Chapter 19

6.1K 141 12
                                    

My 600th fan ... 
thank you for still supporting... ♥
Awesomene. That's what you guys are 

Chapter 19: Nicole, I need you.

 



RB's POV:


Hawak ang kamay ko, naglakad kami papasok sa isang maliit na kwarto sa barko. My heart's pumping more blood than usual.

Excitement, kaba at takot.

Ganito ba talaga kapag gagawin na yung alam niyo na? Hindi ko alam, pero kapag first time, hindi ba normal lang makaramdam ng ganito? Parang pag first time kang sumakay sa isang nakakatakot na ride, nandun yung takot at kaba dahil baka maaksidente, pero nandun din yung excitement sa isang bagong experience, excitement sa isang ride na kahit kelan, hindi mo makakalimutan.

Huminto siya sa paglakad nung nasa loob na kami ng kwarto. Lumunok ako ng bonggang bongga. This is it. Mawawala na ba talaga ngayong gabi yung pinaka-iingatan kong virginity?? Pinaka-iingatan ko nga ba talaga???

Humarap siya sa'kin, hawak pa din ang aking mga kamay. Si Charles. Hindi siya nakangiti. Nagtaka ako sa nakita kong takot sa mga mata niya. Takot? Takot saan? 

Nung hahawakan ko na yung mga pisngi niya para subukang tanggalin yung takot na nararamdaman niya, siya namang abot niya sa’kin ng isang music player.

Habang hawak ang player, tinignan ko ito. “Para sa’n to?”


Pero pagtingin ko ulit kay Charles, wala na siya. Mag-isa na ako. Nag-umpisang bumilis ang tibok ng puso ko, nag-umpisa akong matakot.


**darkness**

Minulat ko ang mga mata ko. Nasa isang kwarto ako. Yung kwarto namin ni Charles sa bahay. Wala na kami sa barko? Sinubukan kong umupo sa pagkakahiga ko at naramdaman ko yung sakit ng ulo ko at pagkahilo.


Charles.


“Charles?” inikot ko yung paningin ko, pero hindi ko siya nakita sa loob ng kwarto.


“You understand me more than anyone else.”


Charles. Narinig ko yung boses niya sa labas ng kwarto. May kausap siya sa phone?


Tumayo ako kahit na hilo-hilo pa talaga ako. I need to see him. I need to make sure he’s still here… with me. Dahil sa pesteng panaginip na yan, I have this fear now.


Pagkalabas ko sa kwarto, I saw him standing there, his back on me at may kausap nga siya sa phone.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon