Chapter 14- Aldrine Miguel Benitez

527 10 8
                                    

Lorrien's POV

 Niyakap ko siya ng mahigpit, sana sa tulong niya mapawi ang lahat ng sakit sa puso ko. Masama ba akong tao kung gagamitin ko siya para maging masaya? Gusto ko lang namang sumaya at matapos na lahat ng sakit at pighati sa buhay ko pero bakit ang hirap makuha.

" Thank you for trusting me Lorrien. I'll help you to forget him" bulong niya sa akin

Sana nga makalimutan ko siya, para mawala na lahat ng sakit dito sa puso ko..

" Thank you  for coming in my life" bulong ko sa kanya.

Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Tinitigan niya ako, hinawakan ang mga kamay ko at nagsalita.

I, Aldrine Miguel Benitez promise to love you Lorrien Madrigal with all my heart. I will love you until the day I die. I'll be there in the happiest days of your life and don't you worry because I won't leave you in  saddest part of your life. I'll support you in everything you do because it's my joy to see you happy doing things that you love. I'll always find ways to understand you simply because I love you.I'll always believe in  you, trust you and take care of you because you made my life complete.

Aldrine Miguel Benutez, siya yung kababata ko na si Aldrine? Pero bakit hindi siya sa akin nagpakilala. Galit pa rin kaya siya sa akin, diba sabi niya ayaw niya sa akin pero bakit ganito? Naguguluhan ako.

Natauhan ako at napatigil sa pag-iisip ng halikan niya ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya habang patayo siya. Biglang tumugtog...

" Can I dance  with my girlfriend?" tanong niya sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot, naguguluhan talaga ako. Siya ba talaga si Aldrine, pero ayaw na ayaw niya sa akin. Ni hindi nga niya ako pnapansin dati eh pero bakit ganito nagbago ihip ng hangin.

" Aldrine, diba ayaw mo sa akin?"tanong ko sa kanya

" Shhh, hindi lahat ng pinapakita sayo ng tao totoo. Minsan kailangan mo munang alamin kung bakit nila ginagawa ang isang bagay para malaman mo kung ano nang tunay nilang nararamdaman, pero ngayon sinasabi ko sayo totoo lahat ng sinabi ko kanina" sabi niya sabay halik sa noo ko.

Hindi maitatago sa mata niya ang saya, sana nga totoo lahat ng sinabi niya kasi ayaw ko ng masaktan ulit. Tumingin ako sa paligid, nagulat ako ng makitang nakangiti sila Gelin, Jaydee at ang parents ko kasama ang parents ni Aldrine. Nandito pala sila.

" You planned this?" I asked him

" Yes, for you" sabi niya

Sa totoo lang pagkatapos ng lahat ng napag-daanan kong sakit, ayaw ko ng magmahal muli. Pero sa lahat ng ginagawa ni Aldrine, napangiti ako. Hindi naman siguro masama kung maniwala ako sa kanya?

Hindi masamang maniwala ,huwag ka lang matiwala kaagad agad

Pumunta kami sa pwesto ng parents ko para ipagpaalam ako ni Aldrine. Halatang masaya ang parents ko para sa akin, ngayon ang first date namin ni Aldrine. Alam kong madami kaming dapat pag-usapan, gusto kong malaman ang lahat lahat sa kanya.

Nagulat ako ng hinatak niya ako palabas ng hall, kita sa mga mata niya na masaya siya. Para siyang isang bata na binilhan ng paborito niyang laruan. Pero hindi pa rin maialis sa utak ko ang magtaka. Paano niya ako nagustuhan, baka naman niloloko niya lang ako.n Hinatak ko siya kaya napaharap siya sa akin, tinitigan ko ang mga mata niya.

 " Aldrine, seryoso ka ba sa akin. Mahal mo ba talaga ako? Kasi kung niloloko mo lang ako, sana naman tigilan mo na ngayon pa lang. Ayaw ko ng masaktan" sabi ko sabay yuko.

" Kapag sinabi kong mahal kita, maniwala ka kasi yun yung nilalaman ng puso ko. Ngayon sinasabi ko mahal talaga kita Lorrien dati pa"sabi niya sa akin sabay yakap sa akin

" Nakakapagtaka lang kasi halos ipagtabuyan mo nga ako kapag lumalapit ako sayo dati" bulong ko sa kanya.

" Lahat ng bagay may dahilan pero kahit kelan hindi ko nagawang magalit sayo" bulong niya sa akin

" Gusto kong malaman yung dahilan mo, gusto kong malaman lahat lahat" sagot ko sa kanya

" May oras para sa lahat ng bagay, sasabihin ko rin sayo ang lahat pero kapag sinabi ko gusto ko ako na ang laman ng puso mo" bulong niya sa akin

Malalaman ko ang lahat kapag mahal ko na siya. Paano kung hindi ko pala kaya siyang mahalin?

" Trust me, you will fall for me" sabi niya sabay ngiti

Aldrine's POV

Buong buhay ko, inasam ko itong pagkakataon na maging akin siya. Na magkaroon ako ng pagkakataon na maging parte ng buhay ng babaeng mahal ko. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito para maiparamdam ko sa kanya kung gaano siya kamahal.

May mga bagay tayong ginawa sa buhay natin na hindi naman talaga natin gusto, kagaya na lang ng paglayo at pag-taboy ko sa kanya. Alam ng Diyos kung gaano ko ginusto na makasama siya pero pinili kong masaktan para sa kanya. May sarili akong dahilan kung bakit ko ynu ginawa pero hindi pa siguro panahon para malaman niya ang totoo.

Ito ang first date namin, kaya dinala ko siya sa isang mahalagang lugar para sa aming dalawa. Sa secret garden ng school namin, dito kami laging pumupunta bago ako lumayo sa kanya. Halata ang gulat sa kanyang mukha, sana magustuhan niya dito. Pinaupo ko siya sa tree house na lagi naming pinagtataguan. Katuwa nga kasi dati lagi kaming nagpapahinga dito kapag may libreng oras.

" Hindi ko inakala na naalala mo pa to, ang daming nagbago namiss ko to. Hindi na kasi ako pumunta dito simula ng lumayo ka sa akin. Malulungkot lang kasi ako kapag ako na lang mag-isa pumunta"sabi niya

" Alam mo ba sa lugar na ito ko narealize na mahal kita"sabi ko.

Pareho kaming natahimik, nakikita sa tree house ang mga bituin sa kalangitan. Nagmasid lang kami sa kalangitan habang iniinda ang lamig ng paligid.

" A-aldrine ako ba yung babae na nakasakit sayo?" biglang tanong niya

" Yung taong hindi ako makita kasi may mahal ng iba, Isa lang naman ang minahal ko sa buong buhay ko at alam mo kung sino yun"  sabi ko

" Hindi na mahalaga kung nasaktan mo ako dati, yung andito ka lang ngayon sa tabi ko okay na ako."dagdag ko habang nakatingin sa mga mata niya

" Sorry Aldrine, hindi ko alam" sabi niya habang yumakap siya sa aki ng mahigpit.

" Tapos na yun, ang mahalaga yung ngayon. Kaya hayaan mo akong mahalin ka hanggang sa mahalin mo na rin ako" bulong ko sa kanya.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon