Chapter 9- Life is a choice

528 13 6
                                    

Lorrien's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Umaga na pala, nakatulugan ko na ang pag-iisip ko kagabi. Tumayo ako at inayos ko ang aking higaan. Bumaba ako para tulungan si Lola.

"Good morning Apo, nakatulog ka ba ng maayos?"bati sa akin ni Lola. Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.

" Opo, maayos naman po ang tulog ko."sagot ko sa kanya.

Nang matapos kaming mghanda ng aming almusal ay sabay sabay kaming kumain ng breakfast. Hindi natapos ng kakwento si Lola habang kumakain kami. Si Migs naman wala lang pakialam. Ganun ata talaga siya tahimik lang pero kapag  nagsalita laging may patama. Naalala ko tuloy ulit yung pag-uusap namin kagabi.

 " Hindi lang ikaw ang nasaktan at nasasaktan kaya wala kang karapatang magreklamo kung bakit mo nararansan yan. At huwag kang duwag"

 Alam ko namang mahina ako at duwag kasi kung ako lang gusto ko na lang mamatay para makatakas na lang sa sakit kasi hindi ko na kaya.

 " Alam ko kasi nasaktan din ako katulad mo"

Possible kayang nasaktan din si Migs kagaya ko, maaari kayang pareho kaming dumadaan sa ganitong pagdudusa sa buhay. Gusto kong malaman, kailangan kong malaman baka sakaling makatulong.

*******************

Wala naman akong magawa buong maghapon sa bahay kaya naisip kong maglakad ulit malapit sa dalampasigan. Naglalakad ako na nakaapak at dala dala ko ang tsinelas ko. Ang ganda talaga ng lugar nito. Ang sarap ng simoy ng hangin nakakarelax. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung mga tao ang saya nila. Nakaramdaman ako ng kirot sa dibdib ko, Lahat ba talaga ng tao masaya ako lang ata ang hindi. May mga bata na nag -hahabulan, may mga teenager na naglalaro ng beach volleyball at may mga magkasintahan ng naglalambingan

" Life is so unfair" nasabi ko sa sarili ko at napabuntong hininga. Totoo naman kasi bakit sa dinarami-raming tao sa mundo bakit pa ako nasa ganitong sitwasyon. Mas marami namang mas matibay ang loob na kakayanin pero bakit ako na mahina at madaling sumuko.

" Hindi ka naman magpapakamatay siguro ulit?" nagulat ako ng makita ko si Migs na papalapit sa akin.

" Anung ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot siya ay tumabi siya sa akin at tumingin sa dagat. Tumingin lang din ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang ganda nito. Binalot lang kami ng katahimikan, walang may lakas ng loob na magsalita.

"Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go." sabi niya. Napatingin lang ako sa kanya nakatingin pa rin sa dalampasigan. Bakit parang ang dami niyang alam sa pinagdadaanan ko at sa bawat pagbukas ng bibig niya nasasaktan ako.

"Alam mo kung bakit ka nasasaktan, kasi pinipilit mo yung mga bagay na hindi naman pwede at umaasa sa alam mo namang tapos na" sabi niya. Para namang kumirot ang puso ko. Tinamaan ako sa sinabi niya. Pakisabi nga sa akin Migs kung paano ako titigil sa pag-asa kung alam ko sa puso ko na hindi ko kaya na wala siya.

Umihip ang malamig na hangin,bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Alam kong hindi dapat ako umiyak sa harapan niya pero kasi lahat ng sinabi niya masakit. Tipong tagos sa puso.

"It's hard to wait around for something you know might never happen, but it's even harder to give up when you know it's everything you wanted." sabi ko sa kanya. Biglang lumabas sa bibig ko siguro kasi yan ang nilalaman ng puso ko.

" Kapag binitawan ko siya para ko na rin sinuko yung pag-asa kong sumaya. He's my life. He's my everything . I need him. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, ginagawa ko yun para sa kanya, siya yung dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga. Sa lahat ng oras siya ang laman ng utak ko at siya rin tinitibok ng puso ko. Ngayon sabihin mo sa akin paano ko siya isusuko?. Madaling magsalita kasi hindi ikaw yung nandito, hindi ikaw yung nasasaktan at hindi ikaw yung nawalan" sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Madaling magsalita pero kapag ikaw na mismo yung nasa sirwasyon hindi mo na alam ang gagawin.

" Don't talk to me about pain Lorrien kasi hindi lang ikaw ang nasaktan at nasasaktan. Alam mo nga dapat magpasalamat ka kasi minsan sa buhay niya naging parte ka. Na minsan sa buhay ng taong mahal mo naging masaya ka kasi minahal ka din niya. Ako kahit gaano ko kagusto sabihin sa kanyang mahal ko siya at gusto ko siyang makasama. Hindi ko magawa kasi kailangan kong magpaubaya para maging masaya siya sa taong mahal niya " sagot niya sa akin. Ramdam ko ang sakit sa bawat pagbitaw niya ng mga salita. Nagpapahiwatig ng sakit na tinago.

Tumingin lang ako sa mga mata niya, nasasalamin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon alam ko na pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming nasasaktan at nahihirapan.

"Sinasabi mong mahal mo siya pero bakit hindi mo sinabi, bakit hindi mo pinaglaban" sabi ko sa kanya. Kalokahan naman ang pagpapaubaya kung mahal mo yung tao lalaban ka kahit walang pag-asa kesa magsisi ka sa huli.

Tumingin siya sa mga mata ko parang may mali...

"Kasi nkikita ko sa mata niyang hindi ako ang mahal niya, na hanggang ngayon hindi niya pa rin ako makita.  " sabi niya sa akin

"Nakakatawa nga kasi kahit ano pa lang gawin mo para sa taong mahal  mo hindi niya pa rin yun mapapansin kung hindi ikaw ang mahal niya kasi iba yung nakikita ng mga mata niya. Masakit pero totoo. Minsan  sobra tayong magmahal ng ibang tao pero nakakalimutan nating mahalin yung sarili natin." dagdag niya

" Lorrien magtira ka naman ng konting pagmamahal sayo, sa sarili mo. Siguro kung hindi na ikaw ang mahal niya. Hindi na masama kung kalimutan mo siya" sabi niya. Hindi nga siguro masamang kalimutan ko siya, pero masakit.

" Sa tingin mo talaga, Hindi na ako ang mahal niya.?" Sagot ko habang may tumutulong luha sa maga mata ko.

" Hindi ko alam yung tunay niyang nararamdaman pero siguro naman yung ginawa niyang pang-iiwan sayo sapat na yun para matauhan ka" sabi niya. Matauhan ako? Parang hindi pa rin sapat yun para sumuko yung puso ko.

" Pinipilti ko naman na kalimutan siya pero hindi ko talaga magawang pigilan yung sarili kong mahalin siya" sagot ko sa kanya.Sino ba ang gusto mapunta sa ganitong sitwasyon kung ako lang gusto ko na talagang makamove on pero ang hirap at ang sakit.

" Life is a choice, mahalin mo siya hangga't gusto mo at hanggang kaya mo pero wag kang magtatanong kung bakit ka nasasaktan.Kung hindi mo talaga siya kayang kalimutan. Wala na akong magagawa dun pero sana ayusin mo naman ang buhay mo wag mong hayaang masira yung buhay mo dahil wala na siya at wag mong hayaang gumuho yung mundo mo dahil iniwanan ka niya. Lahat ng tao nasasaktan pero hindi sapat na dahilan yun para malungkot ka. Magpasalamat ka at buhay ka pa ibigsabihin may pag-asa pa" sabi niya sa akin. Sa lahat ng sinabi ito yung pinakamaganda, yung may pag-asa pa.

Ngumiti siya sa akin at tuluyan ng lumakad palayo....

---------------------------------------------

Hello Readers!

Masasabi niyo sa sagutan nila?

Walang Silent Readers PLEASE

Vote.Commet.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon