ALL - Four

28.7K 624 120
                                    

Busog kung busog pero nakakapang-init lang talaga ng ulo itong kasama ko. Hindi ko siya matantsa, kung suplado o bully siya. Ewan ko sa kaniya! Bakit ba kasi dito pa ako pinasama? Tanggap ko pa kung si Manong Gabo na lang eh. Tapos na ako lahat-lahat kumain pero hindi pa siya tapos sa paglamon.

Pinapanuod ko na lang siya ngayon kung paano niya lantakan ang nakahain na pagkain sa kaniya.

“Dada! Ikaw talagang bata ka, hinay-hinay lang,” inabutan siya ni Manang ng tubig.

“Salamat Manang! Ang sarap ho talaga kasi eh,” sagot niya na puno pa ang bibig. Bastos, amp. Can someone teach him some etiquette please? Mukha namang napansin niya na nakatitig lang ako sa kaniya and disgust is written all over my face. “Oh ano? Bakit mo ‘ko tinitignan ng ganiyan? Tss.”

“Kailan ka ba matatapos ha? I don’t have forever, you know?”

He mimicked what I just have said. Ugh! Grabe siya, nakakainis siya ng sobra! Bakit pinanganak siyang ganito? Bakit?

Nang sa wakas ay natapos rin siya ay umalis na kami. Ang ganda talaga ng sasakyan na dala namin eh, ang angas. Phillip will envy me for riding this Wrangler.

“Saan tayo?” I asked para naman ma-i-tweet ko.

“‘Pag sinabi ko ba malalaman mo? Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang na makarating tayo do’n?”

I gasped. My goodness! Anong dugo ang nananalantay sa isang ‘to?! Bakit napaka-epal niya!? I swear, isusumbong ko kay Kuya ang isang ‘to nang mapatalsik na sa trabaho! ‘Di ko siya kinaya.

Nasa daan pa lang kami ay kita ko na ang Bangui Windmills. I don’t know how I am going to describe it but only three letters came out of my mouth, “Wow!”

“Pwede kang bumili ng souvenirs diyan mamaya,” he said but I didn’t bother to listen to him. Busy ako sa nakikita kong kagandahan. Nang itigil niya ang sasakyan ay agad akong bumaba at hindi ininda ang buhangin.

Medyo hirap ako sa paglalakad dahil ang lakas masiyado ng hangin pero pinilit ko talagang makalapit sa dagat. Ang ganda… this place has something. It made me feel something – I don’t know what it is – that I didn’t feel in other countries. Yes, nothing beats the beauty of your own country.

Hinayaan kong mabasa ang paa ko at pini-feel ko pa ang malamig na hangin na humahampas sa akin. Napalingon na lang ako nang may marinig akong tawanan. Kasama pala ni Dada ang mga nagta-trabaho rito at ilang nagtitinda ng souvenirs, tila aliw na aliw sila sa lalaking iyon. Ano bang nakakatuwa sa kaniya?

As I asked that question in my head, he laughed with the bunch of workers. Doon ko lang napansin na hindi lang pala siya gwapo, suplado, at nakaka-bwisit… nakaka-in love rin ang tawa niya… JOKE. Ano ‘yon, kakakilala lang namin in love agad? Ang kati ha. Hindi, ibig ko lang sabihin ay nakakatuwa ‘yung tawa niya kasi bagay sa kaniya. Idagdag mo pa na halos kilala ata siya ng mga tao rito dahil panay ang kausap nila sa kaniya. Ganoon ba siya kasipag na trabahador kaya kahit saan magpunta ay may nakakakilala sa kaniya? Hmm.

Naupo ako sa buhanginan at nilaro-laro ang buhangin.

This is the perfect time and place to relax and avoid thinking too much. Aaminin ko namang kahit mayaman kami at tila walang pino-problema sa buhay eh… may something pa rin sa akin na kulang. Honestly, I don’t know if I am already sure of taking Business Administration as my course. Up until now wala pa rin kasi akong naiisip. Pinili ko lang ang Marketing noong nag-a-apply ako sa university dahil sa mga magagandang feedbacks na naririnig ko tungkol sa course na iyon. Ano ba naman ‘yan oh, sabi ko hindi ako mag-i-isip at magre-relax lang ako pero what am I doing?

I took a deep breath then smiled at the sea.

“Miss, tawagin mo lang ako do’n,” tinuro niya ang pwesto niya kung na saan siya kanina kasama ang mga tao na katawanan niya, “’pag gusto mo na umalis.”

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon