ALL - Forty Nine

10.7K 438 65
                                    

I'm sitting here in a coffee shop waiting for someone. Alam ko maiintindihan niya ako. Alam kong makikinig siya sa akin.

I've been here for almost 2 hours pero naniniwala akong darating siya. Alam kong susunod siya sa napagusapan. Alam kong iba siya sa kanila.

When the door opened, I saw her roaming her eyes searching for me.

I raised my hand and she smiled at me. She sat in front of me and apologized.

"Sorry, Gia. Traffic sa dinaanan ng driver namin eh." Hinihingal na sabi niya.

I smiled at her. "No worries. Order na muna tayo?" She nodded.

We remained silent until our food and drinks were served. She smiled then started the conversation.

"Pasensiya ka na ha? Pasensiya na kung napagsalitaan kita ng masama. Sorry kung hindi kita pinaniwalaan na mahal mo talaga si Deign." She looked down as if she made a really big mistake.

I held her hand on top of the table. "Alam ko namang mahal niyo lang talaga si Deign."

"Pero kasi sumusobra na sila eh. I mean, they don't have to intervene with his lovelife." She shook her head. "Sorry talaga Gia ha? Alam ko nagkamali rin ako nung i-judge kita nang makita ko kayo ni Gavin. Ako na rin ang humihingi ng tawad sa asal ng mga pinsan ko matapos mo kami tulungan."

I nodded. "Naiintindihan kita, Cassy. Kasi kung kay Phillip din ginawa iyon, magagalit din ako kung may manloko sa kaniya. Pero Cassy, seryoso ako nang sabihin kong mahal ko siya."

She took a sip of her coffee. "Yeah. I saw it the moment you were there facing that moron and douche?" She laughed.

Namula naman ako sa hiya. Pakiramdam ko isang malaking kahihiyan 'yung nagawa ko noon.

"How's your Lola na nga pala?" pag-iiba ko ng topic.

"She's fine. We're all fine. Honestly, sanay na kami sa ganoon. Ilang beses na nangyari sa amin 'yon—pero may takot pa rin kami siyempre—kaya hindi na ako nagulat na nagawa ka pang sungitan ng mga pinsan ko at madamay ang love story niyong dalawa." Napa-iling siya at sumubo ng cheesecake na inorder niya.

"May pinagdadaanan ba 'yung mga pinsan mo na 'yon? Mukhang bitter na bitter eh." I pouted.

She smiled a little. "They're bunch of inggiterang frogs lang talaga."

My mouth formed an O, amused by what she just said. "I didn't expect na conyo ka."

Mukhang nagulat siya at humagalpak sa tawa. "Yeah, conyo talaga ako noon pero nairita ang mga pinsan ko kaya inayos ko pananalita ko."

Maya-maya ay may nilabas siya na kung ano mula sa bag niya. Ipinatong niya ang isang maliit na black leather bag sa lamesa.

"What's that?" I asked.

"I am pretty sure you don't know that much about Deign. Hindi naman talaga siya palakwento tungkol sa kaniya o sa pamilya namin. I won't go overboard so I am just going to share the basics." He opened the leather bag and took out old photos. I was really amazed how Deign looks cute kahit noong bata pa siya. Ikinuwento niya kung paano sila naging close na magpi-pinsan. Noong una raw talaga ay masungit sila kay Deign dahil sa pagiging 'sipsip' raw nito sa Lola nila tapos nang mapagalitan daw sila ni Lola ay ipinagtanggol sila ni Deign kaya ayon buddy-buddy na silang lahat.

There's even a picture of maybe a five-year-old Deign na kasama ang mga pinsang lalaki na mga naka-brief lang habang naliligo sa falls. I bursted into laugh at ganoon din si Cassy. Ikinuwento niya kung gaano ikinakahiya ni Deign at ng mga pinsan niya ang litratong iyon.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon