ALL - Thirty Four

11.3K 565 251
                                    

I tried a couple of times to ask him for a serious talk but he always have an alibi.

"Gav, please? Let's talk outside?"

"What is it about that we can't talk here?" He answered without glancing at me.

"Okay so I'll just start here?"

He smiled, not looking at me. "Look, nag-aaway na ata si Tito Kats and Tita Bianca."

Napabuntong hininga na lang ako. "Gavin naman oh."

Natigil ako sa pagpilit sa kaniya nang magmura ng malakas si Tita Bianca.

"Tangina naman oh! Moron! Tanga-tanga ka talaga!"

"Kasalanan ko bang mabigat ka!" sagot naman ng asawa.

Sinamaan siya ng tingin ni Tita. "Ah ganon? Edi maghanap ka ng payat at magaan don! Hayup ka."

Padabog na umalis sa gitna ng laro si Tita at naupo sa isang tabi.

"Punyeta. Itigil na 'tong paper dance na 'to. Iba na laruin niyo!" Utos ni Ninong Kats at sumunod sa asawa.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa tapat nito at hinawakan ang nakakuyom na mga kamay sa lamesa.

Nagpatuloy lang sila sa kasiyahan at 'di na lamang inintidi ang birthday celebrant at asawa nito.

Tumunog ang cellphone ni Gavin at batid kong si Quinta ang nakausap niya dahil puro tungkol sa trabaho ang narinig ko.

"Gia, sorry but I need to go." Paalam niya.

"Ha? Bakit?"

"May shoot ako."

I rolled my eyes. Gantong gabing-gabi na tutuloy pa siya ro'n? Bakit ba kasi 'di na lang ipagpabukas eh.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Bye. Take care." He kissed my cheek.

Naglakad siya palapit kanila Papa, Mama, Kuya, Phillip, at sa mga pamangkin ko para magpaalam. Nang palapit na siya sa pinto ay hindi na ako nagdalawang-isip na sundan siya.

"Pa, may nakalimutan lang akong sabihin sa kaniya." Sabi ko naman kay Papa nang tawagin niya ako pagkalapit ko sa pinto. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pakikipag-inuman.

Nabuksan na ni Gavin ang pinto ng sasakyan niya nang maabutan ko siya.

"Gav!" Pagpigil ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Please, kahit five minutes lang."

He sighed. "Okay, spill."

I breathe deeply then looked straight in his eyes. "Look, it was not my intention to end up like this. I don't want to hurt you. You've been very nice, gentle, and honest with me. And it's hard for me to do this."

He remained silent and just stared at me. "Gavin, alam mo kung gaano kita minahal. 'Di ako tumigil sa pagpaparamdam ng suporta ko para sa'yo. Bata pa lang ako, ikaw na ang pangarap ko. Wala akong ibang hiniling kundi ang mahalin mo rin ako."

"Minahal. Bullshit, Gia." Kitang-kita ko ang magkahalong dismaya at inis sa mukha niya.

Lumapit ako sa kaniya para hawakan ang braso niyang nanginginig at parang gustong manira ng kung ano.

"Gavin...hindi naman nagbago 'yung pagmamahal ko eh. I am still your fan. Susupor-..."

Galit niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Kasasabi mo lang, Gia, minahal. Bakit? Kasi 'di ako nagpaparamdam? Kasi nawawalan ako ng oras sa'yo?"

"Hindi 'yon..."

"Hah. How stupid of me to ask something I already know?" Inalis niya ang mga galit niyang tingin sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon