ALL - Forty Five

8.6K 405 178
                                    

Pinanindigan ko ang pagpapanggap na girlfriend ni Gavin. Isinama niya ako sa guesting niya sa isang talk show para ipakita ang pagsuporta ko sa kaniya.

"Ano namang pakiramdam mo na andito ngayon ang girlfriend mo para samahan at suportahan ka sa nalalapit mong teleserye?" tanong sa kaniya ng host.

He genuinely smiled at me. Kung wala lang sigurong pinagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya, kung wala lang sigurong dumating na Deign sa buhay ko, baka kinilig na ako at nangisay dito sa studio.

Nagulat din ako nang makita kong sa akin nap ala nakatutok ang camera. I'm not prepared! Buti na lang ako si Gianina Ramirez, maganda kahit anong mangyari. Nahihiyang ngumiti na lamang ako.

"Of course I'm very happy and grateful to have her with me."

"I just have one last question for you." Gavin nodded. "Minsan ka na bang nasaktan dahil labis kang nagmahal?" Alam kong ganiyan ang naging tanong sa kaniya dahil na rin sa title ng bagong teleserye nila na Bakit Labis Kitang Mahal.

Pero bakit parang sa pandinig ko ay malaman ang tanong na iyon? Napalunok na lamang ako habang hinihintay ang magiging sagot ni Gavin.

"Opo. Pero dahil labis ko siyang minahal..." tumingin siya sa gawi ko, "pinakawalan ko na po siya."

Nagkatitigan kaming dalawa at tila walang sino man sa amin ang gustong putulin ang pagtititigang iyon dahil parang nangungusap pa ang mga mata namin.

Totoo na ba 'yon? Ako ba ang tinutukoy niya? Pinapakawalan niya na nga ba ako? Pinapalaya na niya ba ako?

Hinintay ko na lang siya sa parking lot dahil kailangan pa niyang magpalit sa dressing room at kausapin ni Quinta. Hiningi ko sa kaniya ang susi ng kotse niya para sa loob na lang ako maghintay at hindi na lamukin pa sa labas.

Nang makita ko siyang naglalakad ay batid ko ang mababagal at mabibigat niyang paghinga na para bang nahihirapan siya.

Binuksan niya ang backseat para ilagay ang mga gamit niya. Pumasok na siya sa driver's seat at nagumpisang magmaneho. Nasa kalagitnaan kami ng traffic at wala ni isa sa amin ang ginustong magsalita. Tanging ingay lamang ng mga busina ng sasakyan ang naririnig ko.

Hanggang sa 'di ko na kinaya ang katahimikan na ito at kinausap ko na siya.

"Gav...are you..." pero hindi ko matapos ang gusto kong sabihin.

"Yes." Napalingon ako sa kaniya. "Yes, I'm letting you go. Be happy, Gia. I will always be here for you. Okay?"

Tears were slowly forming in my eyes that everything I see now is blur. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Thank you...thank you."

"It hurts how thankful you are that I'm letting you go when it slowly tearing me apart."

"I'm sorry, Gav. I'm really sorry for everything I did. I'm sorry for being selfish. I'm sorry that I ruined our friendship. I'm sorry for hurting you this bad. I'm such a cruel person, I know but I'm really sorry."

"Sshh." Hinaplos niya ang likod ko. "Alam mo namang 'di kita matitiis eh. Hindi ko matitiis na malungkot ka, na hindi ka masaya kaya binibitawan na kita."

"Gav..." I mumbled his name between my sobs.

"I'm sorry too Gia. I'm sorry for prolonging your agony. I'm sorry for making you feel bad for yourself. Matagal ko naman ng alam na hindi na ako 'yung mahal mo pero pinilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo. Sinubukan ko pa rin na isiksik 'yung sarili ko dyan sa puso na iba na 'yung nilalaman."

I shook my head. "Gavin, idolizing you is one of the best part of my life. Kasi 'yon 'yung mga panahong wala akong paki kung madikitan ako ng mga taong 'di ko naman kilala. Napaaway dahil sa pagiging maarte ko. Pero dahil din sa pagiging fan mo, natuto akong magmahal ng sobra. Natuto akong ipaglaban kung ano 'yung gusto ko. Natuto akong magmahal kahit na walang kapalit na kahit hanggang imagination lang ako." I laughed a little.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon