ALL - Eleven

22.2K 576 96
                                    

Nagpapatuyo ako ng buhok nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kuya.

"'Wag niyong papagurin si Mama at Papa, naiintindihan niyo?" I wondered kung sinabihan na niya si Phillip nito. Duh, ang tino ko namang anak kumpara sa kakambal ko 'no. Err.

"Yes Kuya." He reminded me many things na hindi ko naman natandaan at puro Yes Kuya na lang nasagot ko.

Sinusuot ko na ang sandals ko nang katukin na ako ni Phil at sinabing bilisan ko raw at nagmamadali na si Papa at Mama.

Finally, bumalik na rin dito parents namin. Titignan kasi nila 'yung lupa na pagtatayuan ng magiging rest house namin sa Ilocos eh. Si Kuya at Ate Alex hindi makakasama sa amin mag-malling ngayon kasi nauna na silang bumalik sa Ilocos. Kuya is the Architect so bahala na siya ro'n. Naiwan naman ang mga anak nila sa amin.

And now, it's shopping time! Gosh, sino ba namang ayaw mag-shopping 'di ba? Uhm, well si Kuya, ayaw niyang mag-shopping tamad kasi 'yon, ewan ko weird 'yon eh.

Sinabit ko na sa balikat ko ang bag ko at lumabas ng kwarto pero sakto namang padaan si Mama at Papa. At kitang-kita ko ang pagtingin ng tatay ko sa suot ko. Ugh, bawal na ba mag-shorts sa mall?

He didn't utter a word but I knew that I need to change or else, I'm a dead meat.

"Okay wait," paalam ko at pumasok ulit sa kwarto.

Naghanap ako ng faded skinny jeans at hinayaan ko na ang suot kong sleeveless kanina. Lumabas ako at dumiretso na sa naghihintay na sasakyan.

"Dude, can't I really skip my swimming class?" Kanina pa kinukulit ni Ace si Papa kasi gusto niyang sumama sa mall.

"No, little boy." My nephew pouted but it didn't help to change his mind. "Penelope, ayokong magtagal sa pag-shopping ah."

"Hindi naman ako 'yung matagal," Mama pointed at me, "'yang anak natin 'yon."

What? Like, I'm nananahimik here tapos madadamay ako? Ugh.

"Of course not." I said unsure.

Mabuti pa 'tong kapatid ko oh, pa-soundtrip-soundtrip lang, sarap buhay. May nakakarating nga sa akin na balitang may dine-date siya na sikat na girl sa school. Tss, kung sino-sino na lang dine-date nito, wala namang sineseryoso. Boys nowadays, tsk.

Hinatid namin si Ace at halos umiyak siya kasi hindi namin siya isasama.

"Dude! Penny! I wanna go to mall! I don't want to take this class!" He cried.

Aww, he's so cute. It made me want to pinch him. "Ace, sabi ni Dad mo you have to attend your swimming class."

Niyakap niya ang mga binti ko dahil 'yon pa lang naman ang abot niya. "Tita, Dad's not here naman eh."

My parents chuckled. Binuhat siya ni Papa at pinatahan.

"Ace, babalik kami agad tapos kakain tayo ng kung anong gusto mo. We can even watch a movie if you want."

"I also want to buy a toy."

"Okay, Penny will buy you a toy just stop crying and do well in your class, okay?" Mama said. Ang sarap talaga maging bata, laging nasusunod at nabibigay ang gusto basta mag-i-inarte lang.

Siyempre pumayag na agad ang pamangkin ko dahil na-uto na niya ang grandparents niya.

Dumiretso kami sa mall at pansin kong kanina pa hindi umiimik si Phillip.

Habang naglalakad kami ay siniko ko siya. "Hoy, anong problema mo?"

He looked at me. "Shut up."

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now