ALL - Twenty Six

18.1K 573 236
                                    

I've been declining Deign's call since this morning. Ang kulit-kulit naman kasi eh sinabi ko na ngang 'wag na munang tumawag kasi ngayon nga ang dating ni Gavin.

Andito ako ngayon sa airport at naghihintay para sa kaniya. Ang weirdo nga ng isang 'yon eh, gusto niyang sunduin ko siya eh malamang sa malamang pakalat-kalat ang mga paparazzi para makuhaan sila ng litrato sa pagdating nila.

Sa 'di kalayuan ay nakikita ko na ang iba't ibang fans club na dala ang mga tarpaulin nila. Hindi ako sigurado kung kilala ako ng ibang fans ni Gavin pero kasi sa tuwing nagpo-post ako ng picture namin nagko-comment naman sila na ang swerte-swerte ko raw na magkaibigan kami. Duh, we're not just friends kaya. Edi ibig sabihin no'n, swerteng-swerteng-swerte ako? Ah yeah, I have the sweetest, cutest, and loving boyfriend in the world.

Nang makita ko na ang unti-unting paglabas ng mga artista ay naisip kong sa parking lot na lang siya hintayin. Nagtaka pa nga ang driver niya kung bakit hindi ko siya kasama nang bumalik ako. Iniiwasan ko lang naman ang paparazzi. Parang ang dami kong iniiwasan sa panahon ngayon and that made me felt weird and anxious.

Nakita ko na siyang paparating kaya agad kong binuksan ang pinto ng van at nang makasakay siya ay inakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you!" I beamed.

Inakap niya ako pabalik, yakap na may halong gigil. "Mas namiss kita. Did you behave when I was away?"

My mind says no but, "Of course! Ikaw nga diyan eh baka nakakita ka lang ng maputi, matangkad, blonde, eh pinagpalit mo na 'ko?"

He laughed. "Ba't pa eh girlfriend ko na nga ang pinaka maganda, pinaka mabait, pinaka malambing, pinaka sweet, at lahat pa ng magandang pinaka sa mundo."

Narinig ko pa ang hagikgik ni Manong kaya hinampas ko na lang si Gavin.

"Baliw ka talaga."

Sumandal siya sa balikat ko. "Namiss talaga kita."

"Namiss din kita." I brushed his hair with my fingers.

"Talaga?"

Napalunok ako bago sumagot. Bakit parang ang hirap sumagot sa ganitong usapan. "Talagang-talaga."

He kissed my shoulder then slept. I am glad that he's back but it doesn't feel right to lie, to hide. Namiss ko naman talaga siya eh...pero andiyan naman kasi si Deign kaya nalilibang ako.

Speaking of Deign, chineck ko na muna ang cellphone ko at nabasa ang text niya.

From: A-hole
Yan tayo eh. Pag andyan na siya, kinakalimutan mo na ko. Ganyan ka naman eh.

Napanguso ako dahil alam kong nantitrip ang isang 'to pero parang may iba pang meaning 'yung dating sa akin.

I spent the whole day with Gav. We had lunch together. Ipinagluto kami ng Mom niya pero she has to work pa kasi so iniwan niya rin kami. Nag-stay lang kami sa kwarto niya; kwentuhan at jamming. Nag kwento siya ng experience niya sa ibang bansa at nagkantahan lang kami habang naggigitara siya.

Tapos na kami mag dinner kaya nakaupo na lang kami at nanunuod ng TV. Magkayakap lang kami at parehong nabo-boringan sa mga palabas.

"Wanna stroll?" He asked.

I looked at him. "What do you mean?"

"Long night drives?" Binigyan niya ako ng ngiting ngayon ko na lang ulit nakita. I missed that playful smile of his.

I smiled back. "Game!"

Agad kaming tumayo at nag-unahan pa papunta sa kotse niya.

Kung saan-saan lang kami pumunta. Nagsasabihan lang kami kung liliko ba o didiretso lang, basta kung saan lang kami mapunta, magmamaneho lang siya. Ganitong mga pagkakataon ang namiss ko, ganito kasi kami noon nung hindi pa siya sobrang sikat.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon