ALL - Eighteen

17K 526 170
                                    

Hindi ko alam kung paano siya haharapin sa school. Ewan ko, pakiramdam ko kasi wala naman akong masasabi or what eh? I just don't know how to react after what he said.

"Ngayon, pwede na ba ako magka-gusto sa'yo?"

Ilang gabi ko na iniisip 'yan at hanggang ngayon 'di ko pa rin siya gaanong pinapansin. 'Pag sa mga subject naman na katabi ko siya, kinakausap niya ako pero panay tango, iling, at kibit balikat lang ang binibigay ko sa kaniya.

Hindi sa iniiwasan ko siya, sadyang hindi ko lang alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

Should I take that seriously? But... I don't think I have to, right? He might be kidding or what.

Andito kami sa study hall ngayon para i-compile ang mga information na nakuha namin sa pag-interview. One of my groupmates also edited a video that covered our interview for our presentation.

"Grabe, ang yaman talaga nila Deign 'no?" komento ng isa habang pinapanuod ang video.

"Oo nga eh. Ang laki talaga ng bahay nila tapos iilan lang silang nakatira do'n."

"Nakita ko 'yung picture ng pinsan niya, ang gwapo shet!"

"Nasa lahi naman ata nila 'yung kagwapuhan eh. Grabe feeling ko ang ideal nilang family tapos sila ng mga pinsan niya ideal boyfriend or girlfriend."

Malaya silang pag-usapan si Deign at ang pamilya nila dahil wala ito, may klase.

Hindi ako makasali sa pinag-uusapan nila kasi kailangan ko mag-focus do'n sa video dahil mukhang ako lang naman ata ang nagseseryoso nito at puro sila pantasya.

Natigil na lang ako nang paluin ng isa kong kagrupo ang braso ko.

"Ano ba?"

"Kanina ka pa namin tinatanong aba." Hinawakan niya ako sa balikat. "Umamin ka, anong ginawa niyo sa kwarto ni Deign bago namin kayo nahanap?"

"Oo nga, bigla-bigla kayong nawawala." Gumatong pa ang isa.

Magsasalita na sana ako nang sumulpot sa gilid ko ang mga kaibigan ko. Ngayon ko talaga masasabing mabuti silang kaibigan dahil dumarating sila sa oras ng pangangailangan.

"Sinong nawala? Bakit nawala?" tanong ni Zoe sa kanila.

"Si Gia tsaka Deign, pumunta sila sa kwarto ni Deign nang sila lang," mabilis na sagot nung isa.

Badtrip. Bakit ba ako ang napapag-usapan dito? Kaasar ha.

"Ano 'ya-..." Hindi natapos si Tanya sa sasabihin niya kasi tumayo na ako para magpaalam sa groupmates ko.

"Okay na 'yung video, good job. 'Yung para sa ppt itutuloy ko sa bahay tapos send ko sa group chat natin and then 'yung paper next time na lang natin asikasuhin. Bye," sunod-sunod kong sabi at hinablot na ang mga gamit ko at hinila na palayo ang mga kaibigan ko.

Nang makalabas na kami ng study hall, nakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa rin ako nakaligtas sa mga tanong.

Nah. I'm tired and all I want to do is to sleep. Sleep, sleep, and sleep!

Hinila ni Zoe ang bag ko kaya napaatras ako at pinaharap sa kanila na naiiwan ko na pala dahil sa pangunguna kong maglakad.

"We're missing a lot from you." She looked at me like analyzing every emotion she could see in my eyes.

"Care to tell, Gianina?" Tanya crossed her arms.

"There's just one thing that I want to tell to the two of you." I smiled. They nodded like they were understanding friends and good listeners. Boo hoo. "I want to sleep. I want to rest. Okay?" I slowly said, giving emphasis to every word.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon