Chapter 30- Acceptance

386 8 2
                                    

A/N:

Bago pa po kayong may  maisip na kung ano-ano, Ito na po ang side ni Lorrien. Enjoy  Reading.

Gusto ko lang din ipromote ang isa ko pang story. We're all guilty presents " ASSUMING QUEEN"

Sana po ay masuportahan niyo.

______________________

Lorrien's POV

(Now Playing: It's not over)

Naglalakad kami palabas ng company nila Aldrine, halos tuksuhin na kami ng mga tauhan nila, kasi namin si Aldrine naka-akbay pa talaga pero aaminin ko kinikilig ako. Napansin niya siguro kaya hinawakan na lang niya ang kamay ko. Ang saya ko na talaga kasama siya, sino makakapagsabi na sasaya pa pala ako na kagaya nito?

" LORRIEN"

Napahinto ako sa paglalakad, hindi ko alam ang gagawin. Humigpit ang hawak sa akin ni Aldrine ngunit hindi niya ako nilingon. May kurot akong naramdaman sa puso ko, mga nararamdaman kong akala ko, tapos na, wala na pero meron pa pala. Sa isang tawag nakalimutan ko na ulit ang lahat. Sa isang tawag bumalik lahat ng alaala at sakit.

Hinatak ako ni Aldrine para umalis pero niluwagan ko ang hawak niya sa akin hanggang sa maalis ko ang mga kamay ko, alam kong ilalayo niya ako dito pero naisip ko panahon na para harapin ang multo ng nakaraan ko. Nilingon ko si Efreem at nakita kong kasama niya si Janine.

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin, hindi ko alam ang dapat gawin pero nagkusa ang mga paa ko papunta sa kanila.

" EFREEM" sabi ko at hindi namalayan na unt-unti ng tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Nakita kong hinawakan ni Janine si Efreem senyales siguro na iwanan na nila ako dito.

Hindi pinansin ni Efreem si Janine, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ang tagal kong inintay ang yakap na ito pero bakit habang yakap niya ako nasasaktan pa rin ako.

" Efreem" sabi ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita na dapat gamitin, hindi ko alam kung ano ang gusto kong iparating.

Yung pakiramdam na namiss mo  na makasama siya, pero ngayong kasama mo na siya pero bakit  hindi ka naman masaya.

" Mahal na mahal pa rin kita" sabi niya sa akin. Napangiti ako ng mapakla. Gusto gusto ko yung marinig mula sa kanya pero sa sitwasyon namin ngayon wala na rin yung maitutulong.

Kahit ipagsigawan niya pa sa buong mundo kung gaano niya ako kamahal, hindi pa rin mababago ang katotohanan na hindi na kami pwede.

Kahit mag-iiyak pa kaming dalawa dito, hindi namin matatanggal ang katotohanan na kasal na siya sa ibang babae.

Kahit murahin ko pa ang mundo, magalit ako sa nangyari sa amin. Hindi pa rin nun mababalik ang dati.

Isa lang ang kasagutan sa lahat ng ito...

PAG-TANGGAP

Hindi ibigsabin nun na hindi ko na siya mahal, alam ko dito sa puso ko na hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi ibigsabihin nun na kakalimutan ko na siya. May mga bagay lang talaga na hindi na pwedeng ibalik sa dati at wala ng pag-asang mabago pa.

Minsan pala sa pagmamahal dadating sa punto na masasabi mo na tama na. Hindi dahil napagod kang mahalin siya pero dahil pinili mo na lang isipin yung sarili mo.

Na dadating pala yung panahon na masasabi mo sa sarili mo na mahal mo pa siya pero dumating ka na sa hangganan mo. Yung tipong mahal kita pero hanggang dito na lang ako at wala na akong kaya pang ibigay.

 Kasi kapag nagbigay pa ako wala ng matitira sa akin at hindi ko alam kung kakayanin ko pa

" Kahit sabihin ko pang mahal kita ngayon wala na ring halaga yun" bulong ko sa kanya. Alam kong patuloy pa rin ang pagluha ng mga mata ko. Wala na kaming paki kung marami bang makakita sa amin.

Niyakap niya lang ako ng mas mahigpit, alam kong naiintidihan niya ang gusto kong sabihin.

" Lalaban tayo." bulong niya sa akin. Pagod na akong lumaban, pagod na pagod na akong masaktan. Parang mas madali na lang sumuko kesa lumaban kasi parang wala rin namang papatunguhan.

" Wag na nating ipilit, tayo rin masasaktan sa huli" sabi ko sa kanya. Naransan niyo ba yung pakiramdam na pagod na kayong lumaban kasi lahat ng effort niyo nasasayang lang. Ganyan ang nasa isip ko ngayon na baka nga hindi talaga kami para sa isa't-isa. Na lalo lang kaming mahihirapan kapag pinipilit pa namin.

Hindi pala porket gusto mo makukuha mo.

Hindi pala porket mahal niyo ang isa't isa okay na.

 Na hindi sapat ang pagmamahal lang...

Unti-unti akong kumawala sa yakap niya at lumakad ako papalayo. Sa paglalakad kong palayo alam kong tatalikuran ko na siya talaga. Diba ito naman ang dapat para matapos na ang sakit at ang pahirap.

Isa lang nasa isip ko ngayon si Aldrine, nasan siya?Nasaktan ko naman siya.

______________

Hello Readers!

Masasabi niyo sa chapter na ito?

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon