Chapter 33- Let me be the One

368 10 4
                                    

Aldrine's POV

(Now Playing: Let me be the one)

Bakit nga ba ayaw mong mawala ang isang tao?

Nakaupo lang ako sa sahig. Nakakagago lang kasi tong takteng damdamin ko para sa kanya. Magpapakalunod na lang ako sa alak. T@ngna ang sakit talaga kahit gaano mo naman kamahal ang isang tao mapapagod ka rin kung lagi ka lang namang pinapaasa. Binato ko ang bote, wala akong paki kung may masira man ako. Takte ang sakit talaga!

Hindi ko na malayang tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Hindi ako sanay ng ganito, dati kasi ng wala siya sa tabi ko, wala akong pakiramdam. Ngayon namang nandito nga siya t@ngna nakakagago ang sakit sa puso.

Hanggang kelan ako masasaktan bago sumaya?

#Flashback#

Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng condo ko. Sa totoo lang natuwa ako ng makita ko siya dun pero unti- unti ko na namang naalala ang pagbitaw niya sa akin dahil lamang sa isang tawag ni Efreem. Sa isang tawag lang tinapon na niya lahat pati ako kinalimutan niya. Naglakad ako at nilagpasan ko siya kahit gustong gusto ko na sana siyang yakapin ng mahigpit pero paano naman ako? Paano naman ang nararamdaman ko?

Dapat ko na bang isaksak sa utak ko na pagdating kay Efreem talo ako?

 " Aldrine" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hinawakan niya ang braso ko pero hindi ko pa rin siya tinignan. Ayoko ko siyang tignan dahil alam ko namang hindi ko na naman siya matitiis.

"I'm so sorry" sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Hanggang kelan ka hihingi ng tawad? Hanggang kelan ka titigil na saktan ang puso ko?

" Alam kong pagod na pagod ka na sa kahihingi ko ng sorry pero sorry talaga" dagdag niya at rinig ko ang paghagulgol niya. Patay na hindi ko na to matitiis kaya hinagod ko ang likod niya.

Sabi ko na nga ba kapag umiyak na siya hindi ko na to kayang tiisin. Aldrine Put@ tama na ang pagiging t@nga. Tama na ang kakaasa.

" Sorry talaga. Please wag mo na akong iwasan" bulong niya sa akin.

Tinanggal ko ang pagkayap niya sa akin at tinignan ko siya sa mga mata. Alam kong maaaring masaktan siya sa sasabihin ko pero kailangan niyang malaman. Kailangan niyang malaman na tao rin naman ako napapagod.

" Alam mo Lorrien akala ko masaya na tayo pero dahil sa isang tawag lang nakalimutan mo na ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti ng mapakla.

" It's not what you think Aldrine" sagot niya sa akin. Ano pa ba ang dapat isipin kahit sinong tanga mararamdaman na mahal niya pa si Efreem.

" Lorrien sabihin mo nga sa akin hanggang kelan mo ko magagawang bitawan para makasama lang siya kasi sa totoo lang nakakapagod na" sabi ko sa kanya.

" Aldrine Sorry talaga" sabi ko sabay yuko.

" Alam mo masakit pala na pagdating kay Efreem lagi na lang akong talo t@ngna naman sa isang tawag lang nakalimutan mo na lahat lahat. Sa isang tawag lang nakalimutan mo na ako. Umasa ako na sana ako ang pipiliin mo pero hindi bumitaw at lumakad ka papalapit sa kanya. Ganyan mo ba talaga siya kamahal para pati ako bitawan mo makasama mo lang siya? Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako diba ang gusto ko lang ako ang piliin mo kahit siya pa rin ang mahal mo pero ano umaasa na naman ako sa wala." sabi ko sa kanya.

 Binigay ko naman lahat kahit buhay ko nga handa kong ialay pero wala kulang pa rin. Mula noon hanggang pagdating kay Efreem nakakalimutan niya ako. Na kahit anong gawin ko kulang pa rin kasi walang makakahihigit kay Efreem.

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon