ALL - Twenty Two

20K 593 98
                                    

"I'm checking out this lovely black dress." Napansin ko ang gray polo shirt na nasa men's wear. "Hey, do you mind gray or other color na lang?"

"If you're planning to buy me some clothes, 'wag na buy whatever you want then punta ka na dito. I miss you so much."

I chuckled. "Okay, okay. I miss you too." I ended the call.

Nasa mall ako ngayon together with Tanya and Zoe, ito naman kasing si Gavin, kung kailan andito na kami tsaka ako papapuntahin do'n sa shoot nila.

"Uy basta ah, sama kami sa set! Gusto ko makakita ng maraming artista!" Zoe squeaked. Kanina pa niya ako kinukulit diyan.

"Hala, Zoe, kalma. Wala ka pa nga ro'n, ganiyan ka na, pa'no pa kaya 'pag ando'n ka na?" Tanya said.

"Oo nga. Nako 'pag ikaw napagalitan ni Quinta, 'di kita sagot ah." Na-i-imagine ko pa lang na nagagalit si Quinta kay Zoe natatawa na 'ko. Ang cute siguro nila magtalo kasi siyempre 'di magpapatalo kaibigan ko, brat din 'yan eh.

Binili ko pa rin ang polo shirt na nakita ko para kay Gavin. Wala lang, I wanna give him something lang.

Pagdating namin sa set ng on-going teleserye niya ay sakto namang in-announce ng director na good take at mag break na muna.

Tinawag ko siya at kinawayan. Sumenyas siya na pumasok na kami sa loob ng tent. Ipinatong ko sa lamesa ang dala kong pagkain para sa amin at isinantabi ang mga pinamili ko kanina.

"So ganito pala itsura ng tent nila..." Si Zoe naman akala mo nasa museum kung makapag observe.

"Shit si ano... teka basta kilala ko 'yon eh!" Sabi naman ni Tanya na agad nagpalingon sa amin.

And then I saw my boyfriend's good friend who also became my friend. "Hi Mason!" I greeted.

Lumapit naman siya sa amin. "Hi Gia. 'Di naman ako informed na stage girlfriend ka pala."

Minura ko muna siya bago ko ipinakilala ang mga kaibigan ko. "By the way, this is Tanya and this is Zoe, my friends."

Mason stretched out his arms for a handshake. "Hi, I'm Mason."

"Hi... I'm Zoe." By the looks of it, mukhang matutulala pa ata siya. Mabuti na lang tinanggal ni Tanya ang kamay ni Zoe kay Mason kasi siya rin makikipag kamay pa.

"Hi, I'm Tanya."

"It was nice meeting you girls but I have to go. See you!" He took a step back.

"Bye Mason. Ingat!" Sabi ko na lang.

Pero biglang nagsalita si Zoe. "Teka, wait!" Sige Zoe, teka na, wait pa. "Can I have a picture with you?"

"Sure." Tumabi sa kaniya si Zoe at nakipag-selfie, may wacky pa.

"Ako rin!" Sabi rin naman ni Tanya na hindi naman tinanggihan ni Mason.

"Aww thanks!" My friends beamed at him as we waved.

"Bye!" Nag-flying kiss pa si Mason sa dalawa bago lumabas ng tent. Putek, may pagka malandi rin ang isang 'yon, slight lang naman daw.

Naghahagikgikan ang dalawa habang tinitignan ang mga kuha nilang selfies. At sinasabi pa ni Zoe ang kina-caption niya sa IG habang tina-type ito.

"Ang alam ko Zoe nagta-type 'pag maglalagay ng caption, kailangan na rin ba ng voice over? Maririnig ba ng followers mo 'yon?" I sarcastically asked in which she also returned with a sarcasm.

"Instavid 'to, 'wag kang nangengelam."

Tanya and I laughed at her. Maya-maya lang ay pumasok na rin si Gavin. Magha-Hi pa lang ako sa kaniya ay tumakbo na siya palapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit at buhatin ako ng pa-ikot.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon