ALL - Nine

23.4K 592 129
                                    

I hate it.

I do not deserve this kind of treatment. I will tell this to Papa and he will surely get mad and he might just give these girls what are they looking for and I might not get to see Gavin again.

Bullsht naman kasi, pipila na nga lang 'di pa magawa nang maayos? Naiintindihan ko namang gwapo talaga si Gavin pero magtira naman sila ng kaunting delikadesa sa sarili nila. Natulak at natapakan lang naman ang fresh from spa kong paa. Ay nako talaga! Kung sasabihin ko kay Papa 'to, natural magagalit siya sa mga babaeng 'to lalo na sa matabang manager ni Gavin, dapat kasi backstage ako pero 'di niya ako pinapasok, bastos talaga ang isang 'yon! At 'pag nagalit siya baka hindi na niya suportahan ang fangirling life ko, hindi pwede 'yon! At baka hindi na niya kami hayaan magkita ni Gavin, mas hindi pwede 'yon!

"Ouch, my foot!" I hissed. Natapakan nanaman kasi ang paa ko.

Seriously, alam kong ang gwapo ni Gavin pero the heck naman, can't they chill a bit? Stage pa lang ang nakikita nila at hindi siya.

"Tss. Sorry, 'di ko naman kasalanan na maarte ka." Oh my gosh, sumasagot pa itong babaeng 'to!

Why is it so hard to be sorry whole heartedly? Ang hirap ba hugutin no'n? Mahal ba magsabi ng sorry from the bottom of your heart? This is oh my gosh. Kasalanan talaga 'to ni Quinta! Male-lechon ko talaga ang bwisit na 'yon!

"Wow ha, ikaw na nga 'tong nakaapak eh." Pinamaywangan ko siya pero hindi niya ako pinansin.

"Omg Gavin, labas ka na! Whoo!"

Stop being so loud, na saan ang delikadesa mo, nasa talampakan ba at napisa na? Alam kong kapwa ko siya fangirl pero hindi pa rin no'n matatanggal ang fact na naiinis ako sa kaniya. Ang ingay pa niya makipag-kwentuhan sa friends niya, geez. She's so papansin, paluhurin na lang kaya sa asin?

I rolled my eyes. I am not going to let people like her to just do this to me.

Kaya inis na tinapakan ko rin siya. "Oops, sorry."

Naiiritang tinignan niya ako at tinulak ang balikat. Gosh, ang kapal niya para saktan ako. "Ano bang problema mo?"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko, alam mo kasi nakakairita ka na eh. Ang KSP mo na, ang OA mo pa." I raised an eyebrow.

"Well, first time mo bang pumunta sa mall shows niya? Para kang hindi fan kasi kung fan ka dapat lang talaga na nagpapapansin ka sa idol mo."

I crossed my arms. "Don't you lecture me about fangirling 101 because you don't know anything about me. I am not just a fan of Gavin." Soon to be wife niya ako!

"So, anong pinagmamalaki mo?" She is such a biatch! Bakit ba ako napapalibutan ng mga biatch sa mundo? Bakit hindi pa sila mahulog sa manhole at hindi na makita pa forever?

Tinulak niya pa ulit ang balikat ko at tinulak ko rin siya. Ready na sana akong makipagsabunutan sa kaniya kaso may humila sa braso ko.

"Gia, don't humiliate yourself," bulong niya sa akin. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Ano bang ginagawa niya rito?

"Phillip, siya ang nanguna. Inaway niya 'ko at KSP siya."

Tumingin siya sa babaeng mukhang natulala pa sa kambal ko. I heard other girls giggle and mumble the word "pogi". The heck?

"Did you hurt my sister?"

"Ah... hindi." Liar! Tinulak niya pa nga ako eh!

"Okay." Oh sht. "Let's go." Hala, hindi pa nag-uumpisa ang program! Damn it.

Pinipilit kong makaalis sa hawak niya sa braso ko. "Phil, don't tell me naniniwala ka sa kaniya? Gosh, natapakan niya ako tapos hindi siya nag-sorry ng maayos tapos tinulak pa niya 'ko." Nagsumbong ako nang nagsumbong pero mukhang labas sa kabilang tenga ang mga sinasabi ko.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon