Chapter 27- Heartbeats

368 5 4
                                    

Lorrien's POV

Chineck ko kung ayos na ba ang lahat at natuwa naman ako sa kinalabasan ng ginawa ko. Nagprepare kasi ako ng candlelight dinner para sa amin ni Aldrine. Wala lang naisipan ko lang kasi alam ko namang pagod siya masyado sa work pero hindi niya pa rin ako pinababayaan. Lagi pa rin siyang tumatawag kahit nasa work siya to make sure na okay ako. Ang sweet lang ng boyfriend ko diba? Pero maiba tayo bakit parang ang tagal naman niya. Nasan na kaya yun? Baka naman mag-oovertime pero hindi naman niya sa akin sinabi matawagan na nga lang.

#Mahal ko calling.......

Ooppss! Huwag na kayong magreact sa pangalan ni Aldrine sa cellphone ko, siya ang nagpalit niyan nagpacute pa talaga siya sa akin para daw wag ko ng palitan kasi ganyan din daw pangalan ko sa cp niya. Cute daw kasi pag magkamukha kami Demanding na boyfriend hahaha

" Hey "

" Saan ka na?"

" on the way na sa amin"

" ah?"

"pauwi na ako sa amin"

" diba dito ka matutulog?"

" Hindi"

" Ang daya sabi mo sasamahan mo ako dito"

" Hindi ako  pwede ngayon"

" ewan ko sayo"

" next time na lang"

" ayoko ko gustoko ngayon na"

" Hindi talaga pwede babawi na lang ako"

" Ang daya mo Aldrine I hate you"

 Binabaan ko siya ng cellphone. Nakakainis naman kasi sayang effort ko, ngayon nga lang ako nag-effort na gumawa ng ganito tapos hindi pala siya dadating. Galit ako sa kanya, nakakainis siya badtrip hindi ko na talaga ito uulitin at tsaka bahala siya hindi ko siya papansinin ang daya. Napagod pa naman ako ng dahil dito. Akala ko pa naman mag-eenjoy kami ngayong gabi yun pala masisira lang mood ko. Bahala ka talaga Aldrine I hate you.

Nakapangalumbaba lang ako sa table. Sayang talaga pinaghirapan ko pa naman ito. Kumain na lang ako ng prinepare ko. Nakakainis kanina pa ako nagugutom hinihintay ko kasi siya tapos hindi pala dadating. Ang daya naman kasi ni Aldrine.

" Hindi na talaga ako gagawa ng surprise para sa sayo Aldrine" sabi ko sa sarili ko sabay subo ng pagkain. Naiinis talaga ako kanya bigla na lang akong naiyak.

" I hate *sob* *sob* you*sob* Aldrine. Ang daya mo" sabi ko sabay tusok ng pagkain gamit ang tinidor. Nakakainis naman kasi sa buong buhay ko ngayon lang ako nag-effort na magprepare ng candlelight dinner tapos masasayang pa.

" Hindi * sob* talaga *kita *sob* papansinin Aldine *sob* Bahala ka sa *sob* buhay mo" dagdag ko pa. Talagang hindi ko siya papansinin bahala na siya sa buhay niya.

#DingDong#

Sino naman kaya yun? Nag-eemote ako dito tapos dadating. Tumayo ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin kung ayos pa ba ang itsura ko. Dumerecho ako sa pintuan at binuksan yun.

" Sorry na, bati na tayo please?" sabi ni Aldrine.

OMG Lorrien galit ka sa kanya. Huwag kang bibigay agad kahit na may dala pa siyang boquet of flowers at pagkain. Ano naman kung nakaluhod siya sa harapan mo ngayon?

Huwag kang bibigay inis ka sa kanya. Naiyak ka pa nga kanina sa sobrang inis mo kanina. Huwag mong kalimutan na nasayang ang effort mo.

" Hindi, galit ako sayo" sabi ko sabay akmang sasarado ang pinto pero naharang niya ng kamay niya.

" Aww, ouch ang sakit naman" sabi ni Aldrine sabay hipan ng kamay niya, naipit pala talaga.

" Kasi naman sino bang nasabing iharang mo ang kamay mo, uwi ka na nga nakakainis ka" sigaw ko sa kanya. Kasi naman ayaw ko siyang masaktan tapos ako pa nakaipit ng kamay niya. Sa totoo lang gusto ko ng lumapit sa kanya at itanong kung okay lang ba siya pero hindi ako bibigay galit ako sa kanya.

" Mahal ko naman" sabi niya na parang nagmamakaawa. Lorrien huwag kang bibigay wala pa ngang 2 hours kayong nag-aaway tapos makikipagbati ka na agad. Hindi dapat, pahirapan mo pa siya.

Inirapan ko lang siya at pumasok na sa loob alam ko namang susunod siya. Nakakahiya naman kasi kapag sa labas pa kami mag-aaway kaya dito na lang sa loob. Niligpit ko na ang mga pangkain na prinepare ko para sa kanya.

" Wow anong meron para saan ang candlelight dinner?" sabi niya sabay lapit sa akin.

" Malamang para sa atin pero nasayang lang dahil HINDI KA PWEDE" sabi ko sa kanya. Pinagkadiinan ko talaga sa HINDI KA PWEDE nakakainis naman kasi iyang palusot niya na yan. Hindi niya ba naisip na kanina pa ako naghihintay sa kanya tapos sasabihin niya hindi siya pwede nakakainis siya.

" Sorry na kasi, tara na magdinner na tayo para hindi masayang effort mo" sabi niya sabay backhug sa akin at abot ng flowers sa akin. No hindi pa rin ako bibigay.

" Huwag mo akong daanin sa pagpapacute mo o sa bulaklak na yan. Naiinis ako sayo" sabi ko sabay pilit kumakawala sa yakap niya pero sayang lang din effort ko ang higpit eh.

" Ano ba dapat gawin ko para mawala inis mo?" tanong niya sa akin. Ano nga ba? Sa totoo lang noong nakita ko pa lang siyang dumating dito nawala na inis ko at ngayon nag-iinarte lang ako alam niyo naman pagbabae pakipot.

" Okay papatawarin kita sa isang kondisyon" sabi ko habang nakapamewang.

" Ano yun?" tanong niya

" Kiss me" sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. OMG Lorrien ano ba ang pinagsasabi mo. Parang hindi naman dapat yun ang sasabihin ko pero bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

Ngumiti lang din siya, grabe nalulusaw ako sa titig niya. At lumapit na siya sa akin. Ano ba yan? Bakit parang kinakabahan ata ako hindi naman ito ang first kiss namin pero bakit ang bilis ng kabog na dibdib ko.

Pumikit na lang ako ng malapit ng mukha namin sa isa't- isa at ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko.

" Ano bati na tayo o isa pa?" tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko. Grabe bakit kinikilig ako anong nangyari sa akin? Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

*dugdugdug*

Ano ba yan? Bakit ang biliis ng tibok ng puso ko. At pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko.

*dugdugdug*

" Ku kummain na taayo" sabi ko sabay alis agad sa harapan niya. Ano ba yan bakit nauutal ako?

Inhale.Exhale.Inhale.Exhale.

Kalma lang Lorrien...

_____________________

Hello Readers!

Sa lahat naman po ng readers ko magcomment naman at magvote kayo. Thank you

Ano masasabi niyo sa chapter na ito? Mga makaALDRINE diyan MAGSAYA tayo. HAHAHA

May kadugtong pa po yan.

Vote.Comment. Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon