Chapter 6

9.4K 202 42
                                    

SCREEECH!!

 

RB’S POV:

 

“Nandito na ang anak niyong maganda!” sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin galing sa school.

*Silence*

Toinks!

Walang tao.

Sayang naman effort ko. Tss!

Umakyat ako sa taas ng bahay, sa kwarto ng mama ko para tignan kung nandun siya tsak a yung bunso kong kapatid. Maaga kaming pinauwi ngayon kaya alam ko na si mama at si baby lang ang nasa taas… kaya naman…

“Hello! Ang ganda ko!” bati ko pagbukas ko sa pinto ng kwarto.

Wala yung normal na bati ng nanay ko na… “Kahit kailan hindi kita pinalaking sinungaling.” Kundi nakita kong nags-scrub si mama ng sahig.

“Anong ginagawa mo ma?” tanong ko tapos nilapitan ko yung kapatid ko. “How are you baby? Ang cute-cute mo talaga! Manang mana ka kay ate RB mo.” tumawa naman yung kapatid ko.

Nilingon ko ulit si mama na nags-scrub pa din ng sahig. Napaka-taimtim naman yata ng paglilinis niya ng sahig namin ngayon. Anong meron?

“Ma?” tanong ko.

“Dinala dito ng papa mo yung kabit niya…”

Tapos yung mga sumunod na salita ng mama ko eh parang ganito na…  “:jdfo a09 834la knlkdf AkdjfoL KJ aJl k jfldk Askjf L…”

“Ano?” tanong ko. Nawala yung GV na dala-dala ko kanina pag-uwi.

Tumayo yung mama ko sa pagkakaluhod sa sahig. Tapos nakita ko na umiiyak siya. Kanina pa ba siya umiiyak?

Pinunasan niya yung luha niya bago pa man ako makapagtanong.

“Nasa’n si papa?” tanong ko ulit.

“Umalis.”

“Anong ginawa mo dun sa babae?”

“Ayoko ng pag-usapan yun. Tulungan mo na lang akong maglinis.” Sabi niya tapos pinunasanniya ulit yung luha na tumulo sa mga mata niya.

“Hindi mo sinabunutan yung babae no? Di ba may aparador tayo diyan? Bakit hindi mo inihampas sa kanya? Alam na ba ni kuya? Sino nakakita na dinala niya yun dito?

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon