Chapter 8

8.5K 207 16
                                    

dedicated to her for she's my 200th fan. ^___________^ 

Chapter 8: TANGNAAA THIIISSS!!!

RB’s POV:

 

**tok! tok! tok!**

“Nak. Ikaw na muna magbukas ng pinto.” Utos sa’kin ni mama.

Yep.

Umuwi na ako sa amin. Inihatid ako ni Charles nung araw din na yun. Naisip ko kasi hindi naman dapat madamay yung buong pamilya sa kasalanan ng tatay ko. Pa’no na lang mama ko kung hindi ako umuwi? Kakapanganak pa lang niya sa kapatid kong bunso, she needs me now.

Tumayo ako at lumabas sa labahan namin sa likod ng bahay. Ngayon tinutulungan ko si mama maglaba. Natambak yung labada. Grabe parang 2 days lang akong nawala. Ganito na kaagad ang nangyari. Haaayyy.

Papalapit pa lang ako naririnig ko na yung tao sa labas.

“Tao po! Tao po!” boses lalaki yung pagkakarinig ko…

“Ay. Mister. Sinong hanap mo?” sagot ni Ate Tina na kapitbahay namin.

“Dito po ba nakatira si RB?”

“Oo... ayan na pala siya eh.” Pagkasabi ni Ate Tina siya namang bukas ko ng pinto. Isang mukhang delivery man ang nakita ko sa labas ng bahay namin, may hawak-hawak siyang box. Padala?? May kamag-anak ba kami sa abroad. Bakit parang hindi naman ako aware.

“Hello po ang ganda ko!” bati ko kay Mr. DeliveryMan.

Nagulat yata siya sa pagbati ko at hindi siya nakasagot agad. Hahahaha!!

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon