ALL - Thirteen

19.8K 559 209
                                    

"Don't ask if you know that you will not agree with my answer." Ito nanaman si Kuya, nagsu-sungit. Sila Mama at Papa kasi pumunta na pala sa Ilocos to check the site kaya hindi ko na sila naabutan pagbalik ko galing Baguio.

"Kuya, Gavin is a nice guy and we're just... in love." I said dreamily.

He gave me a look. "Pwede ba Gia, busy akong tao kaya please 'wag ako ang guluhin mo."

I groaned. "Eh kanino ako magsasabi eh wala naman dito sina Papa! Malamang sa'yo 'di ba kasi ikaw ang Kuya!"

Binagsak niya ang lapis niya sa lamesa at sinigawan ako. "Kanina pa ako sumagot 'di ba, at ikaw na ang nagsabi, ako ang Kuya eh bakit ngayon kino-kontra mo ang sagot ko?"

Napayuko na lang ako sa pagsigaw ni Kuya. Hindi ko naman gustong magalit siya eh, mapilit lang talaga ako.

I stood up, "Sorry Kuya," and went out of their room.

Paglabas ko, naabutan ko si Ate Alex na binibigyan ako ng tingin na parang naaawa siya sa akin.

"'Lika sa garden." Hinila niya ako pababa para pumunta sa garden.

Tumingala siya sa madilim na langit at ilang beses na humingang malalim. I don't know why pero ginaya ko na rin siya. It somehow calmed me, para bang kahit papaano ay nawala 'yung bigat sa loob ko.

Ilang araw ko na kasi pinipilit si Kuya na payagan na niya si Gavin na ligawan ako pero lagi siyang busy tapos ngayon nga nasigawan na ako.

"Better?" she asked. Tumango ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Naupo kaming dalawa sa may damuhan at pakiramdam ko may karamay ako. "'Wag ka sana magtatampo kung nasigawan ka ng Kuya mo ha? Mainit lang talaga ang ulo niya nitong mga nakaraang araw, tambak ng trabaho eh."

"Ang akin lang naman kasi payag akong ligawan ako ni Gavin, Ate alam mong payag na payag ako ro'n pero siyempre gusto kong payag din sila pero hindi eh at ayaw nilang sabihin kung bakit." I frowned.

She chuckled. "Ang mga kapatid na lalaki kasi possessive 'yang mga 'yan, hindi lang halata pero hangga't kaya ka nilang ilayo sa kapwa nila lalaki ilalayo ka nila."

Yeah, nasasabi niya 'yan kasi may kapatid din siyang lalaki, si Kuya Axel. Kamusta na kaya 'yon? Matagal ko na siyang hindi nakikita eh.

"Pero Ate alam naman nilang si Gavin 'yung kaligayahan ko eh, ayaw ba nilang sumaya ako?"

Inakbayan niya ako. "Gia, tulad ng sabi ko possessive sila at wala tayong magagawa sa bagay na 'yon just let them calm down and hintayin nating pumayag sila."

Tatango na sana ako nang bigla akong may naisip. "Eh paano kung magbago bigla ang isip ni Gavin dahil sa tagal ng pagpayag nila? Ate! Hindi pwede 'yon!"

"He wouldn't be if what he feels for you is strong enough."

Nag-kwento siya tungkol sa love story nilang dalawa ni Kuya, ang ups and downs, kung paano naging makulit na boyfriend si Kuya, ang paghihintay niya kay Kuya and all. Natigil na lang ang pagke-kwentuhan namin nang may maliliit na braso ang biglang yumakap sa leeg ni Ate mula sa likod.

"Mommy, I wanna sleep already."

"Why don't you go to your room, big boy ka na eh dapat you can sleep alone na."

Umikot si Ace at kumandong kay Ate Alex. "Papasama sana ako kay Daddy kaso mukhang galit siya eh."

Oo na, kasalanan ko na nga kung bakit siya galit. Err. I was just seeking for his permission pero in the end napagalitan pa ako. Bakit gano'n, 'pag hindi ka nagpaalam napapagalitan ka, 'pag nagpaalam ka papagalitan ka pa rin? Bakit ang labo?

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon