Chapter 12- He's back

524 11 6
                                    

Gelin's POV

Tumakbo ako papunta sa condo ni Lorrien sa oras na bumkas ang elevator sa floor niya. Halos sirain ko na ang pintuan niya para lang makapasok ako. Hanggang sa dumating ang security guard na dala ang duplicate ng unit ni Lorrien. Bumugad sa akin ni Lorrien na putlang putla habang puno ang mga kamay niya ng mga gamot. Napaluhod ako sa harapan niya at niyugyog siya para huwag tuluyang mawalan ng malay. Tinawagan ko yung kilala kong doctor para mapunta si Lorrien.

Tinitigan ko ang katawan niyang walang malay, napahikbi ako sa kalagayan ng bestfriend ko.

" Lorrien, lumaban ka huwag namang ganito" sabi ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

Dumating naman kaagad ang doctor para matignan siya. Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa bathroom para umiyak ng umiyak.

I saw how hard for her to move on...

I was there whenever she misses him and all she can do is to cry...

I knew everything, how much pain he caused her...

She used to smile to everyone to conceal all the pain...

I knew how much she tried to forget him but she ended hating herself for not doing it...

Nagluto ako ng pagkain pagkaalis ng doctor, alam kong mga ilang pras lang ay gigising na rin si Lorrien. Kapag naaalala ko kung paano ko siya naabutan kanina, halos walang malay at kaawa-awa hindi ko maiwasang mapaiyak. Nasasaktan akong makita siyang ganun...

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita kong nakatulala siya....

" My Ghad lorrien, what are you doing?" sinigawan ko siya. Kailangan ko siyang pagalitan para hindi na niya ulitin na pagtangkaan na magpakamatay. Natatakot akong mawala siya at iwanan niya ako.

" It's been a year Lorrien, have pity to yourself and move on please" pagmamakaawa ko sa kanya. Nakita ko na lang ang sarili ko naluhod sa nakahigang katawan niya habang hawak ko ang kamay niya. Nakatulala lang siya hndi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

" I' m trying and it's killing me. Sana pala namatay na lang ako nung naaksidente kami, kung alam ko lang na wala na pala akong babalikan sana hindi na ko lumaban at pinili ko na lang na mamatay para hindi na rin ako nasasaktan" sabi niya habang umiiyak. Nadudurog ang puso ko habang nkikita ko siya. Masakit sa akin na makita siyang ganyan.

" Lorrien, bakit ka ganyan? Si Efreem lang ang nawala. Andito pa kami ng parents mo. Andito pa ako.Wala namang iwanan, huwag naman ganito" sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pagluha ng mata ko.

" Lumalaban naman ako, pinilit ko naman pero sobra sobra na to. Hindi ko na kaya. Isang taon Gelin, isang taon na akong ngumingiti kahit gustong gusto ko ng humagulgol sa sakit. Isang taon na rin pala akong walang ganang mabuhay at walang dereksyon. Sabi nila lahat daw ng bagay nangyayari kasi may dahilan pero bakit parang nasobrahan naman ata sa akin, ang sakit eh.. Gelin umasa ako na babalik siya pero ngayon wala na talagang pag-asa. You keep on telling me that I'm better off now but now I'm teling you I'm not happy" sabi niya. Walang tumutulong luha sa mga mata niya pero bawat salitang binibitwan niya ramdam ko yung sakit.

" Alam mo yun, sa lahat ng ginagawa ko naiisip ko siya. Na kaya ako nagpupursige para kapag nakita niya ako ulit maisip niya na ako naman pala talaga ang mahal niya. Na hindi na ako kagaya ng dati na laging kailangan ng tulong niya. Pinilit kong iimprove yung sarili pero sa huli wala rin palang halaga kasi nagpakasal na siya"

" Maling mali pala ako ng isipin ko na babalikan niya ako, mali pa lang umasa na mamahalin niya ulit ako"

" Naalala mo ba noong nawala ako ng isang linggo? Nagsinungaling ako, hindi talaga ako pumunta ng retreat. Pinuntahan ko siya, nakita ko na lang yung sarili ko na umiiyak sa gitna ng parking lot sa sobrang pagkamiss ko sa kanya kaya naisip ko siyang puntahan. Na kahit sa malayo makita ko siya, nakita pa nga ako ni Janine. Nagmakaawa ako sa harapan niya na iwanan na niya si Efreem. Desperada na ako. Pero syempre gaya ng inaasahan ko hindi siya pumayag na isuko si Efreem, Ang tanga ko rin diba?

" Hindi pa natapos dun, noong araw ng wedding anniversary niya ni Jaydee. Nagtampo ka sa akin kasi hindi ako pumunta, sobrang lungkot ko noon kasi yun yung araw na naaksidente kami. Pinuntahan ko na naman siya a states pero mas lalo akong nasaktan ng makita ko silang masaya sila ni Janine. Ang sakit makita yung taong mahal mo na may mahal ng iba tapos ikaw wala kang magawa kundi mahalin pa rin siya"

Nagulat ako sa mga rebelasyon niya, hindi ko naisip na kaya niyang gawin ng lahat ng mga yun.

" Siguro nga may sayad na ako sa ulo at kahit wala nang nakakaintindi sa akin kung bakit hindi ko pa rin siya maisuko kahit sobrang sakit na. Mahirap isuko ang taong mahal mo higit pa sa buhay mo"

" Sabi ko sa sarili ko bumalik lang siya, hindi ako manunumbat at magtatanong.I just need to hear from him that he's still inlove me and i know that all this pain will go away"

" Kahit minsan hindi ako napagod maghintay at umasa. Ngayon lang, pinatay niya yung katiting na pag-asa na babalik siya ng pinakasalan niya si Janine, gustong gusto kong lumaban pero wala na akong ipaglalaban"

" Ang hirap hirap maghintay pero mas mahirap yung alam mong wala ka ng hihintayin kasi pag-aari na siya ng iba"

"Waiting for him is like waiting for rain in this drought. USELESS and DISAPPOINTING"

 Niyakap ko siya ng mahigpit, sa lahat ng narinig ko mas lalong nadurog ang puso ko.

____________________________________

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon