Chapter 37- Her Sufferings

347 7 5
                                    

Efreem's POV

No one gets tired of loving. You just get tired of waiting, assuming, hearing lies, apologies and hurting...

" Mahal ko na siya" sabi niya sabay pikit. Nakita kong lalo siyang napahagulgol. Gumuho ang mundo sa mga narinig ko. Pinagkait sa akin ang maliit na pag-asang sumaya ulit sa piling niya.

Masakit marinig sa taong mahal mo na hindi na ikaw ang laman ng puso niya. Pero kahit papaano nagpapasalamat ako na makita na hindi lang ako ang nasasaktan, na pareho kaming nanghihinayang sa kung ano ang meron kami.

Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako, pinunasan ko ang mga luha niya. Hindi niya kasalanan kung hindi na kami gaya ng dati. Pero kung tatalikuran namin ang isa't isa ngayon gusto ko malaman niya ang totoo. Gusto ko mapag-usapan namin lahat- lahat ngayon, yung walang tinatago. Siguro nga masasaktan namin ang isa't isa ngayon pero alam kong dadating ang panahon na maghihilom ang sugat sa aming mga puso.

" Hindi ko alam kung ano ang mas masakit Lorrien, yung marinig sa iba na hindi ako ang lalaking para sayo o yung sinabi mo kanina na hindi na ako ang mahal mo. Alam ko namang kasalanan ko ito pero hindi ko rin naman to ginusto" sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang umiyak, mga emosyon na tinago ko sa matagal na panahon.

Mga panahon na tiniis ko na huwag siyang makasama kasi gusto ko siyang sumaya...

Nagsakripisyo ako para sa kaligayan niya, para sa kapakanan niya...

" I'm so sorry Efreem, akala ko pwede pa tayo. Pinaglaban ko naman diba? sumugal ako. Hindi ko sinadya pero sa mga panahon na wala ka sa tabi ko nahulog ako." sabi niya na parang nag-aalinlangan kung sasabihin niya ang lahat sa akin. Tumango ako at ngumiti para ipagpatuloy niya ang pagsasalita.

" Naghintay ako, umasa at alam mong sobra akong nasaktan. Ayaw kitang sumbatan, gusto ko lang na maintindihan at malaman mo ang lahat- lahat Efreem. Minahal kita ng higit pa sa buhay ko kaya noong iniwan mo ko gumuho ang mundo ko. Na kung gaano pala mo ako pinasaya magiging ganoon din kasakit ng bumitaw ka sa ating dalawa." sabi niya ng may luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Nang minulat ko yung mata ko ikaw ang una kong gustong makita pero wala ka. Pinuntahan kita sa States kasi akala ko babalikan mo ko pero mali pala ako. Noong hiningi mo sa akin yung kalayaan mo, naisip ko sana pala hindi na lang ako nabuhay. Kasi noong mga oras na yun para mo na akong pinatay pero dahil mahal kita pinalaya kita pero patuloy pa rin akong umasa hanggang sa nagpakasal ka sa kanya. Nasaktan na naman ako" sabi niya. Sa bawat salitang binibitawan niya nasasaktan ako.

" Hanggang sa dumating siya, minahal niya ako ng buong-buo kahit wala akong kayang ibigay sa kanya. Binigyan niya ako kahit alam niyang wala akong maibabalik sa kanya. Kasi sa totoo lang noong mga panahon na wala ka, sinukuan ko na rin ang pagmamahal. Nandiyan siya sa mga panahon na nasasaktan ako, sinamahan niya ako sa lahat kahit na alam niyang ikaw ang mahal ko. "

" Paulit ulit kitang pinipili pero lagi mo na lang akong sinasaktan hanggang sa naubos na. Naubos na lahat ang kaya kong ibigay. Narealize ko na lang na lumilipas pala ang lahat ng bagay na hindi nasusuklian"

Masakit marinig mula sa babaeng mahal mo kung gaano ka naging gago. Ang gago lang kasi ng sitwasyon namin. Mahal ko siya, hindi naman nabago yun. Kaya ko nga siya iniwan para sa kapakanan niya.

" Mahal kita, hindi naman nagbago. May mga panahon nga lang na pinili kong itago kasi alam ko na yun ang dapat" sagot ko sa kanya.

" Sana dati mo pa yan sinabi, sana dati ka pa niya pinakawalan. Magiging masaya kaya tayo? " tanong niya sa akin.

" Ang lungkot lang  kasi huli na pala ako dahil hindi mo na ako mahal" sabi ko sa kanya.

" Shhh mali ka, Mahal kita. Hindi naman magbabago yun, kaya lang wala na akong kaya pang ibigay. Naubos na at kung ipipilit pa natin baka kamuhian na kita kapag nasaktan mo pa ako ulit. Hindi napapagod ang puso na mag-mahal, napagod lang ako na umasa at masaktan.  " sagot niya sa akin.

" Alam mo noong mga panahon na wala ako sa tabi mo, hiniling ko sa Diyos na sana mahalin mo siya. Pero ngayong sinagot niya naman yung panalangin ko nasasaktan naman ako. Nagsisisi ako, alam kong maling mali ako"

" Nagsisisi ako na wala ako sa tabi mo, kung ako ang kasama mo hindi ka sana mahuhulog sa iba. Pero kahit kelan hindi ko pinagsisihan na iniwanan kita, kasi kung hindi ko ginawa yun baka hindi kana namin  makasama pa"sabi ko sa kanya.

Kung hindi na siya babalik, gusto ko pa rin malaman niya ang totoo...

Ang dahilan kung bakit ko piniling iwanan siya...

Iniwanan ko siya hindi dahil may mahal na akong iba kundi yun ang makakabuti sa kanya..

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon