Chapter 6

12.4K 289 17
                                    

Chapter 6

Halos isang linggo na rin mula nang nagmakaawa si Renia na tigilan ko na siya. Kahit ayaw ko, sinunod ko siya. Pinigilan ko na rin na tingnan siya mula sa malayo. Hindi na rin ako tumatabi sa kanya sa front row, mas lumipat na ako sa last row. Wala rin naman mangyayari kung ipagpapatuloy ko ito.

Siguro, hindi ito pagkagusto. Sadyang nacurious lang siguro ako sa kanya. Kung gusto ko siya, alam ko sa sarili ko na imposibleng susukuan ko na lang siya basta basta.

"Jethro!"

Bahagya akong nagulat nang tinawag ako ng prof ko at nagtanong sa akin ng hindi ko alam. Mag-iisang linggo na rin kasi akong walang advanced reading kaya wala akong alam ngayon.

Mas gusto ko pang bigyan niya ako ngayon ng mahabang equation sa Calculus kesa sa unfamilliar term na tinatanong niya sa akin.

"Sorry, Ma'am. I don't know the asnwer," sabi ko at naramdaman ko ang katahimikan pati na rin ang pagtaas ng isang kilay ni Ma'am Balingit.

"Isang linggo ka ng tulala. Anong nangyayari sa iyo?" tanong ng professor. Nakarinig ako ng concern sa boses nito, aba may puso din pala.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang bahagyang paglingon ni Renia sa akin. Pero hindi ko na iyon pinansin.

"Sorry, Ma'am. I'll do better next time," sabi ko.

"You already said that thrice this week! It doesn't mean you are exempted in your finals, you are not going to listen in the discussion anymore," mariing sabi pa ng professor.

"Yes po. I am sorry," sabi ko at nanatiling nakatayo.

"Okay, you may sit now," niiinis pa rin na sabi ni Ma'am bago icontinue ang discussion.

Bago ako umupo ay hindi ko naiwasang hindi lingunin ang first row kung nasaan si Renia. She was looking at me. Iniwas ko naman ang tingin ko at hindi na siya muling nilingon.

Hindi ako tinatanong ng barkada kung bakit ako nagkakaganito. Mabuti na lang dahil hindi ko rin alam ang sagot. Basta alam ko lang ay tinatamad akong makakita ng libro.

Pagkadismiss ni ma'am at hinintay kong makalabas siya bago ako lumabas. Pero nagtaka ako nang nagtagal pa siya sa loob. Hindi siya si Renia na unang lumalabas sa silid pagkaalis pa lang ng prof. Hinihintay ba niya ako?

Nahigit ko ang hininga ko nang tumayo ito at nilingon ako sa last row. Akala ko lalapitan niya ako pero nagtuloy tuloy lang itong lumabas ng silid.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nagstay pa ako ng ilang minuto doon bago naisipang tumayo at lumabas ng silid.

Pasimple pa akong tumingin sa paligid. Malay ko ba kung nandoon siya at hinihintay ako. Asa ka, Jethro.

Nakauwi ako ng bahay at diretso sa kwarto. Nagbukas ako ng libro para mag-aral pero wala naman akong maintindihan sa binabasa ko. Lumilipad na naman ang utak ko kaya naisipan kong matulog na lang kahit na lunch time pa lang.

Hindi rin naman ako makatulog. Mukha ni Renia ang naiisip ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Naiinis na bumangon ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

"Punta kayo dito.  Dala kayo ng beer," text ko sa barkada. Ito ang pinakaunang beses na nagyaya ako. Madalas kasi sila ang nagyayaya.

Unang nagreply si Braiden, "Dude, sa amin na lang daw sabi ni mommy."

Napangiwi ako sa kanyang reply. Tangina. Talagang napaka-mama's boy ng lalaking ito.

Muli akong nagtext sa iba na nagsasabing kina Braiden ang inuman at ako na ang bahala sa alak. As usual, 'di sila nagreply pero mas mauuna pa sila sa akin doon.

Nagprepare na ako bago bumaba para magpaalam kay mama.

"Oh kararating mo lang, saan ka pupunta?" tanong ni mama pagkakita niya sa akin.

"Kina Braiden, ma. Sleep over kami don," sabi ko sabay halik sa pingi ni mama para maglambing at payagan ako.

Napa-aray ako nang kurutin ni mama ang pisngi ko, "Ang sweet sweet talaga ng baby ko!"

"Ma naman! Twenty years old na ako!" reklamo ko habang hinahaplos ang namumula kong pisngi.

"Kahit seventy years old ka na, baby pa rin kita. Itong batang ito, alis ka na nga!"

Kita mo 'to, kanina binebaby ako ngayon naman pinapaalis ako. Pero imbis na umalis ako ay inilahad ko ang palad ko sa kanya.

"Pocket money, ma," sabi ko.

Bumelat si mama sabay sabing, "Sabi mo di ka na baby kaya kayang kaya mo nang kumita ng sarili mong pera," biro nito.

Minsan talaga nakakasira din ng ulo kapag may cool mom ka. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko si mama. Pero iba pa rin ang pagka-mama's boy ng Braiden na iyon!

Pagkabigay ng pera sa akin ni mama ay mabilis na akong lumabas ng bahay. Sumakay ako ng jeep at nagpunta sa pinakamalapit na seven eleven para bumili ng beer.

Kumuha muna ako ng dalawang tig-iisang litro ng beer. Ilalagay ko muna iyon sa counter bago muling kumuha ng dalawang bote pa. Pakiramdam ko ay kulang pa ang apat na litrong beer sa amin.

Malapit na ako sa may counter nang bigla akong may nakasagi sa akin. Kaya napalingon ako sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko at mahigpit na hinawakan ang dalawang boteng beer na dala ko.

Diretsong tiningnan ni Renia ang dala kong beer.

"R-Re...ni...ya," nauutal kong banggit sa pangalan nito.

"Alam kong alam mo na masama iyan sa kalusugan," sabi niya sa akin pagkatapos ay inunahan niya ako sa pagbayad sa cashier.

Pagkatapos magbayad ni Renia, tiningnan  niya lang ako at umalis na. Nakita kong naglalakad lang siya paalis. Baka tagarito lang siya?

***

Pagkapasok ko pa lang sa bahay nina Braiden ay agad nang sinalubong ng tatlong bakulaw ang dala kong plastic.

Nakaready na agad iyong garden nila kung saan kami madalas mag-inuman. May mga nakahanda na ring pulutan. Ibang klase talaga si Tita Victoria, ang mama ni Braiden.

"Fvckers!!!"

Nagpigil ako ng tawa nang sabay sabay na nagmurahan ang tatlo.

"Ang tagal ka naming hinintay tapos pagbalik mo ganito pa?!"

"Anong gagawin namin sa iced tea?!"

Malakas ang tawa ko nang nakita ko ang pagkabigo sa mukha ng tatlong bakulaw. Bawal nga daw kasi, sabi ni Renia.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon