Chapter 2- Seeing him Again

761 20 10
                                    

 Hello Readers!

Please vote for this chapter, nakakatampo ang konti ng votes!

_________________________

#After one month#

"Lorrien, sigurado ka na bang pupunta ka sa US" tanong ni Gelin sa akin andito siya sa kwarto ko nakauwi na kasi ako galing Hospital at tinutulungan niya akong mag-impake dahil bukas na ang alis namin

" Handa na akong bawiin ang akin" sagot ko sabay ngiti sa kanya

" Baka masaktan ka lang, wag ka ng umalis" pilit niya at kita sa mukha niya ang pag-alala

" Kilala mo si Efreem at alam mo kung gaano niya kamahal. Sigurado ako kapag nakita niya ako, babalikan ako nun. Si Efreem pa hindi ata ako matitiis ng lalake na yun" sabi sabay tulo ng luha sa mga mata ko. Sigurado akong mahal na mahal ako ni Efreem pero may parte ng puso ko na nagtatanong paano kung mahal na niya talaga si Janine?

Pinilit kong ayusin ang sarili ko para sa kanya. Araw-araw kong nilalagay sa utak ko na babalikan niya ako. Na kapag nakita niyang buhay ako marerealize niya na ako talaga ang mahal niya. Sabi niya sa akin, ako ang buhay niya kaya hindi ako matiiis nun. Nalungkot lang siguro siya kaya akala niya mahal niya si Janine. Pero mali siya buhay ako at kami pa rin ang para sa isa't isa.

Pinuntahan ko si Efreem at nakita kong naghahalikan sila ni Janine.

Ang sakit. Ang sakit. Paano nangyari sa amin ang mga bagay na ito?

Parang napako ako sa kinatatayuan ko, nanghihina yung tuhod ko. Hindi ko kaya yung nkikita ko. Gusto kong tumakbo pero alam kong pag tumalikod ako ngaun para ko na ring tinapon yung kaisa isang taong nagpapasaya sa akin. Hangagang sa may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan. Ang sakit sakit pero alam kong hindi dapat ako sumuko. Titiisin ko lang kasi mas pipiliin kong masaktan kesa habang buhay kong pag-sisihin na hinayaan kong mawala siya sa buhay ko.

"Lorrien" sabi ni Janine ng makita ako. Pinunsan ko yung luha ko kunwari wala akong nakita.

" Babe" sabi ni Efreem pero hindi siya makatingin sa mga mata ko.

Lumapit lang ako sa kanya at niyakap siya kahit sa loob ko gusto kong manumbat, gusto kong magtanong. Alam kong katangahan itong gagawin ko pero ang alam ko lang kailangan kong mabawi ang taong pinakamamahal ko.

" I missed you babe "sabi ko

Tumingin ako kay Janine at binigyan siya ng isang malaking ngiti kahit alam kong gusto ko siyang sampalin para maramdaman niya kung gaano kasakit ang naramdaman ko dahil inagaw niya ang taong pinakamamahal ko.

" Thank you Janine sa pagsama kay Efreem sa panahon na wala ako sa tabi niya. Sinabi sa akin ni daddy na sobrang nalungkot si Efreem noong nacoma ako kaya malaking bagay talaga yung nandiyan ka sa tabi niya. Huwag kang mag-alala andito na ulit ako para sa kanya." pag-papasalamat ko sa kanya.

Tanga na kung tanga pero ganito naman lahat nagmamahal nagpapakatanga.

 Dalawang linggo na kami sa states kaya aayain ko ng umuwi si Efreem sa Pilipinas. Papasok na sana ako ng kwarto ni Efreem ng may marinig akong nag-aaway.

" Fuck You! Dalawang linggo na pero wala ka pa ring sinasabi sa kanya. Tangna!"sigaw ni Janine

" Give me enough time, sasabihin ko rin sa kanya" paki-usap ni Efreem

 " Kelan mo balak sabihin, kung hindi mo kaya ako ang magsasabi sa kanya" sigaw ulit ni Janine

" Ok wala naman akong magagawa diba, hihiwalayan ko na siya" sigaw ni Efreem

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon