Chapter 25- The Dinner II

379 7 3
                                    

Janine's POV

Nakita ko si Lorrien sa may garden. Hindi ko maiwasang maiinggit sa kanya. She has everything  I wished to have. I wonder what's the feeling being her. I hate to admit that I'm willing to do everything just to be in her shoes.

Sino ba naman ang hindi maiinggit sa isang Lorrien Madrigal?

So totoo lang ayaw ko namang maging masama, sino ba namang gustong maging kontrabida sa kaligayahan ng ibang tao? Ang gusto ko lang naman maging masaya, mali bang hangaring lumigaya?

 But my situation is pushing me to do these things..

" How's the feeling bitch,  being the center of the attention ?" tanong ko sa kanya. Parang nagulat siya sa presenya ko at halata rin ang pagkatakot sa mga mata niya. Talaga namang kanina ng kumakain kami siya lagi ang bida, siya ang magaling, siya ang maganda. Edi ikaw na! Mamatay ka na sana. Leche!

" I don't know what you're talking about Janine" sagot niya sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, hindi pa rin siya talaga siya lalaban. Takot ka pa rin Lorrien pero lagi ka namang mapapel.

" Ang saya ba, grabe gustong gusto ka ni Mommy para kay Aldrine. Tell me Lorrien ano ba pinakain mo sa mga tao sa paligid mo at gustong gusto ka nila?" tanong kong para nang-iinsulto. Ano bang meron ang babae na ito at parang lahat ng tao gusto siya? Bakit maganda rin naman ako, mabait at higit na may utak ako sa kanya. Bakit si Lorrien na lang lagi.

" Janine ayaw ko ng away" sagot niya. Ayaw niya ng away?

Lalo akong naiinis sa kanya kasi ayaw niyang lumaban kaya nagmumukha akong masama.

" Stop it Lorrien. Look, no one is around so you don't need to showcase your acting skills. " sabi ko sa kanya.

Kahit santa lumalaban kapag inaapi na, ano ka Lorrien Diyos? Hindi lalaban at lagi na lang magpaparaya.

" I think I should go" paalam niya

 Hindi ka aalis, hangga't hindi ko nabubuhos lahat ng inis ko sayo. Lahat ng sakit dito sa puso ko kasalanan mo.

" No Lorrien hindi ka aalis, mag-uusap pa tayo" sigaw ko sa kanya.

" look Janine don't make any scene here" sagot niya sa akin

 Wala akong paki kahit mag-eskandalo ako dito. This is my house I can do whatever I want.

" Bakit takot ka, takot kang malaman nila na hanggang ngayon nagkikita pa rin kayo ng asawa ko" tanong ko sa kanya.

I'm not stupid, alam kong nagkikita sila patago ng asawa ko. Paawa effect ka pa pero lumalaban ka naman ng patalikod. What the fuck!

Hindi siya makasagot kasi totoo. Kita ko sa mga mata niya ang takot at bigla na lang siyang umiyak.

" Drop the drama Lorrien I won't buy it" sigaw ko sa kanya

" I'm so sorry" sabi niya sabay hagulgol

Sorry, hindi ko kailangan ng sorry niya. Sana kung magsosorry siya ay ako na ang mamahalin ni Efreem pero hindi. Wala akong mapapala sa sorry niya, hindi ko yun ikayayaman o ikagaganda.

" Sorry, hindi sapat yun layuan mo ang asawa ko Punyeta" sabi ko sa kanya.

" Hindi ko kaya mahal ko siya" sagot niya sa akin habang lumuhod sa harapan ko

" Mahal mo at ako hindi? Mahal ko siya sobra pa sa kaya mong ibigay" sigaw ko sa kanya sabay hatak sa kanya patayo

Kung may higit mang nagmamahal kay Efreem ako yun kita naman siguro sa lahat ng mga ginawa ko.

" Lorrien ang selfish mo naman. Na sayo na si Aldrine tapos ayaw mo pang bitawan si Efreem. Asawa na ako ni Efreem kaya pwede ba wag ka ng umextra" sigaw ko sa kanya sabay samapal sa kanya

 Paano ako mamahalin ni Efreem kung lagi kang nandiyan para sa kanya. Kaya hindi ako mapansin kasi lagi kang nakaharang Lorrien, lagi kang nakikihati sa attensyon na dapat akin naman talaga.

" Ate " sigaw ni Aldrine sabay lapit kay Lorrien at niyakap ito.

At isa pang kinagagalit ko ginagamit niya si Aldrine. Nahihirapan kami ng kapatid ko ng dahil sa kanilang dalawa.

" Ano Aldrine kakampihan mo pa rin yang babae na yan kesa sa sarili mo kapatid" sigaw ko sa kanya

 Ako pa masama? Ako pa ngayo sino ba ang kumakabet sa may asawa. Ako ba? Pinaglalaban ko lang ang akin.

" Wala siyang kasalanan" sigaw niya

Wala. hindi ba napakalaking kasalanan ang pagpatol sa may asawa na.

" Wala, sinong niloko mo. Hindi ba kasalan ang pagkabit" sigaw ko at nakita kong nag-iba ang expresyon ng mukha ni Aldrine.

" Ate stop it or else" sigaw ni Aldrine

" Or else what? I won't stop Aldrine. " sabi ko sabay alis.

Lumakad ako palayo at naramdaman kong tumulo ang luha sa mga mata ko. Buti na lang tumulo ang luha ko pagkalayo ko sa kanila. Walang sinuman ang maaaring makakita na nasasaktan ako. Hindi nila dapat ako kaawaan.

Pumasok ako sa kwarto namin pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Hinanap ko si Efreem at nakita kong umiinom siya at naninigarilyo.

Ganito ba talaga siya nahihirapan na makasama ako? Na kahit sirain na niya buhay niya. Ang sama ko bang tao kung ipilit ko ang sarili ko sa taong may mahal ng iba.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang sigarilyo at alak sa kamay niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

" Hon masakit pa rin ulo mo" paglalabing ko sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap ko sa kanya

" Gusto mo ng massage?" tanong ko sa kanya

Iniwan niya ako at pumasok siya ng banyo. Ininom ko na lang ang alak na iniinom niya kanina.

 Hanggang kelan mo ako babalewalain?

Hinintay ko siyang matapos magshower at nagready na rin ako para mabango ako paglabas ni Efreem.

Parang nagulat siya ng makita ako. Tinignan ko siya sa mga mata at lumapit pa ako. Unti-unti kong hinubad ang bathrobe ko at wala akong suot na pangloob parang nagulat siya sa mga nakita niya.

" Hon. gusto na daw nilang mag-kaapo" sabi ko habang kagat sa labi ko.

Lumapit pa ako sa kanya at sinimulan ko siyang halikan sa leeg pagkatapos ay sa labi niya. Hindi siya gumagalawa para siyang nanigas sa kinatatayuan niya pero pinagpatuloy ko pa rin gingawa ko.

" Sorry, hindi ko talaga kaya" sabi ni Efreem

 Hindi na naman. Paano naman ako?

" Anong masama mag-asawa naman tayo" sigaw ko sa kanya

" Pero mali ito, sa guest room na lang ako matutulog" sabi niya

Napaiyak na lang ako at napaupo sa sahig. Iniwanan ako ni Efreem ng nakahubad. Halos ilako ko na ang sarili ko sa kanya pero ayaw niya pa rin ang sakit-sakit naman. Alam kong pinilit ko lang siyang pakasalan ako pero hindi ba niya pwedeng subukang mahalin ako. Umiyak na lang ako hanggang sa makatulog sa sakit na nararamdaman ko.

Kasama ko nga siya pero iba parin ang laman ng puso at isip niya.

Vote.Comment. Recommend and be a FAN

dedicated kay anie_05

Natuwa naman ako sa magandang feedback niya about sa story ko.

Iplug ko lang po ang bago kong story " we're all guilty presents ASSUMING QUEEN"

Sana po ay suporthan niyo rin.

Thank you

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon