ALL - Eight

23.7K 564 103
                                    

Andito ako ngayon sa studio at pinapanuod si Gavin. Ang pogi talaga, nakakainis. Shooting niya kasi ngayon para sa commercial ng isang clothing line.

"Madalas kitang makita, girlfriend ka ba ni Gavin?" Tanong sa akin ng medyo may edad na na lalaki.

Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ng manager ni Gavin. "No, they're just close friends."

Nag-kibit balikat ang lalaki at umalis na. Halos mapairap ako rito kay Quinta, we call him kasi by his surname.

"Why did you tell him that?"

"Bakit, girlfriend ka ba talaga?" Sagot niya at umalis na.

I gasped. Grabe talaga 'tong matabang 'to, over protective sa mga alaga niya! Nakakainis. Akala niya hindi ko alam na pinagbabawalan niya ang mga alaga niyang makipag-relasyon hangga't 'di niya sinasabi para makapag-focus sa career nila? Tss. 'Pag nga naman gahaman sa pera oh.

Napasimangot na lang tuloy ako. Babalik na lang sana ako sa dressing room pero paglingon ko ay natapunan ako ng isang PA ng kape, gosh baka masabunutan ko siya kung mainit 'to at buti na lang ay hindi gaano.

"Nako, sorry ma'am. Sorry!" Pinupunasan ng babae ang damit ko at braso ko.

"Hey, hey, okay lang." Nakakahiya naman kasi na pinupunasan niya pa ako.

Lumapit ulit sa akin Quinta at hinawakan ako ng mariin sa braso. "Gumagawa ka nanaman ng eksena." He said in gritted teeth.

Dati kasi may shooting din si Gavin, pinilit ko siyang sumama ako at ang nangyari, natalisod ako sa isang wire kaya ayon, 'yung good take sana eh naging take two, nahugot kasi 'yung wire mula sa plug eh.

"Ouch!" Ang sakit na talaga ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Namumuro ka na sa'king bata ka ha. Ewan ko ba-..." Hindi siya natapos sa sasabihin niya nang lumapit si Gavin.

Hinila niya ako palapit sa kaniya. Thanks to him, nakawala rin ang braso ko sa matabang Quinta na 'yan. "Don't hurt her, natapunan na nga siya eh." Pagtatanggol niya sa akin.

Teka, may savior ako rito. Wait, kinikilig ako. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakikipagtalo siya sa manager niya. Hindi ko na nga iniintindi ang pinagtatalunan nila kasi busy ako sa pagtitig sa itsura niyang galit. Ang gwapo, my goodness. Ang gwapo ng savior ko.

"I'll take a break Direk." Sabi niya sa director, um-Oo naman ito, at hinila niya ako papasok ng dressing room.

Pagkapasok namin ay naabutan namin ang mga make-up at hair stylist niya na nagtsi-chismisan. Pinalabas niya ang mga ito saglit.

Pinaupo niya ako at pumunta siya sa rack ng mga damit na akala mo may hinahanap.

Lumapit siya sa akin at inabot ang isang checkered na polo, mukhang maluwag sa akin 'to ah.

"I'm sorry." He gave me an apologetic look. He's behind me and we're looking at each other through the mirror.

"For what?"

"For putting you in this mess." He sighed. "Sorry kung gano'n sa'yo si Quinta ah. Masiyado kasi siyang OC na ewan."

I smiled. "'Wag ka mag-sorry sa bagay na hindi mo naman kasalanan. Hindi naman ikaw nakatapon sa akin at hindi rin ikaw ang naging rude sa akin kanina." Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa balikat ko. "Dapat nga mag-thank you ako sa'yo eh kasi pinagtanggol mo ako kanina, hindi mo ako pinabayaan."

He smiled. Nabigla ako nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Palit ka na muna. Dito ka na lang ha, tatapusin ko agad 'yon para makaalis na tayo."

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon