Chapter 4

13.2K 292 11
                                    

Chapter 4

"Bro, sasabay ka ba?"

Umiling lang ako kay Jorg at hindi inalis ang tingin kay Renia na kasalukuyang natutulog.

Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang nakatulog ang dalaga habang nagkaklase. Nagulat ang lahat pero pinabayaan na lang siya.

Pumasok ito kanina na halatang puyat na puyat. Pagkaupo pa lang ni Reina sa upuan niya ay agad itong dinalaw ng antok. Tapos na ang last subject pero hindi pa rin nagigising.

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok niya para hindi matakpan ang mukha niya. Pati sa pagtulog ay dala pa rin niya ang pagod sa mukha.

"Renia...Renia," wala sa sariling bulong ko habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng mukha niya. Maganda siya pero talagang weird lang ang personality niya.

Nataranta ako nang bigla itong gumalaw pero bumalik rin ulit sa pagtulog. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ipagpatuloy ang panunuod.

Tumingin ako sa relo ko. After 30 minutes, gigisingin na kita. Isang oras na lang kasi ay siguradong magdadatingan na iyong mga ibang estudyanteng gagamit ng room.

Kinuha ko ang phone ko at vinideo ang pagtulog niya. Maganda pa rin talaga si Renia kahit na mukhang pagod. Kahit na wala siyang kaartehan sa mukha at napakasimple lang niyang manamit. Nakangiti ko siyang kinuhanan ng video pero napawi ang ngiti ko nang bigla na lang siyang nagsalita.

"I won't be a slave for the rest of my life."

Renia is a slave? Katulong? Napatingin ako sa mukha niya, wala sa itsura ng isang napakagandang babae ang maging katulong pero kinukumpirma ng pagod sa kanyang mukha ang hinala ko.

Itinigil ko ang pagkuha ng video at malungkot na pinanuod siya.

"You can live with me. Para di ka na mahirapang magtrabaho." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi ko buti na lang tulog ang dalaga kundi makakatikim ako ng bagsik niya.

May mga estudyanteng pumasok na sa room kaya kahit na ayaw ko ay napilitan akong gisingin na si Reina.

"Renia, time to go home," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Gumalaw si Renia at mabilis na umayos ng upo. Mukhang hindi pa niya alam kung anong nangyari pero ilang sandali lang ay mukhang narealize niya.

"Bakit hindi mo ko ginising kanina?" pagalit na tanong niya sa akin.

"Mukhang pagod ka kasi kanina--"

"Hindi dahilan iyon para 'di ako makinig sa mga lesssons," may pagkairita pa rin sa boses niya.

Sasagot sana ako kaso itinaas ni Renia ang kamay niya sa akin para pigilan ako sa pagsasalita kaya nanahimik ako. Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim.

Diretso ang tingin niya sa akin, "Hindi dapat kita sinisisi. I am sorry."

Namangha ako nang humingi siya ng tawad. Hindi naman pala siya ganoon kasama. Talagang palaban lang ito sa pinaniniwalaan niya.

"Okay lang," sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. "Tara na?"

Tumango siya at kinuha ang kanyang bag. Gaya ng inaasahan ko ay hindi niya kinuha ang kamay ko. Ngumiti na lang ako at itinago ang pagkamot ko sa batok.

"Gusto mo bang ihatid kita?" tanong ko.

"I will pretend I did not hear that," sagot ito. Bakas na naman ang coldness sa boses nito.

Tiningnan ko iyong medyo magulong buhok niya.

"Medyo magulo ang buhok mo," sabi ko. Nagkibit lang siya ng balikat pagkatapos ay direretso lang palabas ng gate. Sumakay siya ng jeep at sunakay na rin ako.

Aangal sana si Renia pero mukhang nabasa niya sa isip ko na ito rin talaga ang sinasakyan kong jeep kaya nanahimik na lang  ang dalaga. Nasa harapan ko siya.

Kahit paano niya takpan ng panyo ang bibig niya ay pansin ko pa ring kanina pa siya humihikab. Kasabay ng paghinto ng sasakyan sa isang waiting shed ay ang pagpikit ni Reina. Buti na lang ay nakababa na iyong katabi ni Renia kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makatabi siya sa jeep.

Lumaki ang ngiti ko nang naramdaman ko ang pag-land ng ulo ni Renia sa balikat ko. Lumapit ako sa kanya para mas maging kumportable siya sa pagtulog.

Pasimple kong pinatong ang kamay ko sa kamay niya at ilang sandali lang ay nakahawak na ako sa kamay niya. Medyo magaspang ang kamay nito. Hinaplos ko iyon. I could spend my forever holding this hand .

Jethro, baliw ka na talaga.

Dahan dahan akong dumukot ng pera mula sa bulsa ko at pinaabot ang bayad naming dalawa. Sa sobrang antok siguro niya ay nakalimutan na niyang magbayad.

Huminto ang jeep sa waiting shed na binababaan ko.

"Wait lang po," sabi ko at muling ginising si Renia pero ang hirap pala niyang gisingin.

"Buhatin mo na iyang girlfriend mo, hijo," sabi nung isa sa mga pasahero.

Medyo kinilig ako sa sinabi nung tao pero hindi ko iyon pinahalata. Tumango na lang ako at dahan dahan siyang binuhat. Medyo kabado ako dahil baka mabitawan ko itong habang bumababa ako sa jeep.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang naiupo ko na siya sa waiting shed. Hihintayin ko na lang na siyang magising.

"Paniguradong gutom ka na," sabi ko sa natutulog na babae sa tabi ko. 2 pm na pero 'di pa rin kami naglulunch. At sa tingin ko ay hindi nag-almusal si Renia.

Matagal tagal ko rin siyang binantayan habang tulog ito. Nagising lang si Renia nang may sasakyang pumarada sa tapat ng waiting shed at tuloy tuloy ang pagbusina sa amin.

Bumukas ang bintana ng kotse at dumungaw doon ang isang babaeng familiar sa akin. Sa tingin ko ay kasing-edad lang namin siya ni Renia.

"Get inside!"

Natatarantang tumayo si Renia at mabilis na kinuha ang bag niya. Halata sa mukha niya na ang kaba habang mabilis na pumasok sa kotse. Ni hindi niya ako tiningnan.

Nabigla ako sa nangyari...sa nakita kong reaksyon nang nakita niya iyong babae. Bakit parang takot si Renia sa babae?

Iyon ang umiikot na tanong sa isip ko habang naglalakad ako pauwi. Hindi kaya iyon ang amo niya?

Nakaramdam ako ng awa para kay Reina at pinagdasal na sana ay maging maayos siya. Sa nakita ko sa mukha nung babae kanina ay mukhang galit na galit ito kay Reina.

No. Matapang si Renia. Kayang kaya niya iyon.

**

Sorry for short updates. Ito lang kinaya ng time ko. Asaham niyo na po ang mga short updates sa susunod pang mga chapter. Thank you guys! ♥♥♥ -Joycei

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon