Kiss of Revenge Ch.4

5.5K 122 16
                                    

Dedicated to my favorite reader, friend, and little sis. She believes, and still believes. Thank you as always. Looooove you. ♥ And you're one beautiful gift that I received from wattpad. Kiss! :*

Kiss of Revenge Ch.4: Painful Kiss

 

Bumalik na kami sa table namin habang si Charles ay naiwan dun na nakatulala.

I hate seeing him that way. But he deserves it. All of it.

Habang papalapit na kami sa table, nakita ko ulit yung babae sa airport. She’s very pretty. Yung maikli niyang buhok. Yung make-up niya ngayong gabi na halos parang wala naman talaga. Simple. Walang halong arte sa katawan. Pero kahit na bagay siya sa ugar na ‘to, halatang hindi siya nag-e-enjoy. Kinakausap siya ni Erick pero pansin na her mind’s somewhere else.

Napahinto ako nung tumingin siya sa direksyon namin at ngumiti.

“What’s wrong?” tanong ni Mr. Madrigal na hindi pa din inaalis ang pagkakahawak sa bewang ko. Nasarapan.

Tumingin ako sa kanya at umiling. “Wala naman, pero, can we change tables?”

Kumunot yung noo niya sa tanong ko. “Why?”

Umiling ulit ako. Iniisip ko pa kung anong idadahilan ko. “Siguro kasi masyadong malapit sa stage?”

Ngumiti siya sa’kin. “Phobia sa stage? Never heard anything like that before.”

“Wala akong phobia no! Ayoko lang…”

“No we can’t. At isa pa, may ipapakilala ako sa’yo.”

Oh nooo. Ito na yung moment na gusto kong bumukas na lang sana yung lupa at hatakin ako pababa ng gravity na nagtatago sa core ng earth. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito ba talaga pakiramdam ng lahat ng kabit kapag ipapakilala na siya sa asawa ng kinabitan nila.

Hindi.

Hindi nga siguro. Hindi ko naman alam eh. Kung meron mang biktima dito. Lahat kami yun, pwera kay Charles syempre.

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon