ALL - Twenty Four

21.2K 633 158
                                    

"This is where we're going to apply the re-order point, Gia. Alam mo na 'yung formula do'n 'di ba?"

I nodded. "Okay, I'll try." Sinubukan kong sagutan ang binigay niya sa akin na case study na mula sa isang libro sa library, na ayon sa kaniya ay simple lang pero para sa akin mahirap hmp.

Natuwa siya at lalo na ako nang tama ang sagot ko. He's always good in numbers. Eh kasi ilang beses akong nagkamali kanina, ang tricky naman kasi ng questions.

"Gia, may notes ka ba dito sa Physics?" I nodded and handed him my notes.

Habang siya ay nasa Physics, ako naman sa Accounting. Binabasa ko ang case nang bigla akong mapatingin sa harap ko. Seryoso siyang nag-aaral. Ulit, ang cute niya 'pag hinahampas niya ng dulo ng ballpen ang sentido kumon niya. Who would have thought that smart asses can be this adorable?

Naisip ko tuloy na ilabas ang cellphone ko at simpleng kukuha ng selfie kasama ang seryosong mag-aaral na ito. Nakaayos na ang front cam ng phone ko at sakto namang pagkuha ko ng litrato ay nag-angat siya ng tingin. Hala, ang pogi niya. Err, Gia, ‘wag kang ano diyan.

“Gia naman, mag-aral ka nga, kung ano-ano ginagawa mo eh,” sermon niya sa akin.

“Opo.” I pouted. Ang sungit naman, parang picture lang eh. Itinago ko na ang cellphone ko at nag-aral na ulit dahil baka masermunan nanaman niya ako.

Naging study buddy ko na siya, dapat kasama naman talaga namin sa pag-aaral si Tanya at Zoe, sa bahay na lang daw pero ang totoo niyan si Zoe lang ang may ayaw, si Tanya kasi susunduin ang pinsan niya sa airport.

Tumayo si Deign. “Oh sa’n ka pupunta?”

“May kukunin lang ako na libro. Diyan ka lang ah.” Tumang-tango naman ako.

Habang nagsasagot ako dito ay may biglang nag-vibrate, tinignan ko ang cellphone ko pero hindi naman ito, natataranta ako sa patuloy na pag-vibrate kaya hanap ako nang hanap sa lamesa hanggang sa makita ko ang cellphone ni Deign na napatungan ng libro.

Cassy calling…

And who’s this Cassy? Gosh. ‘Di kaya…may nililigawan si Deign? O ‘di kaya, girlfriend niya tapos pinapaasa niya lang ako sa mga kinikilos niya at sa mga sinasabi niya? Oh gosh, sasapakin ko ang isang ‘yon. Pero teka, umaasa ba ako? Is this the right time to think about such things? Gia, think right nga.

Tinitigan ko lang ang cellphone niya hanggang sa tumigil ito sa pagtawag pero maya-maya lang ay nag-vibrate nanaman ito at si Cassy pa rin ang tumatawag. What to do? Sasagutin ko ba? Pero ayaw ko naman mangialam sa gamit niya, baka sabihin pa niyang pakialamera ako. Hindi naman ako nagtagal sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil ‘di nagtagal ay bumalik na siya.

“Uhm…may tumatawag.”

Tinignan niya ang cellphone niya sa lamesa at tila nabigla siya nang makita ito. Tumingin siya sa akin tapos ay ibinalik muli ang tingin sa kaniyang cellphone.

“I’ll just take this.” As soon as I nodded, he immediately went outside.

Sino kaya ‘yung Cassy na ‘yon? Bakit parang nataranta si Deign nang makita niyang tumatawag ito? Na-curious tuloy ako.

Maya-maya lang ay nagmamadali siyang bumalik at nagtaka naman ako sa kinikilos niya. Nagmamadali siyang ayusin ang gamit niya sa bag niya.

“Hey, what’s wrong? Aalis ka na?”

Tumango siya. “Kailangan ko na umalis.”

Napatayo na rin ako at inayos ang gamit sa bag ko. “Eh sabay na ako.” Tumingin siya sa akin na parang nagdadalawang-isip. “You know what, kung ayaw mo ‘ko isabay, magka-cab na lang ako.”

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon