ALL - Seventeen

15.5K 584 112
                                    

Natataranta ako ngayon dahil late ako nagising. Nag-alarm ako pero pinatay ko rin. Nakakainis.

Mabilis akong kumain at naligo. Tinignan ko ulit ang orasan, 7:45am, 8:30 ang usapan naming magkikita sa school eh babiyahe pa 'ko siyempre baka mamaya traffic. Ugh, bakit kasi hindi ako bumangon agad.

I checked my phone at tinadtad na ako ng groupmates ko ng mga paalala na dapat 8:30 ando'n na sa meeting place. Oo na, ito na, nagmamadali na nga eh.

Palabas na ako ng room nang makasabay ko sa pagbaba si Kuya.

"O tatakas ka nanaman sa pagsimba ha Gia?" Bakit mapaghinala si Kuya? Huhu, 'di naman ako laging tumatakas ah.

"Eh Kuya, may group meeting kasi kami ngayon."

Tinaasan niya ako ng kilay, 'yung itsurang 'di naniniwala. "Group meeting on a Sunday? It's family day, you should set aside those stuff even just for one day." Ayan nanaman ang kapatid ko sa sermon niyang pang-almusal.

"Sorry Kuya pero ngayon lang kasi free 'yung i-interview-hin namin eh. Tito siya ni Deign, si Dada from Ilocos, remember?" Naglambing ako ng onti habang pababa kami para 'di na niya ako diretsuhin ng sermon.

"Si Dada? Tito niya? Oh, sige pero mag-almusal ka na muna."

I smiled. "Kaso Kuya late na ako sa usapan namin."

He shook his head at kung ano-ano pa ang sinabi, na kesyo dapat daw alam ko ang priorities ko, dapat matutong sumunod sa oras ng napag-usapan, be responsible, at marami pang iba na hindi ko na rin naman natandaan.

So in the end, ginawan niya na lang ako ng sandwich at sinabihan akong kainin ko na lang habang nasa biyahe. Pasalamat na lang ako at nakaligo at nakakain na rin ang driver namin at mahahatid niya ako. Hindi ko rin naman kasi siya nasabihan kagabi.

Smooth ang naging biyahe at hindi naman ako na-traffic. Pero late pa rin ako at nakarating sa meeting place ng 9:00. Pinabalik ko na sa bahay si Manong dahil baka ihahatid pa niya sila Kuya sa simbahan at sa kung saan pang lakad nila.

Kanina pa ako naka-upo sa bench sa ilalim ng puno, sa park malapit sa school kung saan may malaking field, minsan dito nagpa-practice o naglalaro ang ilang athletes, marami ring nagdya-jogging pero ngayon kaunti na lang dahil nga anong oras na!

Hindi ako mapakali kasi wala pa ang groupmates ko, iniwan na ba nila ako? Shet. Sana pala 'di ko muna pinaalis si Manong.

Nag-GM ako sa kanila kung na saan sila at na andito ako sa meeting place namin. I even asked them if they already left, that thought made me sad.

Two of them replied that they're on the way here. I felt relieved. Tignan mo 'yung mga 'yon, kung makapagsabi na 8:30 tapos ako pa pala nauna eh late na nga ako.

Payapa akong naghihintay at pinapanuod ang ilang players na naglalaro ng frisbee nang may magsalita sa likod ko.

"Hindi naman kita kayang iwan katulad ng ginawa mo sa’kin dati."

Bago pa ako lumingon ay umupo na sa tabi ko ang nagsalita, may dala pa siyang kape.

"What do you mean?" I asked.

He brushed it off. "Kanina ka pa?"

Napasimangot na lang ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko, badtrip. "Oo, ang tagal-tagal niyo! Usapan 8:30, maaga ako dumating tapos kayo..." sabay iling ko.

Oo na, I lied. Pero kunwari lang naman eh para makonsensiya siya, ewan, trip ko siyang pag-trip-an eh. I want to laugh but I want to be consistent with my acting.

"Talaga? Nako, sorry ah."

"'Yan tayo eh, hanggang sorry na lang lagi. Kaya gumagawa ng kasalanan kasi alam naman nilang na-imbento ang salitang 'sorry'."

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now