Kiss of Revenge Ch.7

6.2K 125 20
  • Dedicated kay Mae Ann Tayao
                                    

She coined "CharBie". Thanks babe. ;)

Kiss of Revenge Ch. 7: Slow Kiss

Mainit. Hindi ako makahinga. Bago ko pa man maimulat yung mata ko, naramdaman ko na may nakayakap sa’kin. Mas humigpit ang yakap niya. Mas lalong uminit.

“Ano baaaa???!!” ungol ko, sabay tulak sa ulo niya palayo sa balikat ko.

“Eehhhhh.” Ungol niya pabalik, sabay balik ng ulo niya sa balikat ko.

“Nadine, mainit naaaa!!” sigaw ko.

“Tsk! Ngayon ka na nga lang ulit natulog dito sa’min eh. Sige, ibabalik kita kila Clarisse.” Pagdadahilan nito.

“HAHAHA! Ayaw mo nga akong pakawalan sa lingkis mo! Dali na gerl! Tsaka nag-promise ako ng mahabang kwento sa’yo kagabi di ba?”

That got her. See? Bumangon siya, at nakahinga na ako ulit ng mas maayos. Chismosa ang friend ko. At no. Kung iniisip mong makikitulog ako kila Mr. Madrigal. Hindi no. Ano ko? Haliparot? Tinapos ko na din pala yung usapan namin. Maghahanap na lang ako ng trabaho sa ibang lugar.

Tinawagan ko si Nadine, yung bestfriend ko since elementary. I know. I know. Ang dami kong bestfriend. Friendly ako eh. Hahaha. And the memory of my other ex-bestfriend ditching me out when I needed her most, is now burried to the deepest of hell. You must be thinking, ano ba kong klaseng kaibigan. Well, I’m just reciprocating everything that is thrown at me. Kwits kumbaga.

So yun nga, mabalik tayo kay Nadine. Pauwi pa lang din siya galing sa trabaho niya nung tumawag ako sa kanya at sinabi ko na kailangan ko ng matutulugan. Nag-iinarte pa si Mr. Madrigal nung una, kesho dapat daw di ko na binother yung tao, kesho madami daw extra rooms sa kanila. Hell no! Kahit na nakaka-akit yung offer ng aircon at sumptous breakfast pagkagising ko. NO. Stubborn? Yes.

Pumayag naman si Nadine na doon ako sa kanila. Sila lang kasi ng ate niya nakatira dun sa apartment nila. At excited pa siyang hinintay ako sa labas ng apartment nila.

She was shocked at first nung nakita niya si Mr. Madrigal. I remembered her whispering na ang yummy daw nung kasama ko. Bakit pa daw ako pumunta sa kanila. Yeah. Generally, my friends are bitches or sluts. Well. Well. Birds of the same feather, remember? Hahaha. Joke lang. Marunong lang talaga kami mag-appreciate ng male species.

And I really do appreciate Mr. Madrigal. Kahit na ayaw niya talaga ako pakawalan kagabi, I appreciate him being there. And I also appreciate his gwapong face, his strong biceps and chest. I also appreciate his smell and… okay. Basta, I appreciate him.

Bumangon ako sa hinihigaan namin ni Nancy. May kwarto naman talaga siya, pero namiss niya daw ako. Hehe. Ang charming ko lang kasi talaga. :P

May narinig kaming kumatok sa pintuan ng kwarto kasunod nito yung pagbukas ng pinto at pagsilip ng ate ni Nancy. Si Ate Anna. She’s prepared to go to her work na. Her hair’s blow dried and her face, na halos kamukha nung kay Nadine – chinita eyes, with thick lashes, straight nose and thin lips – is covered with a light amount of make-up.

“Ang baho niyong dalawa. Bumangon na kayo diyan. May natira pa kong pagkain. Kainin niyo na lang yung tira-tira ko ha. Uuna na ko, at late na ko sa trabaho.” She said. Tapos tinignan niya ko sa mata. “And welcome RB.” She added with a wink and a smile. Then she’s gone.

Si Nadine naman nakatayo na, with her eyes still closed, she tied her hair up in a bun as I tidy up our bed. Nung matapos siya, tinulungan niya ko na tapusin yung pagliigpit ng hinigaan namin, then we strolled out sa kusina nila. May nakahanda nang almusal para sa’ming dalawa at hindi po siya tira-tira. ;)

“So… care to tell what happened last night?” she asked habang paupo siya hawak ang dalawang plato.

“Kung mag-uumpisa ako sa kagabi, you’ll get confused. Umpisahan ko sa umpisa.” I answered.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon