Special Chapter - Tanya

7.1K 273 29
                                    

I've always thought of consistency as part of my idea of love. But then, it is something that was never given to me.

I grew up with Disney stories giving me hope that there's happy ending to every love story. Pero masiyado ng kawawa ang Disney, lagi na lang nasisisi kung pwede ko namang sisihin ang sarili ko dahil masiyado akong naniwala sa isang pantasya.

People tend to look for someone or something to blame when they get hurt or when they caught off guard. But in my case, I don't know who to blame...so I gave it to me. I blame myself for always falling in love with the wrong guy.

I used to be with just my family and friends until Mio came along.

I was a high school student back then and of course, I am vulnerable and yes, gullible.

Election namin noon para sa mga magiging class officers. Wala akong trip iboto sa mga kaklase ko, pakiramdam ko kasi irresponsible kaming lahat including my friends.

Almost all of them ginawang laro ang pagbobotohan; ninominate ang pinakamagulo sa klase namin bilang president at nanalo naman siya, si Mio. Napapailing na lang ang adviser namin sa kalokohan ng mga kaklase ko.

Oras na para magnominate sa vice presidency pero nanlaki ang mata ko nang i-nominate ako ng kaibigan ni Mio.

"I nominate Tanya to be Mio's partner."

I glared at him. "Hoy!"

Tawang-tawa si Mio habang sinusulat ang pangalan ko sa board. Matapos 'yon ay wala ng nagtaas ng kamay kaya naman tumutol na ako agad.

"Ayoko nga!"

"Grabe, 'di ka pa nga nananalo eh, ayaw mo na?" Mio crossed his arms.

Tumayo ako at nagpamaywang. "I am not responsible!"

"Bakit ako, mukha ba akong responsible?"

"No." I sternly said.

"Yeah. Kaya nga nakita ko 'yung kamay mo para iboto ako. 'Di nga ako mukhang responsable."

Gusto ko pang makipagtalo sa kaniya pero 'di ko na nagawa dahil pumagitna na sa amin ang adviser namin. Kupal kasi 'tong isang 'to. Napaka yabang!

Eh bakit ko nga ba siya binoto? Eh kasi no choice ako, walang matino sa kanila edi kung sino na lang pinakamatagal ko ng kilala ang ibinoto ko.

Hindi na ako pumalag pa dahil nanalo na nga ako kahit labag sa loob ko.

Mula noon, hindi siya pumalya sa pagsira ng araw ko. Sinet niya ang Friday, after class na meeting daw naming class officers pero ang mokong puro kalokohan lang ang trip.

One Friday, katatapos ko lang maglinis dahil isa ako sa cleaners. Naupo ako sa aisle sa may first row habang ang magaling naming President eh nakaupo sa teacher's table.

"So ano bang pagmi-meetingan natin ngayon, Pres?" I said with full of sarcasm na sana madama niya.

"Kung paano ka mapapasa 'kin." He grinned.

Umarte ako na parang nasusuka. "Kadiri. Wala ka talagang kwenta. Umayos ka nga! Sinasayang mo oras namin eh!"

Tinignan ko pa ang mga kapwa namin officer para humingi ng suporta pero mukhang natutuwa rin sila sa ginagawa ng isang 'to.

"No. We're good. Sige lang, continue to entertain us." Nakangising sabi ng Treasurer namin na si Lloyd.

Tawang-tawa ang siraulong presidente namin pero tumayo na rin siya at inumpisahan ang "meeting" namin.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon