ALL - Three

32.8K 655 253
                                    

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tanawin na nakikita ko. Nasa kotse kami ngayon at alas-sais na ng umaga, maliwanag na pero tulog pa rin ang mga kasama ko. Ako at ang driver lang namin ang gising. I saw the beach, grabe ibang klase ang ganda. Nakaka-relax panuorin ang alon sa dagat.

Nainis ako nang bumagsak ang ulo ni Phillip sa balikat ko kaya tinulak ko iyon. “Ano ba,” reklamo ko.

Pero hindi niya ako pinansin at binalik ang sarili sa pagtulog. Bahala siya diyan, basta ako, I’m in paradise. Maya-maya naman ay nagising na rin si Kuya at may kinausap sa cellphone niya, rinig ko pa ngang sinasabi niyang andito na kami sa Ilocos at malapit na kami sa Resort na tutuluyan namin. Hindi makakasama si Gavin kasi busy siya sa taping, may on-going project kasi siya. Haay, pero sa ganda naman ng Ilocos mukha namang hindi ako magiging ganoon kalungkot. I should have fun.

Gosh! I’m so excited!

Finally ay nakarating na rin kami sa resort. Habang may inaasikaso si Kuya at Ate Alex sa lobby ay hindi ko na napigilan ang sarili kong lumakad at i-explore ang buong resort. Mayroong pool dito pero ang pinakagusto ko talaga ay ang dagat! Mabuti na lamang ay naka-slippers ako kasi buhangin po ang aapakan ko, malamang resort nga, alangan namang sementado lahat.

I spread my arms as I feel the breeze of the wind and hear the sounds of the waves of the sea. I feel so relaxed. Nilabas ko ang phone ko at kinuhaan ng picture ang dagat, siyempre makakalimutan ko ba namang mag-selfie? Hindi. Pero nang tignan ko ang nakuha kong selfie ay may lalaki sa likod ko, malayo naman siya sa’kin pero may hawak siyang lambat, topless siya at naka-tupi ang magkabilang dulo ng pantalon niyang kulay brown pero ang lakas ng dating.

Ah shiz, don’t tell me ma-a-attract ako sa isang mangingisda o trabahador ha?

Naglakad siya palapit sa akin at doon ko nakita ang perpekto niyang mukha… joke. No, erase that thought, Gia. Si Gavin lang ang perfect. Ni hindi nga papasa sa taste mo iyang lalaki na iyan. Hanggang sa lagpasan niya ako ay sinusundan ko lang siya ng tingin. Hala, pati likod niya ang gwapo. Err, I hate it.

Mahina kong pinukpok ng cellphone ang ulo ko. “Calm down, hormones. He’s not rich, he’s not a prince-like guy so hindi siya pasok sa standards ko,” pagkausap ko sa aking sarili. Nakakatanga naman ito.

“Hoy! Hinahanap ka na nila kuya. Kung saan-saan ka nanaman pumupunta!”

Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang hudas barabas na sumisigaw sa akin. At kahit hindi niya binanggit ang pangalan ko ay alam kong ako ang tinatawag niya. Eh boses ng kakambal kong bwisit iyon eh!

Padabog akong naglakad at sinundan na lamang siya. Andito na kami sa Casa na tutulugan namin. Ang ganda rin ng room, siyempre hindi naman pipili si Kuya ng pangit eh, kung mataas standards ko mas mataas ang sa kaniya. Maarte masiyado iyon.

“Phillip, Gia, magpahinga na muna kayo. Aalis kami saglit ng Ate niyo dahil imi-meet namin ang contractor. Isasama na rin namin ang mga bata dahil panigurado namang hindi niyo sila mababantayan ng maayos.” Dire-diretsong sabi ni Kuya. Good, ayaw ko rin namang mag-alaga ng bata ngayon. Magiging busy ako sa pagre-relax eh.

“Okay. Basta, mag-uwi kayo ng food ha?”

He ruffled my hair, “Gia, pwede naman kayo magpa-room service. Siya nga pala kung may balak ang isa sa inyong umalis eh magpaalam kayo sa’kin. If you two need anything just text me, okay?”

We both nodded. He kissed my cheek and had a fist bump with Phillip, as a sign of goodbye.

Sinubukan kong magpahinga, nahiga ako sa malambot na kama pero hindi ako makatulog samantalang itong kasama ko eh bagsak na bagsak, tulog mantika kahit na kailan, oo. Kaya naman naisipan kong maligo na lang. Gamit ko ang bago kong bili na brown harem pants na tinerno ko sa sando kong puti, nag-simpleng tsinelas na lang ako. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at lumabas na ng sakto lang sa laki na bathroom. Umupo ako sa gilid ng kama niya at inalog siya,

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon