Chapter 15

7.1K 146 17
                                    


she's my 400th fan! thank you.. :))

and thank you guys for simply being AWESOME!!

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥




Chapter 15: Don’t worry about her. Worry about me

 



RB’s POV:


Yung kwarto sa pinaka-dulo ng hallway ng second floor ang namumukod-tanging kwarto na maari kong pagbabaan ng tatlong maleta at isang malaking travel bag na dala-dala ni Charles. >.<


SINADYA TO NI MANANG OLGA. >.< Lahat kasi ng kwarto na madaanan ko ay naka-lock.



She’s really getting into my millions of pink nerves. AARRRGGGHHH.



Kung hindi lang ako tinuruan ng mama ko na gumalang sa nakakatanda. Nakoo, baka kung ano nang nasabi ko. Buti na lang I’m a woman of substance.



Woman. Haaay. I’m just his girl. Not his wonder woman. TSS! >.< Eh di sila na magsama.



Humiga ako sa kama nang nakadapa.  At parang isang manok na itinapon sa breading, nabalot ng alikabok ang malagkit kong katawan. At  nasira na yata ang respiratory system ko.





*Ubo. Ubo. Ubo. Ubo.*




Tumayo ako, pinipilit na pagpagin ang sarili ko. Pero wala na…wala na kong ibang choice kundi ang maligo. Well kanina ko pa naman talaga gusto maligo.


Pagpasok ko sa c.r nung kwarto, binuksan ko kaagad yung shower. Matapos pumatak ng halos limang beses ng tubig sa ulo ko, WALA NA.




“HINDIIIII!”

Pina-ikot-ikot ko yung knob ng shower, pero wala na talaga.

“Bwiset! Bwiset! Bwiset!!”



Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon