ALL - Sixteen

18.5K 541 100
                                    

Walang nakakatuwa sa umaga kung puro puri sa kaniya ang naririnig ko. At ito naman siya, entertain nang entertain. Gustong-gusto naman niyang nilalandi siya ng mga babae. Nakaka-irita lang.

Tuwing umaga na lang ganito ang eksenang naaabutan ko sa classroom.

"Good morning Deign!"

"Hi Deign, you look hot sa jacket mo."

"Geez Deign, I love your haircut."

"Gosh Deign, bakit ang gwapo mo?"

"Deign, nagawa mo ba 'yung homework? Pwede compare tayo ng sagot?"

"Uy Deign turuan mo naman ako."

"Deign, hindi mo ba talaga ako maalala? Nagpa-picture ako sa'yo sa Ilocos no'n!"

Nakaka-bwisit na 'yung kaka-Deign nila. At bakit hindi niya gamitin ngayon 'yung nickname niyang Dada? At ang kasungitan niya sa Ilocos? Tss.

Isa pa si Zoe sa mga madalas pumuri sa kaniya. Like ugh, pati kaibigan ko? Hmp.

Binagsak ko ang bag ko sa upuan ko sa tabi niya. Kinuha ang purse ko para lang makapag-retouch sa comfort room. Lumabas ako na hindi man lang pinansin ang bati niyang 'Good morning' dahil hindi naman good ang morning ko nang makita siya.

Nag-retouch na ako at lumabas. Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Phillip at Deign na nag-uusap, mukhang nagkakatuwaan pa sila. Napairap na lang ako. Nilagpasan ko silang dalawa at narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Deign.

"Gianina! Hoy!" He can't just 'hoy' me in public. Ugh, sino ba siya sa inaakala niya? Hindi ko siya pinansin at patuloy lang siya sa pagtawag sa akin gamit ang mga kung ano-anong pet name. "Ganda! Sexy! Miss beautiful! Miss Earth! Miss World! Miss Universe! Huy mamansin ka naman!"

Wala akong balak lumingon dahil nakakahiya talaga siya kahit kailan. Baka sabihin pa ng mga tao na kilala ko ang baliw na sumisigaw na iyon.

Malapit na ako sa classroom nang hilahin niya ang braso ko. "'Pag ako talaga hindi mo pa pinansin, hahalikan na kita."

I glared at his beaming face. How can he be so energetic everyday? Bakit ba parang ang saya-saya niya lagi, sa sobrang saya niya nakakapikon na?

"Ano ba talagang trip mo?" I said coolly.

Umarte naman siyang nasasaktan. Ginamit niya ang isa niyang kamay para itapat sa kaliwang dibdib niya. "Pinansin mo nga ako, aray naman Gianina. Ayaw mo ba talaga sa halik ko?"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hala siya, ano bang sapak nitong baliw na 'to?

Before I think I could blush because of embarassment I unwrapped his fingers on my arm and went inside the room with my eyes looking down on the floor. Err, he is so out of his mind.

Naririnig ko pa ang panunukso ng mga kaklase namin. Bwisit naman kasi bakit pa nila kailangan marinig ang sinabing 'yon ni Dada? Baka kung ano pa ang isipin nila at makarating kay Gavin. Ugh, 'di naman siguro, 'di naman sila close kay Gavin eh.

Umupo na ako at nanatili akong nakayuko. Dumating na rin ang mga kaibigan ko, daldal sila nang daldal pero nanatili akong tahimik.

Binigyan kami ng time ni miss na mag-usap as a group. Swear, nakaka-ilang dahil kay Deign. Ugh. Bakit niya kailangan ngumiti ng ganiyan?

Si Miss ang namili ng groupings. Daya, dapat by friends na lang eh. At pinagbigyan niya pa talaga itong si Deign na maging groupmate ko. Nakakaloko lang na ka-grupo ko siya kahit sa ibang subject. Ang lakas din ng trip ng isang ‘to eh.

Binatukan siya ng isa naming ka-grupo. "Hoy, nakikinig ka ba?" Thanks for doing that.

"Sorry. Ano nga 'yon?"

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon