Chapter 19.5

6.6K 137 58
                                    


I'll try to make it up to you guys. :)



Chapter 19.5: Sing This Song To You

“When you care about a person, you want them to stay.

But sometimes, letting them go means showing you care.”

-gossip girl

-------------------------------------------------------

RBs POV:

Madilim ang paligid. Malamig ang hangin na nanggagaling sa dagat.

Kaninang umaga, nabasag yung puso. Ilang beses ko nang nahulog yung puso ko. Ito na yata yung pinakamasakit. Kung bakit? Kung anong ipinagka-iba ngayon sa mga nakaraan… Hindi ko din alam. Ang alam ko lang yung sakit. Ang nararamdaman ko lang yung sakit.

Pagod na ko. Pagod na ko kakaiyak. Pagod na ko kakaisip sa kung anong susunod na mangyayari. Sinabi ko kanina na gusto kong umuwi. Sinabi ko sa kanya na gusto ko iuwi na niya ako sa amin. Sa mama ko. Pero hindi ko magawang buksan yung pinto kada katok niya. Kada sabi niya na gusto niya magpaliwanag. Hindi ko gusto na umalis dito. Kasi dito alam ko mahal namin ang isa’t isa. Atleast for two days.

Tumayo ako at binuksan ko yung pinto. Dahan-dahan akong lumabas. At nandoon siya, naka-upo at natutulog sa kabilang parte nung pader na sinandalan ko. Habang nakapikit siya, nakita ko na napagod din siya. Naramdaman ko din yung pagod niya. Umupo ako para gisingin siya. Pero nung nakatitig na ko sa mukha niya, hindi ko magawa.

Alam ko kasi na sa oras na imulat niya yung mga mata niya, makikita ko yung takot, lungkot at pagkabigo. At masasaktan na naman ako. At hihilingin ko na umuwi na sa’min.

Habang tinitignan ko siyang matulog, iniisip ko na siguro nga mahal niya ko. Siguro nga may lugar ako sa puso niya. Pero hindi sapat ang pagmamahal. Hindi sapat na mahal ka lang niya. May kailangan siya, na siguro hindi ko naibigay o maibibigay. Siguro nga si Nicole lang ang nakakaintindi sa kanya. Siguro nga ganito na talaga to. Kahit hindi malinaw. Kahit hindi ko maintindihan. Kailangan kong tanggapin na iiwan niya ko. Hindi sa hindi niya ako mahal. Kundi sa hindi ako sapat.

Lumapit ako sa tabi niya habang nakaharap sa kanya. Hinawi ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya.

Inilapit ko sa huling pagkakataon ang mukha ko sa kanya. Sa huling pagkakataon, marahan kong inilapat ang labi ko sa labi niya.

Ito na yung huli.

*Buntong-hininga*

Tumayo ako at pumasok ulit sa kwarto at pumunta sa banyo para makapag-linis na nang katawan. Pagkagising niya… aalis na ko.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon