ALL - Two

34.4K 698 267
                                    

I am in the mall right now together with my friends. Buy here and there – Shopaholic, indeed.

“I think this dress looks good on you,” sabay tapat ni Tanya ng little black dress sa akin.

“Everything looks good on me. Nasa nagdadala kasi ‘yan.” I smiled.

“Ikaw lang may sabi niyan.” Binigyan naman niya ako ng mapang-asar na ngiti.

Nginusuan ko na lang siya. Bakit ba ganoon ‘tong mga babaeng ito? Hindi man lang sakyan ang trip ko. Leche. After namin mamili ng mga damit – para naman hindi kami paulit-ulit ng isusuot ‘pag college na kami – pumunta na kami sa isang restaurant para kumain. Siyempre, nagugutom din naman ang magagandang tulad namin.

We’re eating at this fancy Japanese restaurant at ito nanaman sila sa pagpupuntirya sa kakambal ko.

“Bakuran mo si Phillip for me, please?” Zoe pleaded.

“What the heck, Zoe?” I rolled my eyes. Patay na patay kasi siya sa suplado at siraulo kong kapatid. Like, ano ba nagustuhan niya doon sa mokong na ‘yon? Wala namang ginawang matino sa buhay ‘yon eh. Pasaway, sakit sa ulo, at bagsakin. Lagi pang napapaaway.

“Gia, pretty please?” she grabbed my hand. “College na tayo, for sure marami siyang makikilala na ibang babae. I’m afraid na… baka mamaya magkagusto siya sa iba… I don’t want to get hurt. First love ko ang kapatid mo!”

Siniko naman siya ni Tanya, “Gosh, Zoe mahiya ka naman. ‘Wag mo ipangalandakan dito sa restaurant na first love mo si Phillip, Goodness!” nasapo niya ang noo niya.

Hay nako, minsan talaga nakakahiya kasama ang mga ito pasalamat na lang sila magaganda kami kaya hindi kami gaanong nakakainis sa paningin ng iba dahil sa kaingayan namin… I think?

“Muscular, tall… he’s good.”

“I bet he’s good in bed too.”

“He’s a so-so.” I said.

We’re examining every guy na papasok ng restaurant. Ganiyan kami madalas tapos tinitignan namin kung papasa sa standards namin.

“Just a so-so, really huh, Gianina?” Zoe asked in disbelief. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Oo, gwapo si Kuyang kakapasok lang, matangkad din at gwapo ang porma pero hindi ko talaga trip ang mga lalaking malalaki ang katawan, ‘yun bang pang-macho dancer ang tindig. Eh aanuhin ko naman ‘yang mabato niyang katawan ‘di ba? Sabi nila masarap daw hawakan ang mga muscles at abs ng mga lalaking ganiyan pero leche, enough na sa akin ‘yung sakto lang ang muscles, just like Gavin’s.

Nag-ring naman bigla ang cellphone ko, napangiti na lang ako. Gavin is calling and he’s my wallpaper too. Obsess? Nah, just in love.

“Ito,” pinakita ko sa kanila ang screen ng cellphone ko. “Ito lang ang gwapo at macho sa paningin ko.” Nginisian ko na lang sila habang sila ay na-i-iling.

Sinagot ko naman ang tawag ng pinakamamahal kong si Gavin. (Insert malanding tawa here.)

“Hi, Gavin. Miss me?”

I heard him laugh. What’s so funny with that? Err. “I just want to ask where is Phillip, hindi niya sinasagot tawag ko eh.”

“Malay ko ba sa siraulong ‘yon. Bakit, anong kailangan mo sa kaniya?”

“Well, I’m free today, walang taping eh. Aayain ko sana maglaro.”

“I can play.” I instantly answered. Bakit ba mga ganito ang mga lalaki, kapwa din nila lalaki ang hinahanap ‘pag maglalaro? Do girls can’t play their game?”

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon