ALL - Forty Six

8.3K 377 148
                                    

"'Wag niyo na kakantahin 'yung prinactice niyo no'ng isang araw ah." I warned.

He shook his head and his pointing finger to tease me. "Kwento mo muna nangyari sa'yo."

Hinampas ko siya ng libro. "Ano, gagayahin mo 'ko? 'Di ka pa rin maka-move on?"

"Akala ko tama na ako eh..." The jerk imitated me. I glared at him that made him laugh so hard. Nakakahiya talaga kasama 'to.

"Ang sama mo talaga."

Uminom muna siya bago niya ako sinagot. "Pero alam mo, hindi ko naimagine na kaya mong umiyak ng gano'n." My forehead creased. "I mean, you look tough and brat. I am just really curious kung ano o sino 'yung nakapagpaiyak sa'yo ng gano'n."

"Naranasan mo na bang makita 'yung taong mahal mo na may kasamang iba?"

He gasped, acting like a total chismoso in town. "Your boyfriend cheated on you?"

No...I was. I was the cheater. But I did my best to apologize. Matagal akong nilamon ng konsensiya at guilt. And maybe this is not enough para pagbayaran ang kasalanan ko.

He snapped his fingers in front of my face. "Teka, may boyfriend ka ba?"

I shook my head. "Mag-aral na nga tayo! Dami mong satsat eh."

Andito kami sa study hall para mag-aral kasi may quiz kami bukas kay Sir Timothy. Matalino rin naman si William kaya 'pag may hindi ako naiintindihan, tinatanong ko siya. Well, guys are really good in Math. They are more analytical. That's just my own observation.

Maya-maya lang ang may lumapit sa table namin at pabagsak na nilapag ang bag sa lamesa.

"del Rosario, pahiram no'ng book ni Sir Timothy na kailangan i-photocopy." Maangas na bungad ni Deign.

He has changed a lot. Hindi naman siya maangas eh. What I liked about him was him being sociable, smart, and nice. He's not arrogant like what he's acting the past few months.

"Oh ayan." Iritableng inabot ni William ang libro. Siya kasi ang napili ni Sir na class representative namin kaya sa kaniya pinahawak iyon ni Sir.

Masama siyang tinitigan ni Deign pero hindi pa rin niya talaga ako tinapunan ng tingin. Kinasusuklaman niya ba talaga ako ng sobra?

Umalis si Deign at bumalik na ganoon pa rin ang aura. Tila siya galit o inis na 'di ko malaman.

"Bakit ang init ng dugo sa'tin no'n ni Sison?" he asked when Deign went away.

"'Wag mo na lang intindihin. Mag-aral ka na."

Kinahapunan. Nakatanggap ako ng text mula kay Zoe na nag-aaya mag-dinner. Since hindi naman ako ganoon ka-busy ay pumayag na rin ako. Nagpahatid ako kay Manong sa restaurant na sinabi ni Zoe.

Naabutan ko si Zoe doon mag-isa at nakabusangot.

"Pinaasa ka ba?" tanong ko pagkaupo ko sa harap niya at tila nagulat naman siya.

Umismid siya. "Hindi. Going strong kami ng kakambal mo."

Napapalo na lang ako sa noo ko. "Hanggang ngayon ba naman?" she grinned.

"Ang tagal ni Tanya, gutom na ako."

Just hearing her name makes me uncomfortable. Why? Of all people, bakit sa kaibigan ko pa kailangan maramdaman 'to?

I told Zoe na i-text na lang si Tanya kung ano gusto niyang kainin para maka-order na kami dahil gutom na rin naman ako.

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa labas dahil sa pagdating ng isang pamilyar na sasakyan. It's a Jeep Wrangler. It's his Jeep Wrangler.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon