Chapter 50- Choice

140 4 1
                                    

Author's Note:

Hi, comment naman kayo kung ano ang palagay niyo sa story na to. Salamat. Enjoy Reading!

Chapter 50

Now Playing: Starting Over Again

* TokTokTok*

" Anak, Lorrien pede bang pumasok?" napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni mommy. Dali dali kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Tinignan ko muna ang sarili ko harap ng salamin. Napailing ako, ayaw ko sanang makita nilang ganito ako pero di ko naman pedeng itago sa kanila ang mga nangyayari sa buhay ko. Alam kong napakahalaga ko sa kanila. Binuksan ko ang pinto at pilit akong ngumiti. Alam kong basa na ni mommy ang iniisip ko, bago ko pa sabihin na nasasaktan o nahihirapan ako alam na niya. Naupo kami sa kama ko, nginitian ako ni mommy at hinimas ang pisngi ko bago magsalita.

" Anak sabi ni manang di ka pa daw kumakain at nagmumukmok ka sa kwarto mo simula ng umuwi ka kahapon galing sa hospital. Are you okay? Is there any problem? Tell me anak makikinig ako." sabi niya tuluyan na akong napaluha. Napahagulgol ako at niyakap na lang ako ni mommy. Di ko alam, siguro hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag kung ano ang bumabagabag sa akin.

" Alam mo anak, you are the best thing that happened in my life. Sa buhay namin ng dad mo. Akala namin hindi na talaga kami magkakaanak nun, lahat na ng paraan nasubukan namin. Hanggang sa dumating sa point na napagod na kami ng daddy mo. PinagpasaDiyos na lang namin, naalala ko nun inggit na inggit ako nun sa mga babaeng nagbubuntis. Akala ko nga hindi ko na mararanasan yun. Gabi- gabi umiiyak ako sa Diyos kami ng daddy mo. Sabi namin bigyan Niya lang kami ng anak at kapag sinagot Niya ang panalangin namin ibibigay namin ang lahat maging maayos lang ang buhay ng magiging anak namin. At napatunayan namin na mabuti ang Diyos anak, sinagot Niya ang panalangin namin at nabuntis ako. Naalala ko nun, nagsikap kami ng daddy mo na maibigay ang the best na buhay para sayo, sinugurado namin na maibibigay namin ang lahat ng mga bagay na kailangan at gusto mo. Ayaw ka naming masaktan, sinigurado namin na magkakaroon ka ng perfect na buhay. I'm so sorry anak. Nabigo kami, masakit para sa amin ng daddy mo na makita na masaktan at tapos wala kaming magawa."

" Mommy it's not your fault. Hindi niyo kasalanan ni Daddy. I will be always thankful to God na kayo ang naging mga magulang ko. " sabi ko sa kanya.

" While growing up I thought I have perfect life, mayroon akong magulang na mahal at sinusuportahan ako. I do have friends that accepted me for who i am and nandiyan si Efreem na laging nagpapasaya at nagbibigay kulay sa buhay ko. Everything was perfect. " 

" Tapos dumating yung araw na nagpropose sa akin si Efreem, ang saya saya ko nun mommy. Hindi ko alam na maaksidente kami at yun ang magpapabago sa buhay ko. For the first time in my life I experienced pain. "

" Unti- unting gumuho ang mundo ko, yung akala kong perfect na mundo ko. Alam ko masakit para sa inyo ni daddy na makitang gumuguho ang mundo ko. Pero narealize ko na sa buhay ng tao may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin, baguhin o pigilan ang tanging magagawa na lang natin at umiyak at tanggapin"

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon