na ang tamang panahon para malaman mo ang lahat- lahat"

*BOOOGGSSSSH*

" Walang kikilos kung ayaw niyong mamatay" sigaw ng isang lalaki. Naglabasan ang pitong lalaking nakakatakot at may malalaking katawan. Ang bawat isa'y may dalang baril na nagdala ng takot sa aming puso ni Efreem. Kinulong ako ni Efreem sa kanyang mga bisig, nangangatog ang buo kong katawan.

Hinatak ako ng isang lalaki at sapilitang kinaladkad niya ako palayo, pilit akong sumusulyap sa dereksyon ni Efreem. Parang dinudurog ang aking puso sa bawat suntok at sipa na natatanggap niya. Hawak siya ng isang lalaki habang pinagtutulungan siyang bugbugin ng limang lalaki. Sinisigaw ko ang kanyang pangalan at nagmamakaawa sa kanila" Efreem efreem huwag niyo siyang saktan. Maawa kayo sa amin"

Ginamit ko ang buo kong lakasan para makipagmatigasan sa lalaking kumakaladkad sa akin. Pilit akong lumalaban para huwag niya akong madala kung saan niya man binabalak.

" Ano bang kasalanan namin sa inyo, tama na please" pakiusap ko. Tila naubusan na siya ng pasensya kaya nagulat ako ng takap niya ang aking ilong at bibig na isang panyo. Pilit akong nanlalaban pero hindi nagtagal ay nawalan na ako ng malay.

Minulat ko ang mga mata ko, natunghayan ko ang aking sarili na nakagapos ang mga kamay at paa habang nakahiga sa isang papag. Isang bombilya ang nagbibigay ng ilaw sa loob ng silid, nilibot ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita na kahit anino man lang ng mga lalaking kumuha sa akin. Automatikong tumulo ang mga luha sa aking mga mata ng maalala ko ang imahe ni Efreem habang binubugbog ng walang laban. Nasilidlan din ng takot ang aking puso sa maaaring gawin sa akin ng mga lalaking dumukot sa akin. 

Pilit akong umisip ng paraan para makatakas sa silid na ito, pilit kong kinakalas ang tali sa aking mga kamay hanggang sa maramdaman ko na ang mga kirot ng sugat nito. Pilit ko pa ring tiniis ang mga sakit dahil mas natatakot ako sa maaring gawin nila sa akin kapag hindi ako nakatakas dito.

Nagulat ako ng makita ang isang imahe ng lalaki na pumasok sa silid. Pilit kong inaalala kung nakita ko na ba siya pero hindi ko talaga siya kilala. Papalapit siya sa akin na nagbigay ng takot sa buo kong sistema. Pinipilit kong kumawala sa pagkakatali pero wala pa rin akong magawa. Nauubusan na ako ng pag-asa at lakas, makakalabas pa ba ako ng buhay?

Hinatak niya ang aking buhok na naging sanhi ng pagsigaw ko, sa kalagayan ko ngayon hindi talaga ako makakalaban. Nakatali ako habang nakatakip ang aking mga bibig. Nilapit niya ang kanyang mga mukha sa akin na nagdulot ng matinding takot, naipikit ko na lang ang aking mga mata habang patuloy ang pag-agos ang luha sa aking mga mata.

Nagdadasal ako sa aking isipan na may tumulong sa akin, kailangan ko ng tulong para makawala sa kamay ng mga masasamang tao na ito. Tila sinagot ng Diyos ang aking panalangin ng may sumigaw na isang lalaki sa di kalayuan. " Anong ginagawa mo, bitawan mo siya."

Dinilat ko ang aking mata at natunghayan ko ang isang lalaki na hindi ko rin kakilala. Lumapit siya sa akin at sinenyasan ang lalaki na bitawan ang pagkakahawak sa aking buhok.

" Natatakot ka ba Ms. Lorrien Madrigal?" tanong niya. Tinanggal niya ang takip sa aking bibig. Hinaplos niya ang aking mukha pababa sa aking leeg.

" Huwag po, maawa ka sa akin" pakiusap ko ng maramdaman kong halikan niya ako sa aking leeg.

" Maawa ka sa akin" pakiusap ko. Hindi ko alam pero walang lakas ang aking katawan para lumaban. Patuloy lang ang mga luha sa aking mata.

" Ngayon ko lang nalaman magkatipo pala kami ni Benitez pagdating sa babae"sabi niya sabi niya ng inilayo na niya ang kanyang sarili sa akin. Tinitigan niya ako ng may pagnanasa, natatkot ako sa mga titig niya. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon.

" Si Aldrine. Bakit mo siya kilala?" biglang tanong ko sa kanya.

" Siya ang dahilan kung bakit nandito ka Miss. Huwag kang mag-alala kapag nalaman niyang hawak ka namin sigurado ako na magmamadali siyang pumunta dito para iligtas ka" sabi niya.

__________

Alam ko na naiinis kayo kasi excited na rin kayong malaman dahilan ng pag-iwan ni Efreem kay Lorrien pero tiwala lang. Intay intay lang malalaman niyo rin sa takdang panahon.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon