Wakas

173 5 2
                                    


Author's Note:

Hi guys! Thank you sa pagsuporta. Sana ay marami kayong natutunan. Salamat talaga. Enjoy Reading at Bigay naman kayo ng comment at like. God bless us all.

* WAKAS*

Now Playing: My Love is Here.

Lorrien's POV

Madami na nga akong pinagdaanan, mga masasayang alaala na ang sarap balik-balikan, mga malulungkot na pang-yayaring nagpatatag sa pagkatao ko at pananalig sa Diyos. Minsan sa buhay ko, naransan ko ding magtanong sa Diyos, na bakit ako? Bakit kailangan kong maramdaman yung ganitong sakit? Na pinilit ko namang maging mabuting tao pero bakit hinayaan Niya pa rin akong magdusa? Napuno ng tanong ang isip ko, napuno na sakit ang puso ko pero nakita ko na sa mga panahon na umiiyak at nasasaktan ako kasama ko ang Diyos at hindi Niya ko iniwanan.

Na sa mga panahon na hindi mo alam kung anong gagawin at hindi mo alam kung ano ang pipiliin, yun ang panahon na ipikit mo ang mga mata mo at simulan mong lumuhod sa Diyos. Na sa mga panahon na pagod ka na at bigat na bigat kana. Nandiyan ang Diyos at kukunin Niya ang kabigatan mo at Siya ang magbibigay ng kapahingahan sa napapagal mong puso.

Let Go and Let God

Niyakap ko ng mahigpit si Efreem. Sana dumating ang araw na maging masaya na rin siya. Sana huwag siyang mawalan ng pag-asa at matagpuan niya rin ang babaeng para sa kanya. Naging malaking parte siya ng buhay ko at marami akong dapat ipagpasalamat sa kanya.

" Trust me. Everything's gonna be alright" bulong ko sa kanya. Sana kagaya ko ay mahanap niya rin ang kanyang sarili na. Sa paglipas ng panahon ay matutunan niyang ulit mahalin ang kanyang sarili.

" Thank you for everything Lorrien." sabi niya sa akin.

" Don't mention it. Just be happy, okay? Promise me na magiging okay ka." sagot ko sa kanya. Pumikit ako ng hinalikan niya ako sa noo. Kinawayan ko na lang siya ng papasok na siya sa loob. Nagmamadali na siya dahil tinatawag na ang mga pasahero na sasakyan niyang airplane.

Aldrine's POV

" Yes Dad, andito na po ako hinihintay ako na lang yung driver" sagot ko kay daddy sa kabilang linya. Pagkatapos ay binaba ko na ang cellphone ko at dinial ang number ng driver para malaman kung nasan na siya.

Napahinto ako ng mahagip ng mata ako ang isang babae sa di kalayuan. Masayang pumapasok papuntang airport sa international flights. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, ang tagal ko itong hinintay. Limang taon, limang taon ako naghintay. Inipon ko ang lakas ko para sundan siya. Iniwanan ko na yung mga gamit ko dun, wala na kong paki basta mahabol ko lang siya. Makita ko lang siya ulit.

" Lorrien" sigaw ko sa loob ng airport. Luminga- linga ako sa paligid para hanapin siya. Kung saan saan ako pumunta para hanapin siya pero wala. Hindi ko siya nakita. Nagflashback sa akin yung sinabi niya sa akin bago ko siya pakawalan.


" Sobrang sakit pero alam mo kung bakit kinakaya ko? Kasi naniniwala ako na kung tayo talaga, tayo talaga. Walang pwedeng humadlang at hindi nating kailangang ipagpilitan. Kung tayo ang para sa isa't isa hayaan nating gumalaw ang Diyos at Siyang mag ayos ng lahat. Pero sa ngayon magpatalo na muna tayo.


"What's meant to be will always find a way." Bulong ko sa sarili ko, napaupo na lang ako sa malapit na upuan. Sa loob ng limang taon pinigilan ko ang sarili ko na hanapin siya. Iniwasan ko ang mga balita tungkol sa kanya. Hindi dahil gusto ko siyang kalimutan. Impossible yun kundi dahil gusto ko siyang pagbigyan. Kung ako lang, kung puso ko lang ang susundin ko hindi ko siya pakakawalan at ilalaban ko siya hanggang sa maging okay ang lahat. Pero dahil mahal ko siya ibibigay ko ng maluwag sa puso ko ang hinihingi niyang kalayaan kahit na masaktan pa ako.

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon