Special Chapter-3

10.1K 286 13
                                    

Special Chapter-3

Dumiretso ako sa condo ni Renia pagkakuha ko ng mga results ng board exam, iyon din ang araw ng flight ni Renia pabalik ng Barcelona.

"Give me my things," sabi ko habang nakalahad ang kamay ko sa kanya.

Matagal na tiningnan ni Renia ang kamay ko but eventually she handed me a key.

"Open that drawer," utos niya na agad ko namang ginawa.

Napangiti ako nang makita ko ulit ang mga picture frames na niregalo sa akin ni Jethro noon. Kinuha kasi ito ni Renia dahil malaki ang paniniwala niya na makakasira daw si Jethro sa pag-aaral ko na para lang naman sa kanya.

Maingat kong dinala ang mga frames habang ibinabalik kay Renia ang susi. Matagal kong tiningnan ang kapatid ko dahil alam kong hindi na ulit kami magkikita kailanman.

"Can you do me a favor?" I asked her.

Nanatili pa ring walang emosyon ang mukha ni Renia pero nababasa ko sa isipan niya ang pagkagulat dahil sa unang pagkakataon ay humingi ako ng pabor.

Alam kong hindi siya sasagot kaya nagsalita akong muli.

"Jethro might come here and look for me. Please don't tell him my real name," sabi ko at nabasa kong muli ang pagkagulat niya pero ilang sandali lang ay alam ko ng susundin niya ang sinabi ko.

Aalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Where are you going?"

"Somewhere."

"Do you need cash?" tanong pa niya sa akin.

Umiling ako at tuluyan ng umalis sa condo niya. Marami akong naipon na pera mula sa allowance na binibigay ng Mapagpigil sa akin kaya may pera pa ako para makapag-aral na muli.

Hindi sasakto ang perang ipon ko ng limang taon kaya naghanap ako ng trabaho. I worked as a service crew at night.

Sa isang dorm lang ako for five years kaya kahit papaano ay may nga nakilala ako at nga naging kaibigan talaga. May mga sumubok na manligaw pero hindi ko sila binigyan ng atensyon. I am belong to Je.

Naging iyakin ako nang dahil sa kanya. I cried almost every night. I just missed him so much. Iyon lanv anv dahilan pero gusto kong matupad ang mga sarili kong pangarap bago ako magpakita sa kanya.

I knew he was waiting for me. Tinupad niya lahat  ng sinabi niya. Sino bang tanga ang papakawalan ang taong ganito?

Je is my love.  My only love.

**

"Good morning, Re."

Napangiti ako dahil iyon ang laging pambungad niya sa akin. He's always watching me sleep every morning and making me smile.

Lumapit ako lalo upang isiksik ang sarili ko sa kanya at hinigpitan naman niya ang yakap niya sa akin. Dati pagkagising ko ng umaga ay diretso na akong tatayo. Pero biglang nag-iba ngayon because I can spend a whole day just like this. Gusto kong lagi niya akong niyayakap.

Nilagay ni Je ang kamay niya sa tiyan ko at dahan dahan niyang hinaplos iyon.

"Matagal pa ba bago siya lumabas?"

Lumaki ang ngiti ko nang itanong niya iyon. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang itanong iyon.

"Isang buwan pa lang kaya maghihintay pa tayo ng walo," sabi ko.

Isang taon na kaming kasal nang ginawa namin iyon. Alam kong nadismaya siya dahil hindi namin ginawa iyon noong first night namin pero inintindi niya ang desisyon ko.

Pinili niyang sundan ang mga plano ko nang walang sinusumbat na kahit ano.

I can't wait to see more of his daddy's side. Siguradong magiging spoiled ang magiging anak namin kung ganito kabait at mapagmahal ang kanyang daddy. Pero hindi ko naman hahayaan na masyado siyang maging spoiled, I will teach our child to value a lot of things.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon