ALL - Thirty Nine

11.4K 408 65
                                    

To: A-hole <3
Guess who's free today?

I texted him early in the morning and I only got his reply after lunch.

From: A-hole <3
Sorry late reply. I love you, baby. Can I fetch you?

Niyugyog naman ni Zoe ang braso ko. "Isama niyo naman kami!"

Patalong umupo si Tanya sa kama ko. "Oo nga! Para namang 'di kaibigan 'to oh."

"Kung hindi naman dahil sa'min, 'di ka papayagang lumabas eh."

"Yeah, and as if you can tell your dad na si Deign kasama mo."

I rolled my eyes. Pasalamat na lang ako na andito sila pero medyo ginagamit nila 'yon sa'kin para sundin ko mga gusto nila. These girls talaga oh. Being too open and dependent to your friends can really be a disadvantage sometimes.

They used their "charm" on Papa kaya pinayagan kaming tatlo na lumabas. Pinagmalaki nila na they already had a tour here before kaya alam nila ang pasikot-sikot at 'di na namin kailangan ng magbabantay.

And of course, it was a half lie. A part of it was true kasi talaga namang nakapunta na sila dito nung fieldtrip nila and the other half was a lie kasi 'di naman talaga nila alam ang pasikot-sikot dito. Panay pa ang tanong namin sa bawat makakasalubong namin kasi medyo tatanga-tanga kami. Nagkataon pang 'di namin naintindihan 'yung iba naming napagtanungan kasi 'di kami nakakaintindi ng Ilocano.

Nakipagkita kami kay Deign sa may tindahan, 'di kalayuan sa rest house namin. Nang dumating siya ay sinalubong namin ang isa't isa ng isang mahigpit na yakap.

"Che! Ang aga-aga ha!" Reklamo ni Zoe.

"Bitter ka nanaman, friend." Sabay tapik ni Tanya sa kaniya.

Umismid itong isa. "Wow, ako? Ako talaga? Seryoso? Sino ba walang lovelife dito?"

Tumaas ang kilay ko. "Bakit, may lovelife ka Zoe?"

She sheepishly smiled. "Shocks, nadulas na ako. Shit. Pero 'wag mo na lang sabihin kay Phillip na sinabi ko sa'yo ha? He wants to keep it a secret between us muna eh."

At dahil yakap ko pa rin si Deign ay naramdaman ko ang pagtawa niya. It just made me wanna hug him tighter.

Napamura na lang si Tanya at nagpumilit na mamasyal na kami dahil nase-stress na siya sa kaibigan namin.

Pinasyal kami ni Deign at ipinakilala sa mga pinsan niya. Nakakatuwa lang na tila proud siyang ipakilala ako bilang girlfriend. Nakakagaan sa pakiramdam.

Pumunta kami sa Vigan at doon naisipang kumain. Si Deign at ang mga pinsan niyang lalaki ang nagprisintang umorder para sa amin kaya kaming mga babae ang naiwan dito.

"Gia, 'di ba nakapunta ka na sa England? Omg, gusto ko rin do'n! Maganda ba do'n?" Tanong ni Cassy.

I nodded. "Sobra. Though, sa una nakakabigla lang 'yung pagka-liberated nila pero nakakasanay na rin."

She smiled as if she's dreaming. Pero naagaw ang atensyon ko sa pagsiko ni Tanya at tinanguan niya ako sa direksyon kung na saan ang ibang pinsan ni Deign na nagbubulungan at nakatingin sa akin. Ramdam ko talagang itong grupo na ito ay ayaw sa akin. Palagay ko nga, si Cassy lang ang nakakatanggap sa akin bilang girlfriend ng pinsan niya eh.

Dumating na rin si Deign at ang mga pinsan niyang may dalang pagkain. Siyempre katabi ko siya at nahihirapan ako sumubo gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak-hawak ni Deign ang kanang kamay ko.

"Tikman mo 'to," pagkalingon ko naman kay Deign ay nakatapat na sa akin ang kutsara niyang may lamang pagkain. Isinubo ko naman 'yon at napangiti ako sa sarap. "Sarap 'no?" He smiled like a kid who got his candy.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon