ALL - Forty One

8.5K 405 130
                                    

Nakaupo ako sa buhanginan at nagmumuni-muni. Hindi ko alam kung ano bang dapat ko unahing gawin. Ang gusto ko lang naman ay maayos na 'yung gusot na ginawa ko eh. Madaling gumawa ng mali pero mahirap ayusin.

Nagulo ang katahimikan ko nang marinig ko ang ingay ni Zoe.

"Gianina! Ano ba, bakasyon na bakasyon nagmumukmok ka diyan?"

I rolled my eyes. "Gano'n talaga 'pag guilty."

She was taken aback. Even Tanya, who has been busy on her phone since yesterday, stopped to look at me.

Tinabihan nila ako at nakipag kwentuhan. "Gusto mo bang itagay na natin 'yan?" Natawa na lang ako kay Zoe. "Seryoso ako, 'wag mo 'kong tawanan."

Binatukan naman siya ni Tanya. "Mag-isip ka nga ng ibang matinong gagawin."

"Bakit, ikaw ba may suggestion ka bukod sa magbabad diyan sa cellphone mo?"

I looked at her with an accusing smile. "Oo nga, ano ba kasing ginagawa mo? Sino ba 'yang lagi mong katext at inaabot ka pa ng madaling araw diyan ha?"

Nakangiti siya habang nakatingin sa cellphone niya at diretso akong sinagot. "Si Deign."

My smile faded. She can't be serious, right? Buti pa si Tanya, tinetext niya. Ako, hindi. Buti pa si Tanya, kausap niya. Ako, hindi. Sana lang hindi ako umabot sa puntong 'buti pa si Tanya, mahal niya. Ako, hindi na'.

Mukhang na-realize rin niya ang sinabi niya kaya naman tumingin din siya sa akin at nag-sorry. Hindi na ako umimik at pinanood na lang muli ang alon.

I skipped dinner kasi wala akong gana. Naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan para magpahangin.

Kung sana kayang tangayin ng hangin lahat ng sakit at dalhin sa malayong lugar, pinatangay ko na. Kung sana kayang tangayin ng malalakas na alon ang mga problema, pinatangay ko na.

Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing gusto kong mapag-isa mayroon at mayroong lalapit sa akin para guluhin ang kapayapaan ko rito.

"Alam mo, ang drama mo na masiyado. Wala namang matutulong sa'yo pagmumukmok mo eh."

Tinignan ko siya ng diretso sa mata at nginitian. "Eh kung gano'n anong dapat kong gawin? Please Phil, tell me. Kasi ako hindi ko alam eh. Wala akong ibang alam kundi taguan lahat ng kasalanan ko."

He shook his head. "Ang hirap kasi sa'yo, gagawa-gawa ka ng kasalanan na hindi mo naman kayang panindigan."

Ouch. Damn truth really hurts so bad.

"Ikaw ba, Phillip. Kinakahiya mo ba ako?" Kumunot ang noo niya. "Gugustuhin mo pa bang maging kapatid or worst maging kakambal ako?"

"Do I look like I have a choice?" masungit niyang tanong. "Gia, all you have to do is to reflect. Then, tsaka mo pag-isipan kung anong dapat mong gawin."

Napayuko ako. "Can you help me?"

He ruffles my hair. "Para saan pa't kambal mo 'ko kung hindi kita tutulungan 'di ba?"

I instantly hugged him. "Thank you so much, Phillip."

Sinunod ko ang payo niya. Pinag-isipan ko ang nagawa kong kasalanan at kung paano ko ito solusyonan.

"You don't have to solve it quickly. Take your time. Make it step-by-step."

I took his words seriously. Hindi ako nagpa-istorbo sa iba. Nakabuti na rin na bumalik na sa Manila sina Zoe dahil pinapauwi na sila ng mga magulang nila. Hindi rin naman ako gaanong ginugulo ng mga pamangkin dahil lagi silang umaalis para mamasyal at pinili kong maiwan sa bahay.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon