The Dinner
Aldrine's POV
Now Playing- I Won't Give Up
Nakita ko si Lorrien na bumababa sa hagdan nila binigyan niya ako ng isang magandang ngiti, ngiti na nakakapagpangiti rin ng iba. Agad ko siyang binigyan ng ngiti para maipakita sa kanya kung gaano ako kasaya pagkatapos ng nangyari kagabi.
Konti na lang, alam ko namang mapapagod na itong puso ko kakahabol sa kanya
pagdating ng panahon na iyon pwede bang tayo na lang?
Sorry kung pinaghihintay kita pero sana huwag kang mapagod sa akin.
Pwede bang hintayin mong matauhan ako
Please kasi kung mawala ka hindi ko na talaga kaya
Alam kong masama akong tao, walang pakialam sa mundo, madalas nakakasakit ng damdamin ng iba at alam kong madaming lalake na mas hihigit sa akin pero isa lang ang alam ko, na hihigitan ko lahat ng kaya nilang ibigay mahalin lang ako ng babaeng naging buhay ko.
Paano ko nga ba susukuan ang babaeng mahal ko?
Siguro nga ngayon nasasaktan ako at maaaring bukas masasaktan pa rin ako
pero patuloy akong maghihintay hanggang maging ako na.
Ako na ang laman ng puso niya
Naglakad na kami papuntang kotse ko pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ko. Binuksan ko yung pintuan sa passenger seat para makapasok siya at sumakay na din ako sa kotse.
" kinakabahan ako" sabi ni Lorrien
Hinawakan ko yung kamay niya at binigyan siya ng isang ngiti
" Andito ako sa tabi mo" sabi ko
Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasang isipin kung gaano kaganda si Lorrien. Naalala ko yung unang beses ko siyang nakita. Nasabi ko sa sarili ko totoo pala yung love at first sight. Kasi simula ng araw na iyon siya na lang nakita ng mga mata ko.
# Flashbacks#
Dahil napaaway na naman ako kaya nilipat na naman ako ng parents ko ng school. Pang-ilang school ko na ito? Hindi ko na maalala. Sabi ko sa sarili ko okay lang iyan kasi sigurado naman hindi ako tatagal sa school na ito dahil sigurado mapapaaway na naman ako.
Hindi ko naman naisip na magtatagal pala ako sa school na iyon.
At hindi sumagi sa isip ko na dito ko pala makikilala ang babaeng mamahalin ko
" Good Morning Class may bago kayong classmate" sabi ng teacher namin.
Pumasok ako sa room nila ng walang kagana gana. Tumingin ako sa paligid at may isang babaeng pumukaw sa mata ko. Ang ganda niya sabi ko sa sarili ko. Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti. Simula noon hindi na nabura sa isip ko iyong ngiti na iyon.
" I'm Aldrine Benitez" pakilala ko sabay tingin ulit sa kanya.
Ang inosente ng mukha niya, para siyang anghel na nahulog sa langit.
" Class saan may bakanteng upuan?" tanong ng teacher namin
" Ma'am dito po, dito na lang siya" sabi ni Lorrien
Hindi lang pala maganda, mabait pa sabi ko sa sarili ko
" Hi Aldrine, Lorrien nga pala friends?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya para makipagshakehands
BINABASA MO ANG
Thinking of YOU...
Teen FictionPaano nga ba magmahal muli kung alam mong may nagmamay-ari na ng puso mo?Paano nga ba makalimot kung ang taong kakalimutan mo ay ang taong naging BUHAY Mo?Mali bang pumasok sa isang relasyon kahit alam mong may mahal kang iba?Paano kung sa kagustuha...