Chapter 4

12.5K 238 59
                                    

Riiiiinggg!!

RB’s POV:

 

Habang naglalakad papunta sa hotel room ang lakas ng kabog ng puso ko.

I’m 19 years old; at alam ko kung ano ang kadalasang nangyayari kapag nagsama sa isang kwarto ang isang marupok at magandang babae at isang hot at ubod ng naknakan pang gwapong lalaki.

I’M STILL A VIRGIN! Nililinaw ko lang. Nakoo! That’s one thing I’m certain about myself. Katawan ko kaya to no! Kaya ko lang alam eh dahil sa… sabihin na nating I’m well educated to that subject matter because of my friends. Tama. Mga kaibigan kong dyosa ang nag-nu-nurture ng utak ko pagdating sa mga ganyang bagay. Nurture talaga oh?! Hahah!

Nung ina-unlock na niya yung pinto. Mas lalo pa kong nalunod sa lakas ng tibok ng puso ko. Wag kang praning RB. Hindi ka rereypin niyan! EEhhhh! Kashee naman eh!

Bago kami pumasok sa loob may narinig akong ingay sa kabilang kwarto… “Oohhh!! Ahhhh! Sigee paa!! Aahhh!!!” boses ng isang babae. Nanlaki yung mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko, “Oh yeah girl!! Oooh!!” boses naman ng isang lalaki. Nung marinig ko yung pangalawang boses, tinakpan ko yung tenga ko at “WAAAHHH!!! ILABAS NIYO KO DITO!!! MAMA!!! HEEEELLLLPP!!!”

Huminto lang ako kakasigaw nung tinakpan ni Charles yung bibig ko habang hawak niya ko sa isang kamay. Ang lapit naman masyado! Dapat ganyan kalapit?! Ikaw Charles ah!

“Sssh!! Ano sa palagay mo ginagawa mo?!” tanong niya sa’kin, medyo pabulong yung boses niya.

Hindi ako makasagot kasi nga yung kamay niya nasa bibig ko. Tinignan ko na lang siya… alam ko yung mga mata ko parang takot na takot na nakakita ng multo.

“Okay. I’ll take my hands off if you promise na hindi ka sisigaw.” Sabi niya. Sige nga Charles! Magpramis ka ng may takip ang bibig mo. Nakoo!! Tangeks talaga. Gwapo na eh. Tsk! Tsk!

Dahan dahan naman niyang tinanggal yung kamay niya habang yung mga mata niya eh nakatingin intently sa mata ko. Nung pwede na ko magsalita, “Yung ingay sa loob.. Nag-a-ano ba sila??!” tanong ko na medyo mahina yung boses. Alam ko naman na malamang sa alamang ganun talaga ang ginagawa nila, pero malay mo naman naglalaro lang sila ng chess di ba? Sana naglalaro lang sila ng chess! Lord! Chess yun di ba??! Waaahhh!!

“Yes, They’re having se—“

“Shh! Wag mo na sabihin… nevermind. Tama. Deadma na lang. Wala akong narinig. Bingi ako. Bingi!”

May sinabi si Charles pagkatapos, pero hindi ko narinig kasi bingi nga ako diba? Tsk! Inconsistency yun.

Nung tinignan ko siya, nakita ko na nagpipigil siya ng tawa niya. “Anong nakakatawa ha?!”

“The way you react… you’re cute.” Sabi niya. Eeehh! Kashee naman eh. Alam ko na yun no. Kinurot niya ng very very light yung pisngi ko bago siya pumasok sa loob.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon