Chapter 5

12.5K 289 9
                                    

Chapter 5

Kinabukasan, hindi pumasok si Renia. Iyon ang naging dahilan kung bakit maghapon akong wala sa sarili.  Ni hindi ko nga sinuway si Sandra nang makishare ito ng upuan sa akin habang naglalunch.

Ang daming kinukwento ng babae na wala namang kwenta habang kumakain pero masyadong occupied ang isip ko para pansinin siya. Kumusta kaya si Renia? Bakit hindi siya pumasok?

Wala din akong ganang kumain. Iniisip ko kung may masama bang ginawa ang amo ni Renia? Bigla na naman akong nainis sa sarili ko sa pag-iisip na slave sya.

"Kaklase mo iyon, Jeth, diba?" tanong ni Sandra. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin.

Kumain na kaya siya?

"Rose yata iyong pangalan niya."

Nakuha ni Sandra ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalang Rose. H'wag mong sabihing kabilang si Sandra sa mga nagchichismis kay Renia? Sabagay, nasa mukha naman.

"Ano?" tanong ko. Pinilit kong hwag masyadong magpahalata ng eagerness baka akalain pa niya gusto ko siyang kausap.

"Iyong Rose," sabi niya sabay turo sa babaeng palapit sa mesa namin.

Mabilis akong tumayo at sinalubong si Renia. Kahit gaano katapang ang ipakita niyang emosyon ay pansin ko pa rin na may iba sa mukha nito.

Tiningnan ko ang mukha niya. Kinuha ko rin ang kamay niya para tingnan kung may mga bugbog. Nakahinga ako ng maluwag nang walang kahit isang galos akong nakita.

"Let's talk," sabi niya sa akin pagkatapos ay nauna nang naglakad. Aware ako na nakasunod ang tingin ng mga tao sa cafeteria. I even saw Sandra's reaction.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa may garden na madalas ay walang tao dahil sa sobrang init doon.

Nakabilad kami sa araw pero wala itong kaarte-arte. Nasisinagan ng araw ang morena niyang balat at  napakaganda n'yon para sa akin. Malapit lang kami sa isa't isa kaya kita ko ang mga mata niya. Her eyes are very expressive. I don't know if she's aware of that. And I am sure alam niya na ngayon dahil mababasa niya iyon sa isip ko.

Napakagat ako sa labi ako sa kahihiyan. Bakit ba madalas kong nakakalimutan na isang tingin lang niya sa akin ay alam na niya kung anong iniisip mo?

"Thank you for yesterday," panimula ni Renia. Napangiti naman ako pero napawi iyon nang makita ko sa mata niya ang hatred.

"You're wel--"

"But I am begging you to leave me alone from now on."

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. She was begging?

"Na...nagalit ba iyong amo mo?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay natanong ko na iyon.

Lumukot ang ekspresyon ni Renia habang nakatingin sa akin at binabasa ang isip ko. Ngayon alam na niya na ang akala ko na katulong siya.

"You're wrong." Iyon lang ang sabi nito bago ako iwan doon sa garden.

You are making me crazy, Renia.

***

I went to the library to calm myself. I did not know what's gotten into me that I was actually regretting that. Sigurado akong hindi ang pagmamakaawa ko ang pinagsisisihan ko kundi ang mismong hiniling ko.

Kahit ilang beses kong i-deny ay alam ko sa sarili ko na totoo si Jethro. I can read his thoughts. Very well. Kay Jethro ko lang din nadama na kahit papaano ay kaya ko palang maging kumportable sa piling ng isang tao.

Siya lang ang taong nagkaroon ng totoong concern sa akin kahit na ilang linggo pa lang niya ako nakita. Hindi ko masabing 'nakilala' dahil imposible iyon. Wala siyang alam tungkol sa akin. Maybe he has an idea now.

I wanted him to be my friend, but I know it will complicate things.

"Stay away from people. You don't need others, you just need yourself."

Napapikit ako nang maalala ko ang isang payo sa akin. I don't believe that. But I can't do anything...hindi ko magawa ang gusto ko.

I will never be someone I want to be, not for now. Because all of these aren't mine and will never be.

Iyon ang dahilan kung bakit nasanay na akong magpakita ng ganong emosyon sa mga tao. Sa lahat ng tao. Naniniwala akong kapag naging malapit sa akin si Jethro ay kaya niyang baguhin iyon. I am not heartless and brainless.

Noon pa, isa lang ang gusto ko iyon ay ang magkaroon ng mga kaibigan. Magkaroon ng mga taong magpapahalaga sa akin.

I want a family who will love me not just because they need me.

Mabilis kong pinunasan ang luhang nakawala sa mata ko bago pa may makakita. These damn tears, again.

Isa lang ang kilala kong nakikita ng mga luha ko. Iyon ay ang taong nan

g-iwan sa akin. Sa lahat ng tao sa mundo siya ang pinaka-inaasahan kong susuporta, magmamahal at mag-aalaga sa akin. Siya ang inaasahan kong maging ilaw sa lahat ng madidilim na pangyayari sa buhay ko. But I was wrong. That was my biggest mistake. She is not a mother to me.

My mother left me after knowing my father committed suicide. They left an innocent girl with this torture. I am lonely but that's not the reason why I am not me.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon