Chapter 10

8.9K 188 16
                                    


OTOR'S NOWT:


sorry for this lame update..
i'll update again this week.
thanks for reading.
enjooooy!! ^____________^ 


Chapter 10: Sugoood!!

RB’S POV:

Pagkasabi niya nun, para na lang siyang diwata sa gubat na nawala… tapos ako, isang dyosang naiwan sa mundo ng mga mortal.

WAHAHAHAHA!! Akala niyo papakabog ako?? Di no?!

“Nice job RB!” halos ganyan lahat ng naririnig kong sinasabi sa’kin ng mga taong hindi ko naman kakilala. May isa pa ngang lalaking gustong makipaghigh-five sa’kin. Di ko na lang pinansin… malay ko ba kung saan-saan niya hinahawak yung kamay niya.. ieeewww kaya .. 

Pinilit kong umalis sa dagat ng mga manginginom na mamayamang mortal na to. Oras na para umuwi. Sa mundo ng mga dyosa? CHaar. Sa bahay lang namin… ang problema… hindi ko alam kung pa’no makakauwi. Wala kaya akong perang dala.. *palagi namang ganun** tsaka tulog ako sa byahe papunta dito. Wala nga akong idea sa kung nasaan ako ngayon eh. Haaaay. RB. RB. Buti na lang at maganda kang babae ka.

Hinanap ko si Cassandra… Bakit?? Mangungutang ako ng pamasahe pauwi. TAE. Kakahiya ba? Eh kesa naman dito ako makitulog sa bahay ni Tiffaneng?? MAS NAKAKAHIYA NAMAN YUN. Tss.

Nakita ko siya sa poolside… Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito pa siya eh wala naman siyang ginagawa kundi ang humithit ng yosi… Sa kinakatayuan ko ngayon, at sa nakikita ko, parang nakakaintimidate na lumapit sa kanya. Para kasi siyang superstar… Hollywood actress na napadaan sa Pilipinas para magyosi.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan.

“Charles’ on his way…” sabi niya bago pa man ako makalapit sa kanya. Naamoy ba niya ko?? OHH MAAAY GAAAD!! Isa siyang werewolf!! O.O

Tumayo siya tapos humarap sa’kin. Tumawa siya ng bahagya bago magsalita… “What’s with the face?” tanong niya. 

“Yung totoo? Werewolf ka no?” tanong ko.

Tapos ang konti na naman ng tawa niya. Ganun ba pagmayaman? Bawal tumawa ng sobrang dami at sobrang lakas?? Yung tipong hindi mo na kaya napapahampas ka sa katabi mo o sa kung ano mang malapit na bagay sa’yo. Oh yung tipong sobrang lakas ng tawa mo hindi mo na masabi yung dapat mong sabihin tapos may luha na sa gilid ng mga mata mo? Haaay. Kawawa naman siyang babae.

“Have a seat.” Sabi niya. Hindi man lang niya pinansin yung tanong ko at umupo na lang ulit dun sa kinauupuan niya kanina.

“So… werewolf ka ba o hindi?” tanong ko ulit habang nakatayo sa tabi nung upuan na sinabi niya.. Mahirap na… bigla pa niya kong sakmalin no.

Umiling siya. “Do werewolves look this gorgeous? I prefer being mistaken as a vampire.”

YAABAAAANG MO TEHH!! Feeling mo mas maganda ka sa’kin?? Tama ka.. Feeling mo lang yun. BWAHAHAHA!!

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon