Chapter 32- Goodbye

401 7 2
                                    

A/N:

Gusto ko lang po iplug ang story ko We're All Guilty presents "Assuming Queen".

Please support my stories. Thank you so much.

Walang silent readers. Enjoy Reading.

Pakiplay din po yung video sa gilid.

_______________________

Janine's POV

( Now Playing: Don't Say Goodbye)

“Because what’s worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?”

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko, napailing na lang ako sa imaheng nakita ko. HINDI NA AKO ITO. Napakaputla ko, nanlalim ang mga mata ko. Ako si Janine Mikaela Benitez- dela Vega kinaiingitan ng mga kababaihan, tinitinggala ng mga kalalakihan pero naging kaawa-awa ng dahil sa pag-ibig . Pinunasan ko ang luha na umaagos sa mga mata ko. Mula pagkabata ko nanlilimos ako ng pagmamahal ng isang ina hanggang ngayon ba naman hindi pa rin ako kayang mahalin ng mga taong mahal ko?  Naglagay ako ng make up, nilagyan ko ang lipstick ang labi ko. Sino makakapagsabi na dadating ako sa kalagayan na ganito? Pati ako, awang-awa na sa sarili ko.

Pagod na pagod na kong manlimos ng pagmamahal.

Hirap na hirap na akong patunayan ang sarili ko.

Nakarinig ako ng kalabog kaya nagmadali akong lumabas sa bathroom ko. Nakita ko si Efreem na nakaluhod sa may pintuan, amoy alak siya. Kitang kita ang pagkamaga ng mga mata niya. Lumapit ako sa kanya para tulungan siyang tumayo.

" Efreem, tara na sa loob" sabi ko sa kanya. Napansin kong umiiyak pala siya. Napaiyak na rin akong makita ang taong mahal ko na nahihirapan.

" Tumayo ka na diyan please Efreem" pakiusap ko sa kanya. Pinilit ko siyang itayo pero tinulak niya lang ako.

Ilang beses niya na akong tinulak palayo sa kanya pero ngayon ko lang naramdaman ang sakit.

Ngayon ko lang na isip na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, wala na palang natira para sa akin.

Na kaya pala tayo nasasaktan kasi mahilig tayong ipilit ang mga bagay na hindi naman dapat.

Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa. Habang nakikita ko siyang nasasaktan, nahihirapan din ang kalooban ko. Masakit isipin na hindi ko maibigay ang kailangan niya. Mahirap sa akin na hindi ako ang kailangan niya.

" Please Janine palayain mo na ako, hindi ko na kaya" pakiusap niya sa akin.

Konting tiis na lang magkakasama na kayo ng taong mahal mo.

" Tumayo ka  diyan please alam mo namang hindi ko kayang ibigay yang hinihiling mo" sabi ko sa kanya at patuloy na rin ang pagtulo ng mga luha ko. Lalo lang siyang lumuhod sa harapan ko at kumapit sa may paanan ko.

" Janine mahal na mahal ko siya" sabi niya habang patuloy pa rin ang paghagulgol niya.

Hindi na siguro talaga dadating yung panahon na ako na yung magiging laman ng puso ng taong mahal ko.

" Mahal na mahal din kita, hindi pa ba ako sapat para sayo?" sabi ko sa kanya.

Halos ibigay ko na ang buhay ko pero bakit hindi pa rin ako maging sapat sa paningin mo?

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon