ALL - Thirty Five

12.8K 543 63
                                    

Everything was falling into the right place. It felt right na hindi na kami tago kung makapag date ni Deign. Hindi na rin kami tago kung makapag holding hands. Hindi na kami tago 'pag gusto namin ipakita ang pagmamahal namin sa isa't isa kahit maraming tao ang nasa paligid.

Nasa mall kami ngayon dahil sinamahan niya ako mag-shopping. Kahit na nagmukha siyang taga-bitbit...gwapo pa rin naman siya.

"Gia, bakit ba ang dami-dami mong binibili eh marami ka namang damit?" Reklamo niya pagkalabas namin ng isang botique.

"Because I want to." Para next sem hindi paulit-ulit 'yung damit ko.

"Eh kung iniipon mo na lang ang pera para in case na may kailangan ka pagkagastusan in the future, 'di ba?"

This is what you get when you go shopping with your goody-good boyfriend. "Don't make it a big deal."

"I'll make it a big deal if I want to. Hindi ka pwedeng spoiled."

I gasped. Napahinto ako sa paglalakad. "I am not spoiled."

"Then, what? Brat lang?"

Pinanliitan ko siya ng mata sa inis. "I hate you."

He took a deep sigh. Nilipat niya sa kaliwang kamay lahat ng bitbit niya at lumapit para hawakan ang kamay ko ng mahigpit. "I am just trying to tell you to live a little."

I gave him a look. "Really? Coming from you? Eh ikaw nga 'tong too good to be true sa'ting dalawa. You should live a little."

Hinila niya na ako para makapaglakad na ulit kami. "Hindi ako too good to be true, ganito kasi ako pinalaki. At hindi porket ganito ako, wala na akong masayang buhay."

I sarcastically laughed. "Sige nga, explain mo sa'kin buhay mo."

Then his face went brighter-looks like he has this bright idea. "Let's eat first!"

"Fine."

Pati restaurant na kakainan, pinagtalunan pa namin. Gusto ko ng Japanese food pero siyempre siya gusto niya Filipino food. Nag-jack en poy kami at siya ang nanalo kaya siya ang nasunod sa kakainin namin.

Nakuntento naman ako sa kinakain namin kasi siya ang kasama ko.

"Now, start telling me the story of your life."

He pouted. "Akala ko makakalimutan mo na eh."

I gave him a teasing look and waved my right hand's pointing finger. "Nah uh."

He sighed. "Okay. Lumaki ako sa Ilocos, kasama ko sa bahay ang mga Sison pero malapit lang din sa amin ang pamilya nila Nanay. Nag-iisang anak ako pero feeling ko ang dami kong kapatid dahil sa mga pinsan ko."

Tinuro ko siya gamit ang tinidor ko. "Tignan mo. Ikaw ang spoiled brat, ikaw 'tong only child eh."

Kumunot ang noo niya at 'di sumang-ayon sa sinabi ko. "Hindi lahat ng only child, spoiled. 'Di ako gano'n. Ang turo sa'kin, kung anong andiyan, 'yon lang. Dapat akong makuntento."

"Sus. Kunwari ka pa eh 'yung sasakyan mo pa nga lang eh, Jeep Wrangler, duh that's expensive." I rolled my eyes because he's still in denial.

"Alam ko pero 'di ko hiningi 'yon, niregalo 'yon sa'kin ni Lola."

He continued telling me his story but it was very visible that he looks annoyed by my arguments.

"Bakit ka ba kontra ng kontra? Pinag-kwento mo 'ko pero parang 'di ka naniniwala?"

I finished swallowing the food in my mouth before I answer him. "You can't blame me, Deign. I saw you with fishnets and I met you as a tour guide then all of a sudden malalaman ko na lang na pamangkin ka ng senador at pagmamay-ari niyo ang iba't ibang lupain at resort sa Ilocos. Ang weird mo kasi eh."

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon